Chapter11: Doubt

543 17 0
                                    

______o0o______

 

Chapter 11

 

 Precious' POV:

Hindi ko alam na lilingon si Rener kaya magkadampi ngayon ang aming mga labi. Ang weird sa pakiramdam. Para talagang may sakit ako sa puso dahil sa bilis ng pintig nito.

Nataranta ako kaya napahakbang ako patalikod ang kaso, meron palang bato. Nakalayo nga ako sa kanya pero nadulas naman ako. Mapapahiga ako sa lawa kaya huminga ako ng malalim at pumikit.

"I-ingat ka Prechus!"

Narinig kong sumigaw si Rener. Ramdam ko na ngayon ang tubig sa aking likuran pero...

...hindi ako lumubog?

Binuksan ko ang aking mga mata at sa ikalawang pagkakataon ay muling nakadikit ang mga labi namin. Ang bilis ng mga pangyayari. Sinalo nya pala ako upang hindi ako tuluyang lumubog. Hawak ng isang kamay nya ang aking baywang at ang isa pa ay sa may batok ko.

Ang mga kamay ko naman ay parehong napakapit sa magkabila nyang balikat. Parang tulad nung sa mga ibang kwento kung saan binigyan ng matamis na halik ng lalaki ang kanyang mahal sa bandang huli ng istorya. May iba sa aking nararamdaman. Pero ano?

Sabay kaming napakurap.

Sabay na nagising sa katotohanan.

Inilayo nyang bahagya ang kanyang mukha matapos non. Tinitigan nya ako sa mata at ganun din ako. Parang may gustong ipahiwatig ang kanyang tingin na hindi ko mawari.

"Ayos ka lang." tanong nya.

Tanging tango ang kayang kong isagot. Paano nga ba dapat pakitunguhan ang isang kaibigan kung nangyari ang tulad nito at may iba sa pakiramdam?

"Mabuti naman." sabi nya bago ako binuhat.

Napayakap ako sa kanyang leeg ng dahil sa pagkabigla.

"Ayos lang yan Prechus. Huwag kang mag-alala. Hindi kita bibitawan."

Ang lakas na talaga ng tibok ng aking puso. Weird pero...

Precious [Short / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon