Chapter 14: The Truth

470 15 1
                                    


______o0o______

 

 

Chapter 14

 

 

Ian's POV: 

Nakakainip!

Kanina hindi dahil naglaro kami ng chess ni Precious. Ang totoo tinuruan ko lang sya pero sa huli, natalo pa nya ako. Hanep. Buti di nya ako tinawanan. Kasama ko parin sya ngayon sa room nya dito sa hospital pero heto sya at tulog. (-_-)

Asan na ba si ate Mel? Ang usapan, darating sya ng hapon para makatulog ako ngayon at makapagbantay ako mayang gabi. Peste. Wala pa ako tulog!

May kumatok tsaka nagbukas ng pinto. Ah heto na si ate Mel. Kala ko di na darating.

"Ay kala ko dadatnan kitang tulog. Sige pahinga ka na at ako muna magbabantay. Gisingin na lang kita pag may hindi ako alam."

Sa wakas at makakapagpahinga na rin ako! Nakahiga na ako sa isa pang kama sa kwarto para sa mga bantay ng lumapit sakin si ate Mel.

"Ah Ian, heto nga pala mga damit at gamit mo. Kung may kailangan ka pa sabihin mo lang bago ako ako aalis maya para maidala ko sa pagbalik ko."

Naks. Parang kapamilya na nila ako. Itinabi ko na gamit ko pero hindi muna ako bumalik sa higaan. Pinuntahan ko si ate Mel dahil may itatanong ako.

"Oh, bat di ka pa matulog?"

"May gusto po sana akong itanong."

"Ano yon?"

"Curious kasi ako. Di ba 4 ang labas ni sir Ed? 4:30 na. Hindi ba sya dadalaw ngayon?"

"Hindi ata."

Tinignan ni ate Mel ang tulog na si Precious bago itinuloy ang sinasabi nya.

"Ang totoo Ian, sa tingin ko... nasasaktan pa rin si sir Ed pag tinitignan si Precious."

"Ano bang nangyari?"

Precious [Short / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon