Epilogue

702 25 21
                                    

Hooh! Heto na ang magpapatapos ng kwento. Huwag i-skip ang kasunod ng Epilogue ha? Yung kay Roby. Oo, sa kanya ang last POV. haha. Yun yung present ng story. Dun base ang magiging future...

HAPPY READING SAYO! (^0^)/

______o0o______

Epilogue:

Naging matagumpay ang operasyon ni Precious... 

Nagpatuloy sya sa kanyang buhay kahit malinaw na sa kanya na hindi na nya makikita kailan man ang kanyang kaibigan... ang nagmahal sa kanya... ang taong minahal nya at patuloy na minamahal pa. Ginawa nya ang lahat ng kanyang makakaya upang tanggapin ang mga pangyayari na dati ay kanyang tinakasan.

Nakalipas ang napakaraming buwan at tuluyan ng nawala ang sakit ni Precious. Naging bukas na sya sa ibang tao pati na rin sa iba pang mga bagay. 

Nakakalabas na sya ng kanyang silid. Ito kasi ang hiniling nya sa kanyang ama. Ninais nyang makapag-aral, ang magkaroon ng ibang kaibigan o makihalubilo sa ibang tao. Agad syang nakapasok sa kolehiyo dahil sa taglay nyang talino at dahil na rin sa nag-aaral na sya mag-isa dati sa kanyang silid. Kumuha noon ang kanyang ama ng magtuturo sa sa kanya upang hindi sya lumaking mangmang.

Lagi suot ni Precious ang singsing na binigay sa kanya ni Raynier. Ayaw nyang magsalita ng tapos subalit mas gugustuhin nyang matapos ang kursong kinuha kesa sa atupagin kung sino ang papalit kay Raynier sa kanyang puso. Minahal nya ng sobra ang binata. Na kahit na ang dami ng umaakyat ng ligaw sa kanya ay hindi nya parin sila magawang pansinin. 

Dumami ang kanyang kaibigan pero meron ding mga may ayaw sa kanya. May iba na gusto ang kanyang ugali ngunit may iba na nawiwierduhan sa kanya. Natutulad na sya ngayon sa ibang normal na dalaga sa paaralan at iyon ang dati pa nyang dinadalangin. 

Gayon man ay hindi parin mawala sa kanya ang pakiramdam na parang may kulang. . .

Si Ian naman ay lalong nagsipag sa trabaho matapos ng kontrata nya sa pamilya Fuentes. Lalong lumaki ang kanyang pagtingin para kay Precious ngunit ni minsan ay hindi nya ito naamin. Sinubukan nya itong iparamdam sa dalaga subalit sya ay nabigo. 

Sa trabaho nalang nya itinuon ang kanyang sarili at panahon. Nakatanggap sya ng oportunidad upang makapagtrabaho sa ibang bansa na hindi naman nya tinanggihan. Magkalayo man ay naging matalik na magkaibigan sina Ian at Precious. 

Masaya na sa ngayon ang binata sa kung anong meron sila ngayon. Nagsusumikap sya upang marating ang ninanais at para may mukha na syang ihaharap sa pamilya ng dalaga. Hindi na sya katulad ng dati na papalitpalit ng babae. Nag-iba na papanaw ni Ian. Naniniwala sya na may pag-asa para sa kanila ni Precious kaya sya nagsusumikap. 

Precious [Short / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon