Chapter 16: His Past

459 12 0
                                    

 

______o0o______

 

Chapter 16

 

 

Raynier's POV:

Ang daming buwan...

Maraming buwan na ang lumipas mula ng dalhin nila ako sa hospital. Napakaraming examination, test, therapy at iba pa ang ginawa nila sa akin. Parang bahay ko na ang hospital sa tagal ko ng namamalagi dito. At yun ang gusto kong mangyari.

Mas gusto kong manatili dito sa lugar na ito kesa manirahang mag-isa sa malaki naming bahay. Madalas sa trabaho ang mga magulang ko. Hindi nila ako pinapansin hanggang sa nagkasakit ako. Asar lang. Parang mas mahal pa nila ang trabaho kesa sa sariling anak nila.

Dumating na ang private nurso ka at pinipilit na naman akong painumin ng gamot.

"No!"

Yan maladas sinisigaw ko dahil ayaw kong gumaling. Kung anu-ano nirereseta nila pero hindi ko sinusunod. Dahil oras na gumaling ako, babalik ang dati sa lahat. Mawawalan ulit ng panahon mga magulang ko sakin. At di ako papayag.

"Raynier naman! Inumin mo na itong gamot. Mapapagalitan ako nyan e."

"I don't care!"

"Kaw wala ako meron! Baka matanggal ako no!"

"NO!"

Tumakbo na ako. Di nya ako nahabol dahil ang taba nya. Haha. Buti nga.

Naglakad na lang ako ng makalayo ako sa tabachoy na nurse hanggang sa napansin ko ang bagong pasyente na kabababa lang sa ambulansya.

"Are you sure you're ok?" tanong ng lalaki sa pasyente na kasamang nagtutulak sa stretcher.

Hindi ko alam kung maiinggit ako sa pasyente dahil halatang sincere ang kasama nya o matatawa dahil abnormal ang tanong sa kanya. Natural hindi ok. Idadala ba sa hospital kung ok kasama nya? (=_=)

'Parang ewan lang.'

Yan ang nasa isip ko nung una at naiba yon ng mapadaan ang stretcher sa tapat ko. Nakita ko ang pasyente. Isa syang babae na nasa edad ko siguro. Napakaputla at naghahabol sya ng hininga pero nakangiti parin. Ok nga lang ba sya? (o_O)

Precious [Short / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon