Chapter 8: The Return

657 19 1
                                    

Promote lang po: Meron ako ginawang One-shot Stories. Heto titles...

- FacePowder Story

- Gitara Story

- The tale of Glimmer

 

Paki-basa if interested ka! hehe. Teinkiyoo! ^^

 

 

ENJOY READING!

 

 

_________o0o_________

 

 

Chapter 8

 

 

 

Precious' POV:

May dalawang bata...

Nakaupo sa ilalim ng puno. Naglalaro sila. Nagsasaya. Wala silang pakialam sa kanilang paligid. Para silang nasa isang mundo na sila lang dalawa ang nakakapasok. Nakakainggit tignan. Nakakainis.

Gusto ko silang guluhin pero hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Lumingon sa akin ang batang lalaki kaya napalingon din ang batang babae. Parang kilala ko ang babaeng paslit. Ngumiti sya sa akin at may sinabi pero hindi ko narinig. Inulit nya.

"Prechus!"

Tinatawag pala nya ako. Pamilyar ang kanyang boses.

Precious [Short / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon