Prologue

3.1K 52 10
                                    

Hi forgottenglimmer! Gusto ko sanang idedic first story ko sayo. Aiun. ^^

**Notes: Madrama yung chapter na ito pero hindi ang mga susunod. Feel ko lang kasing maging makata. ^^ Isa pa pala...Wala akong pag-aari sa mga pictures. Nakita ko lang sila sa google tsaka ko inedit. Yun lang po. Enjoy! **



_________o0o_________

PROLOGUE:

Araw-araw may pinapanganak...

Araw-araw mayroon ding namamatay...

Mula sa pagiging anghel na walang kaalam-alam sa paligid.

Lalaki at magkakaisip.

Lalawak ang mundo at magkakaroon ng mga kaibigan. Maglalakbay para kasiyahan ang laging maramdaman.

Hanggang sa darating ang yugto ng buhay na magkakaroon ng kasintahan.

Basta nalang mararamdaman ang isang pag-ibig na ibang-iba sa naramdaman mula sa mga kaibigan at pamilya. May pagkakataong makikilala ang kapareha na kakasundo sa lahat ng bagay o makakaranas ng pagkasawi sa ibibiging tunay.

Nais maranasan ni Precious ang magkaroon ng mga kaibigan at higit sa lahat ang magkaroon ng kasintahan. Naiiba kasi siya mula sa ibang dalaga. Maaga siyang naulila sa ina at laging sa trabaho pa ang kanyang papa. Lagi siyang nakakulong sa kanyang silid kahit hindi naman nakakahawa ang kanyang sakit.

Isinilang siyang may napakahinang katawan kaya hindi pa niya naranasang lumabas at makipagtakbuhan. Naiinggit siya sa mga nakikita tuwing tumatanaw mula sa bintana ngunit wala din naman siyang magawa.

 Itinuon nalang niya ang sarili sa pagbabasa. Napakadami na nga niyang alam na kwento at tula. Lumawak ang kanyang mundo. Ngunit ito na rin ang naging dahilan kaya siya ay nanlulumo. Naiinggit siya sa mga bida ng mga ibang kwentong kanya ng nabasa.

Hindi nya mawari subalit kapag nabasa na niya ang huling katagang

"...and they live happily ever after..."

ay nalulungkot sya.

Hindi niya maiwasang magtanong kung bakit ganoon ang nangyari sa kanya? Bakit pa sya ipinanganak? Napakasama ba niya noong nakaraang buhay niya? Pinaparusahan ba siya? May nagawa ba syang pagkakamali sa iba kaya ipinakulam siya? O mayroon ba syang misyon sa mundo na kailangan magampanan? Hindi niya alam. Wala siya ni isang ideya. Pakiramdam niya mababaliw na siya sa kakaisip.

            Paano pa nga ba itutuloy ni Precious ang agos ng buhay? Makakakilala pa ba siya ng kaibigan? Magkakaroon pa ba siya ng kasintahan?

_________o0o_________

**Notes: Yieeeeeeh... Na-post ko na una kong chapter. Ijo-jornal ko to! haha. Hmmm.. Napapaisip ako kung may magbabasa nito. Baka mabulok lang dito to. bwahahahaha... Good Luck sakin!!!**



-->BelomaCassidy



Precious [Short / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon