Chapter 3: Ian meets Precious

771 27 13
                                    

Dedicated to blackcrystal. Ang tutuo nian nakalimutan ko ng iupdate ito but since may nagbabasa pala ia-update ko na. Nafocus ako sa MP3p ko..haha. Thanks sa pagfan! (*u*)/

_________o0o_________

Chapter 3

Ian's POV:

Sobrang busy ang mga tao pero heto si Robby, may panahon pang makipag-flirt. Ako? Heto inaayos na ang mga folders ng mga pasyente na nakuhanan namin ng records. Nag-room to room kami ni Robby kanina para sa regular check ng BP at iba pa ng mga pasyente.

"Ian, tawag ka ng isang chick. May sasabihin daw. Ang sexy tol!" Ilang minuto na lang uwian na. Hindi pa makapaghintay. 

"Bago?" tanong ko kay Robby. Halos naman kasi ng mga babae dito kilala na ako.

"Hindi tol. Matagal na siya pero bagong lipat sa building nati." Puntahan ko kaya? sawa na kasi ako sa mga kasama ko dito. "Una nga syang kumausap sakin e. Tapos ng sinabi kong Robby pangalan ko biglang tinanong sakin kung nasaan si Ian? Tsk. Pinagkamalan ata na ako ikaw e mas gwapo naman ako sayo!" Asa ka naman.

"Nasan?"

"Nandon sa tabi nung vase sa may pagitan ng room 104 at 105." Gaganahan ata ako ngayon ah? Sira pa yung ilaw sa kantong yon kaya nga nilipat ang mga pasyente. Good location.

"Sige. Punta ako. Ikaw na tumapos nyan." Iniwan ko na si Robby. Kailangan ng pagbigyan ang bisyo ko. Papalapit pa lang ako ay kita ko na ang ngiti ng babae. Sa tingin ko palang, alam ko ng aggressive type sya.

"Ian right?" Binibigyan nya ako ng malalagkit na tingin. Papatalo ba ako? Syempre hindi.

"Yes. And you are?"

"My name is Abby. Carol is a friend of mine. She claim that you are her boyfriend but I am a lot better than that girl. Sooooo, can I have the position from her?" Lumapit sya sakin at humawak sa dibdib ko. As what I thought, an aggressive one. (~~,)

Precious [Short / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon