40: Special chapter of Liam & Precious

25 1 0
                                    

Ang aga kong nagising para pumunta kay Liam. Ngayon kasi ang labas niya sa hospital. Hindi na kasi ako nakapunta kahapon upang kausapin siya dahil birthday din ni daddy. Gusto ko nga sanang mag-usap kami ng pamilya ko kasama si Liam. Kung mangyayari 'yon, siguro, masasabi kong 'yon ang pinakadabest na araw dahil kasama ko ang mga pinakamamahal ko sa aking buhay.

"P-precious? Bakit ang aga mo?" Napansin kong parang nataranta si Tita Pia. Sa tingin ko, siya pa lang ang nandito.

"Gusto ko na po kasing makita si Liam. Hindi po kasi kami nakapag-usap kahapon. May problema po ba?" Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

"Wala. Maghanda ka." Nagtaka naman ako sa sinabi niya. Magtatanong pa sana ako kaso nagsalita na siya agad. "Nevermind. I should go now." Nagbeso kami at ngumiti siya bago umalis. Kinabahan naman ako bigla. Maghanda para saan?

Hindi ko na lang inalala pa ang sinabi ni Tita pia at pumasok na sa loob ng kwarto.

"L-liam..." Para akong naiiyak nang makita ko siya. I miss him so much.

"Sino ka?" Seryoso niyang sabi. Ito ba ang dapat kong paghandaan? Bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

"Liam naman 'wag kang magbiro ng gan'yan."

"Hindi ako nagbibiro. Seryoso ako...sayo." Ngumisi siya at nasundan pa ng pagkindat. Nagulat ako sa kan'ya.

"W-wala kang amnesia?" Biglang siyang naging seryoso ulit.

"Ikaw ba 'yung..."

"Ha? 'Yung?" Naguguluhan kong tanong.

"'Yung nagpapatibok ng puso ko?" Hinampas ko siya sa braso niya, pero mahina lang. Bigla naman siyang tumawa ng malakas at ginulo ang buhok niya. Ang gwapo niya pa din.

"Precious..." Naging seryoso siya ulit.

"Bakit? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalala kong tanong. Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.

"Oo."

"Saan? Sabihin mo? Sobrang sakit b—" Napatigil ako sa pagsasalita ng iharang niya ang hintuturo niya sa labi ko.

"Alam mo 'yung masakit? 'Yun ay kapag mawala ka pa sa akin ulit." Alam kong namula ako sa sinabi niya. Bigla siyang bumaba sa kama niya. Pinigilan ko naman siya.

"Anong ginagawa mo? Magpahinga ka nga—"

"Shhh...kaya ko na. Magaling na ako. Let me do this." Then I saw him pulling out something from his pocket and kneeling before me.

"L-liam..."

"Ayaw ko ng mawala ka pa sa akin, Precious. Gusto ko ako lang. Gusto ko akin ka lang." Patuloy lang ako sa pakikinig sa kan'ya habang hawak niya ang mga kamay ko at nakaluhod. "Noong una, akala ko hindi kita magugustuhan, akala ko hindi kita mamahalin, but I was wrong. Noong una dare lang ang lahat...I'm sorry for that...pero hindi ko namamalayan na nahuhulog na pala ako sa'yo. Hindi ko alam ang gagawin ko that time. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo. Hanggang sa maunahan akong magsabi sa'yo ng totoo...naunahan ako nila Trixie. Sobra akong nasaktan nang ginawa nila sa'yo 'yon. Ang tanga ko, wala man lang akong nagawa. I'm sorry." Napansin kong pati siya ay umiiyak na din. "Hanggang sa magalit ka sa akin at iwan mo ako. Sobra akong nasaktan non."

"Don't bring back the past, Liam. Kinalimutan ko na 'yon. Tumayo ka na diyan." Hinawakan niya lang ng mahigpit ang kamay ko.

"I'm not yet done. Just watch and listen." Biglang namatay ang ilaw at tanging mga electric candle na nakapaheart sa dingding lang ang nakabukas. Hindi ko napansin kanina na may ganon pala don.

"What's for that, Liam?" Nanginginig kong tanong.

"Hayaan mo akong patunayan ang pagmamahal ko sa'yo, Precious. Let me love you, not only now but forever." May kinuha siyang maliit na box sa bulsa ng damit niya at laking gulat ko ng buksan niya ito.

"Precious Ruiz Ellazar, will you marry me?" Tuluyan na akong napaiyak.

"Yes...I will marry you, Liam Axriel Montano." Hinayaan kong isuot niya sa akin ang singsing at inalalayan ko siyang tumayo.

Kasabay ng pagtayo niya ang pagbukas muli ng ilaw. Nagulat ako sa mga nakita ko. Totoo ba 'to?

"Congratulations!" Sabay sabay na sigaw ng mga taong hindi ko inaakala na nandito.

"Mom?...Dad?..." Hindi ako makapaniwala na nandito sila. Nginitian nila ako at niyakap. "Tito Leo?..." Tinapik niya ang balikat ko at nagsalita.

"I said call me dad." Oo nga pala.

"I'm sorry, dad." Ngumiti siya at ibinaling ko naman ang tingin ko sa mommy ni Liam.

"Tita Pia? K-kaya po ba kayo hindi mapakali kanina?" Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko.

"Yes, hija. I'm sorry I can't tell you because it'll be a surprise." Ngumiti naman ako.

"It's ok po, Tita."

"Just call me, mom." Napangiti naman ako at muli kaming nagyakap.

Lumingon naman ako sa may bandang pinto. Mukhang may hindi sila sinasabi sa akin ah.

"Sean?...Ella? I can't believe that you're both here." Lumapit sa akin si Ella at niyakap ako ng mahigpit.

"Siyempre, mawawala ba kami sa WEDDING PROPOSAL ni Liam sa'yo?" Nagtawanan naman kaming lahat sa sinabi niya.

Liningon ko si Sean at nakangiti siya. Hmm, it's look like may something sa kanila ni Ella. Napalingon ako sa magkahawak nilang kamay.

"May dapat ba akong malaman, Sean?" Hinawakan niya ang balikat ko.

"We know na that this moment are for Liam and you. But, you should know this also."

"We're back...we're back loving each other." Kinikilig na sabi ni Ella.

"Kayo na ulit?" Gulat kong tanong. I can't believe, parang kailan lang kasi...

"Not yet. But, I'm courting her again...and I'll wait for her sweetest yes." Nakangiti niyang sabi habang nakatingin kay Ella. Namula naman lalo si Ella.

"I'm happy for the both of you."

"Hep hep...This moment are from us." Pagbibirong sabi ni Liam.

"I think Tito's and Tita's, we should go now." Tumango naman ang parents ko at ng kay Liam. "Bye, Precious. We'll wait the both of you in the restaurant. We should celebrate this." Lumabas na sila at kami na lang dalawa ni Liam ang naiwan.

"Please stay forever in my life, and I will too." Mahinang sabi ni Liam.

"I will." Masaya kong sabi.

Then I suddenly felt his lip land on mine. This is one of the best day of my life.

Don't you dare the nerdy girlWhere stories live. Discover now