Chapter 7: Staring each other

25 1 0
                                    

"Tara na." Pag-aaya ni Liam. Kakatapos lang namin kumain.

"Saan?"

"Matutulog na. Gabi na, maaga pa kita ihahatid sa inyo bukas." Seryoso niyang sabi.

"Diyan sa tent? Tabi tayong dalawa?"

"Oo." Tumalikod siya at naglakad. Pero 'di pa siya nakakalayo tinawag ko na siya.

"Sandali!" Napahinto siya at nilingon ako. "Dito na lang ako. Ayaw kong tumatabi sa mga lalaki kapag natutulog." Nakayuko kong sabi.

"Hindi pwede. Mamaya kung anong mangyari sa'yo dito." Concern ba siya? "A-ano kasi, malalagot ako sa mommy mo. Saka may gumagala daw ditong mga kaluluwa." Nananakot ba siya?

"A-ayaw ko pa din, at hindi ako takot sa mga multo." Takot talaga ako eh.

"Ah talaga? Sino 'yung nasa likod mo?" Nakangisi niyang sabi kaya napakapit ako sa braso niya pero agad din akong bumitaw.

"Wala naman eh, sinungaling ka. Dito na lang ako."

"Bahala ka jan, ang choosy mo." Ako? Choosy? 'Di kaya.

Pumunta na siya tent namin na malayo layo din dito. Gabi na kaya madilim na ang paligid. Tanging ilaw na lang namin ang nakabukas. Nakaramdam ako bigla ng takot.

LIAM

Mahihiga na dapat ako ng biglang bumukas ang harang ng tent.

"Oh? Bakit ka nandito? Akala ko ba ayaw mo? Natakot ka 'no?" Pagbibiro ko.

"H-hindi kaya. Malamig kasi." Magsisinungaling pa eh halata naman.

"Ito 'yung kumot. Dun ka na ulit. Hindi ka naman takot 'di ba? Kaya nga may nakatayo sa likod mo eh." Bigla siyang pumasok at isinara ang tent. Ang cute niyang matakot haha.

"Oo na. Takot na!" 'Di siya makalingon sa akin. Natawa na lang ako sa kan'ya.

Maya maya napansin kong tulog na si Precious at mukhang nilalamig siya. Kaya nilapitan ko at kinumutan siya. Unluckily, isa lang ang dala namin kaya wala akong magagamit.

Pagkalapit ko sa kan'ya, nacurious akong pagmasdan 'yung mukha niya ng walang salamin. Maganda pala siya at ang amo pa ng mukha.

Erase. Hindi dapat ako maattract sa kan'ya.

Bumalik na ulit ako sa higaan ko at natulog.

PRECIOUS

Mag aalas tres pa lang pala ng magising ako. Nagulat ako kasi may kumot na ako, eh kanina naman ay wala. Tinignan ko si Liam napansin kong nilalamig siya. Hindi naman na ako nilalamig kaya sa ibibigay ko na sa kan'ya 'yung kumot.

Lumapit ako para kumutan siya. Umupo ako saglit sa gilid niya upang pagmasdan ang mukha niya. Bigla kasi akong nacurious. Seryoso siya pero pagtinignan mo 'yung mukha niya, para siyang isang maamong tupa. Makapal na kilay, mapupungay na mga mata, mahahabang pilikmata, matangos na ilong, at ang labi niyang—

"Baka malusaw sabi ako niyan eh." Nagulat ako ng bigla siyang dumilat at magsalita. Napatayo ako bigla at bumalik sa hinihigaan ko. Gosh, nakakahiya!

Tinakpan ko na lang ng panyo ang mukha ko at narinig ko naman siyang tumatawa. Mapang-asar talaga.

Bakit ko ba kasi ginawa 'yon?

Sabagay, nakakakuha talaga ng atensiyon 'yung mukha niya. Hindi ko maipagkakaila na gwapo siya. Kahit sino sigurong babae ay maaattract sa kan'ya, pati ako—Ay mali! Hindi pala ako.

Don't you dare the nerdy girlDär berättelser lever. Upptäck nu