Chapter 28: Not anymore

24 1 0
                                    

"Since malapit na ang foundation day, we need a representative. She should be have a beauty and brain." Sabi ng guro namin sa Art class. Agad naman silang nagbulungan at umaasang sila ang mapipili.

Buti na lang hindi ko classmate sila Ella, Trixie at—Liam. Kampante ako ngayon.

"You don't need to volunteer because we have one na." Natahimik naman sila. Sino kaya 'yun? Kung ano o sino man siya, support ako.

"Sino naman ma'am?" Pagtatanong ng maingay kong classmate.

"Ano ba 'yan sayang." Sabi ng iilan kong classmate na babae.

"Sana ako 'yon." Sabi naman ng iba, umaasang sila ang mapipili.

"She would be Ms. Ellazar. Since siya ang nangunguna sa subject ko." Nagulat ang lahat. Kahit ako nagulat.

"But ma'am—"

"No buts Precious. I already listed you in the representative list." Paano na 'yan? Ack. "Go to the event room later. All model will having a meeting."

Hanggang sa mag dismissed, pageant ang iniisip ko. Ayoko na sumali sa mga ganon dahil sa nangyari sa akin before. Kinakabahan ako dahil baka maulit na naman muli at ayon ang pinaka ayaw ko.

As usual nandito na naman ako sa tambayan ko. Tamang kain lang at basa ng libro.

Nag bell na kaya kailangan ko ng pumunta sa event room dahil may meeting daw kami.

Pagkapasok ko ay umupo ako sa pinakalikod. Nagulat ako dahil napansin ko sa unahang row sa harapan si Trixie at si Ella sa pangalawang row. Kasali pala sila Sabagay maganda rin sila at matalino pero sa ugali— I don't even think so.

Tapos na ang meeting. Diniscuss lang ang mga gagawin sa pageant at kung kailan kami mag papractice.

Aalis na dapat ako para bumalik sa next class ko pero sabi ng isang teacher ay huwag daw muna kaming aalis. Mag meryenda daw muna kami at excuse na rin kaming lahat sa next subject namin.

Habang hinihintay namin ang ipinadelivered na food ay narinig kong nagsalita sa Trixie.

"Look nandito lang naman ang isang panget at malandi. As if naman na mananalo siya, duh." Alam kong ako ang sinasabihan niya dahil sa akin siya nakatingin. Hindi ko na lang siya pinatulan. Napaka low class niya talaga.

"Back out bitches, for sure naman na ako ang mananalo eh." Nasundan pa ito ng pagtaray. Ang iba ay hindi na lang sumagot dahil halatang takot sa kan'ya.

Nanahimik na din siya kakadaldal dahil dumating na din ang pagkain.

"Ladies after niyong kumain you can proceed to your next class, ok?" Sabi ng dalagang guro. Tumango lang kami at nagpatuloy na sa pagkain.

Tapos na kaming kumain kaya ang iba ay lumalabas na.

Lalabas na dapat ako pero humarang si Trixie sa pinto.

"Hey ugly! You should be back off. As if naman na mananalo ang isang katulad mo?" Mataray na sagot niya. Ang iba ay hindi na makadaan dahil sa kan'ya. Halatang naiinis na ang iba pero takot sila dito.

"Pwede ba umalis ka sa daanan?" Pag ako nalate sa next class ko.

"Ok but lemme do this to you." Pinunas lang naman niya ang cake sa damit ko na kinainis ko.

"What the—" Tumawa lang siya. Maglalakad na dapat siya pero hinatak ko siya upang mapaharap sa akin.

"Don't touch me ew—" Nahinto siya sa pagsasalita ng ibuhos ko sa mukha niya ang Mikltea na hawak ko.

Kita ko sa mukha ng mga studyanteng dumadaan na nagpipigil sila ng tawa. Ang mga co-model ko ay napatawa na din.

"How dare you?!" Sasampalin niya dapat ako kaso umilag ako kaya mas lalo siyang nainis.

"Are you blind? Or tanga ka lang talaga? I told you. Don't you ever messed with me again dahil hindi na ako ang dating Precious na naaapi mo pa." Tinarayan ko siya at binangga ko ang balikat niya pagkalabas ko kaya napa upo siya sa sahig.

Nagtawanan ang lahat ng estudyanteng nakakakita sa kan'ya. Ang iba ay kinukuhaan pa siya ng litrato.

"Fvck! Stop taking picture of me!" Pagsigaw niya, kaya napatigil na ang iba sa ginagawa nila at umalis na.

"Damn Precious! You will pay for what you've done to me. Mark that, you fvcking idiot!" Sigaw niya sa akin dahil medyo malayo na ako sa kan'ya. Nginitian ko lang siya na mas lalong nakapagpagalit sa kan'ya.

"Do all what y'all wants.Pero hindi ko na hahayaang apihin niyo pa ako ulit." Bulong ko sa aking sarili at nagpatuloy na sa paglalakad.

Don't you dare the nerdy girlOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz