Chapter 35: Reunite

21 0 0
                                    

Wala kaming nagawa kung hindi magstay nga dito, ng kami lang dalawa. Nakaupo lang ako habang nakaharap sa dagat. Habang siya nakahiga habang nakapatong ang ulo niya sa dalawa niyang kamay. Magkalayo kami ng kaunti.

Maya maya nakita ko siyang tumayo. Naglakad siya, parang papunta siya sa loob ng gubat.

"Saan ka pupunta?" Nagtataka kong tanong. Huminto naman siya at lumingon sa akin.

"Iihi, sama ka?" Muntik na akong mabulunan kahit wala naman akong kinakain dahil sa sinabi niya. Tinarayan ko lang siya at umiwas ng tingin. Narinig ko namang tumawa siya.

Maya maya nakabalik na din siya.

"Tara doon?" Pag-aaya niya sa akin.

"Bakit naman ako sasama sa'yo?" Pagtataray ko.

"Delikadong matulog dito, gabi na. May nakita akong masisilungan doon." Baka mas delikado kapag kasama ko siya.

"Dito na lang ako." Pagpipilit ko.

"May multo daw dito. Edi, kung ayaw mo bahalaka." For sure, tinatakot niya lang ako.

"Hindi ka sure. Talaga dito na lang ako." Nakita ko na siyang naglakad palayo. Bigla naman akong natakot kasi baka nga totoo 'yung sinabi niya, kaya sinundan ko siya.

"Liam, sandali!" Napahinto naman siya. Samantalang ako hingal na hingal dahil tumakbo ako.

"Oh, akala ko ba maiiwan ka?" Ang taray naman, makaalis na nga lang.

"Edi wag!" Tinalikudan ko siya. 'Di pa man ako nakakalayo hinawakan na niya 'yung kamay ko.

"Tara na." Seryoso niyang sabi.

"Bakit nay pahawak pa ng kamay?" Hinila ko bigla 'yung kamay ko.

"Baka mawala ka kasi." Nagpatuloy na siyang maglakad. Sumunod naman ako sa kan'ya.

"Ano ako bata?" Pagbibiro ko.

"Hindi baby...baby ko." Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

Hindi ko namalayan na nakalayo na siya. Bigla naman siyang lumingon sa akin at sumigaw.

"Bilisan mo baka multo na 'yung kasama mo diyan mamaya." Bigla siyang tumawa. Agad naman akong tumakbo papunta sa kan'ya.

"Aray!" Bigla akong napasigaw dahil may naapakan akong bato kaya natapilok ako. Napansin ko namaang bumalik si Liam papunta sa akin.

"What happened?" Bigla niyang nakita 'yung paa ko kaya tinulungan niya akong tumayo. "Masakit?"

"Kaya nga ako umaray 'di ba? Sinabi ko bang ang sarap?" Napailing na lang siya.

"Sakay." Seryoso niyang sabi. Maya maya yumuko siya ng kaunti habang nakatalikod sa akin.

"A-ano 'yan?" Naiilang kong tanong.

"Sumampa ka. Mas mapapabilis tayo kapag ganito. 'Wag ka ng maarte." Sumampa na lang ako. Baka kasi iwan niya ako kapag mabagal akong maglakad dahil sa sakit ng paa ko.

Nandito na din kami sa maliit na kubo. Nakaupo lang ako habang nakatapat sa bintana. Si Liam naman nakaupo lang sa harap ko. May lamesa kasing nakapagitan sa amin. Hindi naman ako makalabas dahil umuulan na.

Hinawakan niyang bigla 'yung kamay ko. Gusto kong iiwas pero hindi ko magawa. I miss holding his hand.

"I miss you, Precious..." Bigla na lang siyang umiyak. "Hindi mo alam kung gaano kita ka miss. Lagi kang pumapasok sa isip ko, lagi kitang naiisip kung ok ka lang ba...kung may chance pa ba..." Bigla na lang tumulo 'yung mga luha ko. Napaisip ako kung nay chance pa nga ba? Sinasabi ng puso ko na mayroon pa, pero kapag naiisip kong baka lokohin niya ako ulit? Nawawala 'yung pag-asa na balikan ko pa siya eh.

"H-hindi ko alam, Liam." Sabi ko habang nakatingin sa ibang direksiyon.

"Look at my eyes, Precious...sabihin mong hindi mo ako mahal. Tell me you don't love me anymore, kapag nagawa mo...I'll stop and let you go." Lalo lang akong napaiyak sa mga sinabi niya. Mahal ko pa ba siya? Kaya ko bang mapalayo siya?

Tinignan ko siya sa mga mata niya. "H-hindi na kita mahal, Liam." Bigla siyang tumayo at tumalikod. Tinakpan ko ang mga bibig ko upang 'di makagawa ng ingay sa pag-iyak. Mahal pa kita, Liam.

"Stay here. Lalabas muna ako para maghanap ng makakatulong sa atin pabalik." Hindi siya lumingon. Alam kong umiiyak pa din siya.

"Don't go. Stay here. Stay with me. Not only now, but in my life. I s-still love you Liam and that's the truth." Umiiyak kong sabi. Naramdaman ko na lang na niyakap niya ako.

"I love you too, Precious. I miss hugging you. I miss holding you. I miss everything in you. I miss the whole you. I miss you so damn much, my love." Niyakap ko din siya pabalik.

The last thing I knew, was found his lip kissing mine.

I miss you so much, Liam. Te quiero.

Don't you dare the nerdy girlWhere stories live. Discover now