Chapter 27: Letting go

22 0 0
                                    

"Precious!" Pagtawag sa akin ni Liam. Hindi ba siya makaintindi?

Patuloy lang ako sa paglalakd papuntang locker room. Hindi ko siya pinapansin. Pagkatapos kong nailagay ang mga libro ko ay pumasok siya at agad nilock ang pinto.

"What are you doing? Can't you understand?" Mataray na sabi ko sa kan'ya.

"Precious mag-usap tayo." Nagulat ako ng biglang nagsimula tumulo ang mga luha sa mata niya. Kumirot bigla ang puso ko. I admit na ayaw ko siyang nakikitang nsasaktan kasi mahal ko pa siya pero mas tama na lumayo na lang ako sa kan'ya.

"Huwag ka ngang umiyak, baka kung anong isipin nila. Alam naman natin kung sino talaga ang may kasalanan dito eh." Lalabas na sana ako pero niyakap niya ako ng mahigpit. Gusto kong kumawala pero ang lakas niya.

Nagsimula na ding tumulo ang mga luha ko. Nararamdaman ko ang pagkamiss sa kan'ya at the same time ang sakit.

"Let me go! Baka may makakita sa atin at sabihing nilalandi kita!" Hindi ko pinahalata na umiyak ako kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko.

"Precious, I love you and I miss you so much." Nagpapatawa ba siya? Niloko nga nila ako 'di ba. Tapos sasabihin niyang mahal niya ako?

"You can't fool me again. Let me go." Pagpupumiglas ko kaya agad naman niya akong binitawan sa pagkakayakap.

Nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya at sa bawat pag patak ng mga luha niya. Hindi dapat ako naawa sa kan'ya. Hindi dapat ako nasasaktan. Baka isa na naman itong palabas.

"Ano 'to Liam? Dare na naman? Pwes tigilan mo na." Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko kaya 'di ako makaalis.

"It's not a dare anymore. Ang tanga ko para pumayag na gawin sa'yo yon. Sa una dare lang ang lahat pero hindi ko akalain na magkakagusto sa'yo at mamahalin ka."Patuloy pa rin siya sa pag-iyak. Hindi dapat ako nadadaan sa pag gan'yan niya.

"Stop it Liam! Can't you understand ha? Ayaw na kitang makita pa!" Nagsimula nang tumulo ang mga luha ko. "Nagpapatawa ka ba? Pagkatapos mo akong paglaruan tapos sasabihin mo mahal mo ako? Idiot."

"I'm saying what's on my heart Precious and that's the truth." Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Maniniwala ba ako? Magagalit o Maiinis? Ang gulo!

"Pwede ba Liam iba na lang! Hindi na ako 'yung dating Precious na kaya niyo pang apihin at lokohin! Tigilan mo na ako! Layuan mo na ako Liam!" Sigaw ko sa kan'ya kasabay ng pag-agos ng tuluyan ng mga luha ko.

"You want that?" Sumiryoso siya bigla. Hindi ako makasagot. Gusto ko ba talaga?

"Sabihin mong hindi mo na ako mahal Precious at titigilan na kita." Hinalikan niya ako bigla. Kumalas naman ako. Hindi na dapat pa akong magpaloko sa kanila. Sa k-kan'ya.

Kaya ko ba talagang sabihing hindi ko na siya mahal? Argh! Hindi ko kaya kasi mahal ko pa siya! Pero mas makakabuting lumayo na lang sa kanila, sa kan'ya. Gusto ko ng umiwas sa away at gulo.

"H-hindi na kita m-mahal Liam." Nauutal kong sabi. Damn! I love you so much Liam but this is the right thing to do. Ayaw ko nang makagulo sa relasyon niyo ni Trixie!

"Well if that's what you want, From now on lalayuan na kita. If that's what you want I'll support you even if it's so much hurt. Kung saan ka mas sasaya ok na ako dun. Goodbye, my beloved Precious." Kasabay ng paglakad niya palayo ang pagkadurog ng puso ko.

Ginusto ko 'to diba? Kaya dapat akong maging masaya. Pero bakit?! Bakit hindi ko kaya? Mas lalo akong nalungkot ng lumayo na siya. Sobrang sakit.

Mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kan'ya kaysa sa mga ginawa nila, sa mga ginawa niya. Dapat nga akong maging masaya kasi lumayo na siya pero hindi ko magawa! Hindi ko kaya!

Patuloy pa rin sa pag-agos ang mga luha ko. Umaasa na mawawala ang sakit pero hindi.

Hindi ako nakapunta sa mga susunod ko pang klase. Nagsabi ako na masama ang pakiramdam ko.

Nagpalipas ako dito sa locker room habang walang tigil sa pag-iyak. Wala akong pake kung may papasok at makikita nila ako.

Uwian na rin kaya nag-ayos na ako. Patuloy pa rin sa pagpatak ang mga luha ko.

Nandito na ako sa bahay at agad bumungad sa akin si mommy.

"Baby what happened?" Lalong umagos ang mga luha ko.

"Pinalayo ko po si Liam sa akin pero 'di ko po pala kaya." Niyakap niya ako at hinimas ang likod ko.

"I understand you baby." Kumalas na ako sa pagkakayakap.

"Thanks mom. I'll go to my room na po." Ramdam ko na namumugto na ang mga nata ko.

"Okay baby. Dadalhan na lang kita ng pagkain mo. Ilabas mo lang lahat. Iiyak mo lang hanggang sa mawala na ang sakit. Nandito lang kami ng daddy mo para sa'yo." Tumango lang ako at agad na umakyat sa kwarto ko.

Sana nga. Sana ganoon na lang kadaling mawala lahat ng sakit.

Don't you dare the nerdy girlWhere stories live. Discover now