Chapter 36: Tragedy

22 1 0
                                    

I just can't believe that we are back together. Parang kailan lang, hindi na kami nagpapansinan. Parang kailan lang, napaka imposimble na maging kami ulit. But look at now, we are loving each other again and again. Sana kami na nga hanggang dulo. Sana wala ng gulo. Sana wala ng hahadlang pa.

"Gising ka na pala." Nagulat ako ng biglang magsalita si mommy.

"Kanina pa po kayo diyan?" Nahihiya kong sabi.

"Uhm, yes. I don't want to disturb you for imagining beautiful things." Pagbibiro ni mommy na nasundan pa ng pagngiti. Bigla siyang umupo sa kama ko. "May hindi ka ba sinasabi sa akin?" Oo nga pala. Hindi ko pa nasasabi na nagkabalikan na ulit kami ni Liam.

"Mom, what if—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng magsalita si mommy. Hinawakan niya din ang kamay ko.

"No more what ifs, baby. Kung anong nararamdaman ng puso mo at kung saan ka sasaya, doon ako." Ngumiti siya. Wait—Alam na kaya ni mommy?

"Mommy...you know—"

"Yes. It was just yesterday. Liam told me pagkahatid niya sa'yo dito. Nakatulog ka kasi kaya hindi ka na niya dinistorbo. He told me also about sa pagkaiwan niyo sa gubat." Nahiya naman ako bigla. Sana ako 'yung unang nakapagsabi kay mommy.

"Sorry mom. Sorry I can't tell you. Iba pa ang nakapagsabi sa inyo." Hinagod niya 'yung likod ko.

"It's ok. Be prepared, kanina pa may naghihintay sa'yo sa baba." Hinalikan muna ni mommy 'yung noo ko bago siya lumabas ng kwarto. Sino kaya?

Pagkababa ko pa lang, nakita ko na agad si Liam. Bigla naman siyang kumindat at may iniabot na bulaklak sa akin. For sure, binigyan din niya si mommy kanina pa.

"Good morning, my love." Alam kong namumula ako, kaya umiwas ako ng tingin. Pinisil naman niya 'yung ilong ko.

"Tita Pia, can we go now?" Nahihiyang sabi ni Liam kay mommy.

"Sure. Ingat kayo." Nakangiting sabi ni mommy. Bigla naman niya akong tinignan ng nakangiti at hinalikan sa noo.

"Saan tayo pupunta?" Nagtataka kong tanong kay Liam. Nasa byahe na kami ngayon.

"I want you to meet my parents." Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Napansin naman niya 'yon kaya hinawakan niya 'yung kamay ko. "Don't be nervous. I'll stay by your side." Nginitian ko na lang siya kahit kinakabahan pa din ako.

Nandito na kami ngayon sa bahay nila at papasok. Malaki din ang bahay nila este mansion. Magkahawak pa din kami ni Liam ng kamay. Sana...sana magustuhan ako ng magulang niya.

"Mom, dad...meet my girlriend, Precious. Baby, this is my parents." Ngumiti ako kay Liam bago ako makipagbeso sa magulang niya.

Pagkabeso ko sa mommy niya ngumiti naman ito at mukha namang mabait. Pero pagdating sa daddy niya, bigla itong umiwas kaya kinabahan ako.

"I don't like you for my son." Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. "Leave him now." Hinawakan ni Liam ng mahigpit ang mga kamay ko.

"No dad! What are you saying? Hindi kami maghihiwalay ni Precious!" Pansin ko na galit na si Liam.

"May usapan tayo son. Hindi pa tapos ang kontrata natin sa pamilya nila Trixie. " Nakita ko sa mga mukha ng daddy niya na nagpipigil lang ito ng galit.

"I don't fvcking care to that deal anymore!" Sasapakin dapat siya ng daddy niya pero nagsalita siya bigla. "Go! Punch me! Pero hindi pa din mababago niyan ang desisiyon ko!" Umiiyak na din si Liam.

"Leave her or else—"

"Or else what?! Hindi ako natatakot sa inyo! 'Wag na 'wag mo lang gagalawin si Precious, kung hindi ako ang makakalaban mo...kahit sabihin pang ama kita." Ayaw ko ng marinig pa ang usapan nila kaya bigla akong tumakbo palabas.

Now I know kung bakit naging si Liam at Trixie, for just a family deal. Ang hindi ko matanggap kung bakit ayaw sa akin ng daddy niya. Kung alam lang niya kung sino ako...edi sana gusto din niya ako para sa anak niya. Pero ayaw kong magustuhan ng magulang niya dahil sa kayamanan, sa halip na gustuhin nila ako kasi tanggap nila ako ano o sino man ako...gustuhin nila ako kasi mahal ako ng anak nila.

"Precious!" Narinig ko na lang na sumigaw si Liam at tinulak niya kaagad ako.

The last thing I knew, was found Liam lying on the ground...na duguan.

Don't you dare the nerdy girlWhere stories live. Discover now