Chapter 15: Fake

18 1 0
                                    

"Ok class alam niyo naman na may gaganaping Ms. Valentine sa school natin and since Ms. Avenir ikaw ang muse at matalino ka din naman, ikaw ang pambato namin." Napalingon naman ang lahat kay Trixie at nagpalakpakan.

"I disagree." Nagulat ang lahat sa sinabi niya kahit ako nagulat.

"May importante akong gagawin that day ma'am. I guess si Precious na lang, matalino rin naman siya right?" Umoo ang iba sa sinabi niya dahil sa takot din. Ako naman ay nagulat, ayoko nga!

"No ma'am." Pagtanggi ko. Napatingin sila sa akin —ang choosy ko naman look—. Sa ayaw ko eh, hindi din naman ako kagandahan.

Nagulat ako ng lumapit sa akin si Trixie. "Please Precious?" Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako sa kan'ya.

"Yes daw ma'am she accepted." What? Hindi pa ako pumapayag.

Aangal pa sana ako, kaso bigla ng lumabas ang guro namin. Argh!

Break time na namin at ang iba ay lumabas na. Nag-aayos pa ng mukha si Trixie kaya agad ko itong nilapitan. Kaming na lang dalawa ang nasa loob ng room.

"Bakit mo ginawa 'yung kanina? I thought na galit ka sa akin."

"Oh Precious. I want you to be my friend na kasi eh, please?" Siya? Makikipagkaibigan? We?

"Alam kong nagtataka ka but give me a chance?" Tumango na lang ako sa kan'ya at lalabas na sana ng bigla siyang magsalita kaya napahinto ako.

"Precious! Tara sabay tayong bumaba?" Tumango lang ako. Until now I can't believe that she ask her to be my friend?

TRIXIE

Assuming amp! Feeling naman niya gusto ko talaga siya maging kaibigan,
duh!

Nagpasama ako sa kan'ya sa cr at I joke him na may tagos siya.May naisip na naman kasi akong kalokohan for her.

"Precious you have red stain at the back of your palda." Napaniwala ko naman siya.

"Ah m-may extra napkin ka ba diyan?"

Binigay ko sa kan'ya ang extra ko at lumabas. I told her na mauna na ako sa room but it's not true haha.

Kinuha ko yung palda niya na sinampay sa door ng cubicle
at nagtago ako sa gilid ng main door.

"Trixie? Nakita mo ba ang palda ko?" Pagtatanong niya na umaasang sasagot ako because she know na nauna na talaga ako lumabas.

Inantay ko siyang makalapit sa main door habang hinahanap ang palda niya na ngayon ay naka short na maikli na lang siya.

Agad ko siyang tinulak palabas kaya napasubsob siya agad ko namang isinarado ang pinto at dinig ko sa labas ang tawanan.

Binuksan ko ito at nagulat siya ng makita ako.

"A-akala ko kaibigan na tayo?" Naiiyak niyang tanong dahil sa hiya.

"Tayo kaibigan? As if naman na gusto ko? Duh!" I walked with a smile on my face.

Don't you dare the nerdy girlWhere stories live. Discover now