Chapter 1: Transfer

42 2 0
                                    

PRECIOUS

"Seriously baby? Gan'yan na naman ang isusuot mo? Remember you're in 4th year highschool, dalaga ka na."

"Please mom let me wear this? Mas comportable po talaga ako dito eh." Pagpipilit ko kay mommy hanggang sa mapapayag ko siya. Hindi naman kasi ako sanay magsuot ng mga sexy na damit eh.

"Ano pa nga bang magagawa ko? Ok fine baby."

"Thank you mom you're the best!" Niyakap ko muna si mommy bago ako umalis.

Bakit dito pa kasi ako pinag-aral nila mommy at daddy? Ok na nga yung previous school ko, tahimik at walang nambubully sa akin. Hindi tulad dito, kung makatingin 'yung iba akala mo may ginawa ka sa kanilang masama.

Focus Precious. You came here to study not to—

"What the hell?!" Pagsigaw ng babae na nakatapon ng juice sa akin at sa uniforme din niya.

"S-sorry." Aalis na dapat ako ng harangan nila ng mga kasama niya ang dadaanan ko.

"Aba! Ikaw pa may ganang magalit. Ikaw na nga 'yung nakatapon sa akin." Maarte niyang sabi habang pinupunasan ang damit niya.

"Hindi ako galit. Isa pa, Ikaw ang may hawak ng juice at ikaw din ang bumangga sa akin. Ang totoo nga niyan umiwas pa ako kaso 'di talaga kayo tumitingin sa daan." Malumanay kong sabi.

"How dare you?! Ako pa ang sisisihin mo?!"

Ouch! Napahawak tuloy ako sa pisngi ko dahil sa sakit ng sampal niya. Nagsabi lang naman ako ng totoo ah. Pinagtitinginan na tuloy kami.

"Don't you ever mess with me again! Hindi mo ba kilala ang binabangga mo?!"

"Hindi, transferee kasi ako dito."

"I don't care if you are old or new! Kilalanin mo ang binabangga mo! Damn this nerdy girl! Let's go na nga girls."

Bago sila umalis sinamaan niya muna ako ng tingin at binangga. Sino ba siya? pft.

Nagpalit muna ako ng uniforme bago pumunta ng room, buti na lang lagi akong may dalang extra.

Pagkapasok ko pa lang ay nakatingin na sila sa akin. 'Yung iba ay ang sasama din ng tingin.Dumiretso na lang agad ako sa pinakadulo at doon uupo.

Bago pa man ako makaupo, may humila ng upuan ko at napasalampak tuloy ako sa sahig.

"HAHAHAHAHA" Sabay sabay nilang tawa.Tinignan ko kung sino ang humila. Siya na naman? Tinarayan niya lang ako. habang tumatawa din.

Tatayo na dapat ako pero may nag-alok ng kamay upang tulungan ako.

Ang bait naman niya tapos ang ganda pa. Kinuha ko na 'yung kamay niya at tumayo na ako.

"Salamat." Nginitian niya ako. Pamilyar  sa akin 'yung mukha niya.

"What the?! Ano ka? Nagpapakabestfriend sa panget na 'yan?" Mataray na sagot ng babaeng nakabangga ko kanina.

"What if yes? Anong problema mo? Ikaw lang ba pwedeng magtaray dito? Don't you ever! Baka nakakalimutan mo, dati pa akong Campus Queen dito at ikaw," Sabay lapit niya doon sa babae at tinitigan ng masama. "Baguhan pa lang! Remember that, bitch!"

Tinignan niya muna ako ng masama bago siya bumalik sa upuan niya. "Ikaw! Hindi pa tayo tapos!"

Don't you dare the nerdy girlWhere stories live. Discover now