Chapter 21: Joining force

18 1 0
                                    

Mamaya na mag-uumpisa ang pageant pero 'di pa din ako nakaayos. Paano na 'to? Huhu.

"Miss." Nagulat ako ng biglang may lumapit sa aking babae.

"Ah b-bakit?" Nahihiyang tanong ko sa kan'ya. Bakit kaya siya lumapit?

"Pinadala ako ni Ma'am Gomez, since nalaman niyang walang mag-aayos sa'yo." Nakahinga ako ng maluwag. Buti may ipinadala si ma'am, kasi 'di ko talaga alam mag-ayos.

"Ah talaga? S-sige salamat." Ngumiti ako sa kan'ya.

"Tara na?" Tumango lang ako at naglakad na kami papuntang backstage para umpisahan na ang pag-aayos.

"Tapos na!" Nakangiting sabi ng babae nang natapos niya akong make-upan.

"P-pwede patingin sa salamin?"

"Ah bawal pa. Mamaya na lang para surprise." Naweirduhan ako sa kan'ya pero sumang-ayon din ako.

"Oh sige alis na ako ah. Hintayin mo na lang ang pagtawag sa name mo." Tumango lang ako.

"Ah wait paano 'yung susuotin ko?" Oo nga paano?

"Ah h-hahatid ko na lang mamaya." Ngumiti siya at agad umalis.

Napansin ko naman na ang ibang mga candidate ay panay tingin sa akin, ang iba ay ewan ko kung natatawa ba na pinipigilan lang. Hindi ko na lang sila pinansin at inisip na matatapos din 'to.

Nakita ko naman si Ella at nginitian ko ito. Hindi naman niya ako pinansin.

ELLA

Nakita ko si Precious na nandito din sa backstage. Nagulat ako na kasali pala siya pero hindi na ako nagtaka dahil siguro siya ang pinili dahil matalino din siya.

Nginitian niya ako pero hindi ko pa siya kayang ngitian pabalik kaya hindi ko na lang siya pinansin. Nasasaktan pa din ako ngayon, pero hindi ko maipagkakailang miss ko na siya.

Napansin ko naman ang ayos niya na ikinabigla ko. Sinong nagmake-up sa kan'ya at hindi man lang inayos? Hindi man lang din siya nagpalit ng damit?

Nakaramdam ako ng awa kay Precious. Lalapitan ko na dapat siya ng bigla akong hilain ni Trixie?

"Ano ba?" Naiinis kong tanong sa kan'ya.

"Obvious ba? Siyempre nilalayo kita sa kan'ya. Hindi mo ba nakakalimutan ang ginawa niya sa'yo?" Nasundan pa ito ng pagtaray matapos niyang magsalita. Nandito kami ngayon sa harap ng cr ng backstage.

"Ano bang pinunta natin dito?"

"I want you?"

"What?"

"Mamaya ko gagawin ang revenge ko kay Precious and this is the right time para maghiganti ka din. In short magtutulungan tayo for now." Ngumiti siya pagkasabi niya.

"Anong paghihiganti? Kahit na niloko nila ako ay hindi ko gagawin 'yon." Pero bigla ko rin naisip ang mga ginawa nila. Bumalik na naman lahat ng sakit.

"Gusto mong ipaalala ko pa sa'yo ang lahat? Ako ang nagbigay sa'yo ng picture nila. Nakita ko sila sa starbucks naglalandian at nagtatawanan. Ang saya saya nila habang hindi mo nalalaman." Bigla na lang akong napaiyak sa nga sinasabi niya. Ang sakit pa din. "Ano hahayaan mo lang na doon 'yon magtatapos?" Napatigil ako sa sinabi niya. Malandi nga ba talaga siya? Malandi nga siguro dahil inagaw niya si Sean sa akin eh! "Ayaw mo man lang bang gantihan si Precious sa pang-agaw at panglalandi—"

"Oo na! Pumapayag na ako!" Hindi ko na hinayaang ituloy niya pa ang mga sinasabi niya dahil nasasaktan na ako.

"Then good. Later kapag turn na ni Precious sa stage ay doon tayo papasok. Una siyang tatawagin kaya mas maganda, dahil nasa atin ang lahat ng attention. Sasabihin natin sa lahat ang ginawa niya para magdala siya." She crossed her arms and smiled.

I don't care what will happen. Basta ang nasa-isip ko lang ngayon ay makapaghiganti.

"Let's now call our first candidate. Precious Ellazar."

Narinig na namin ni Trixie ang pangalan ni Precious at ito na ang hudyat na mag-uumpisa na ang aming paghihiganti.

TRIXIE

I hear the name of Precious and my blood are getting into my nerves at the same time I am happy to do our revenge for her.

"I said no one can ever drag me down. You will regret that you messed with me, Precious.The revenge for you are coming. Just wait it, you fvcking idiot."

Don't you dare the nerdy girlWhere stories live. Discover now