Chapter 18: True feelings

18 1 0
                                    

Isang linggo na pala kaming hindi nag-uusap at nagpapansinan ni Ella. I missed her. She didn't let me to explain man lang. Minsan naiisip ko kung sino 'yung nagbigay ng picture sa kan'ya eh, pero wala talaga akong kaide-ideya.

Isang linggo na din pala ng itigil ni Liam ang panliligaw sa akin. Hindi na din niya ako pinapansin at kinakausap. Nilalayuan pa niya ako. Siguro ay nasaktan siya dahil napaniwala din siya sa issue na may relasyon kami ni Sean. Pero bakit naman siya masasaktan 'di ba? Siguro nga hindi talaga siya seryoso sa akin kaya tinigil na niya.

Bakit ganon? Gusto ko na siyang maka-usap.

Gusto ko na din siyang makasama.

Bakit namimiss ko siya?

Bakit nagseselos ako kapag may kasama siyang iba?

Bakit sobra akong nasaktan nung lumayo siya? To the point na mas dinamdam ko 'yon kaysa sa paglayo ni Ella sa akin.

Bakit?

Gusto ko siya, pero hindi ko masabi kung mahal ko na nga ba talaga siya.

Biglang bumukas ang pinto at bumungad si mommy.

"Baby, I know." Seryoso noyang sabi.

"Ang ano po?" Nagtataka kong tanong kay mommy.

"Alam kong nilalayuan ka na ni Liam." Pumasok si mommy at umupo sa gilid ng kama ko. "Sean told me. I was curious kasi kung bakit siya ang nagsusundo sayo at hindi si Liam, so I asked him. He even told me too about sa inyo ni Ella." Bigla akong nalungkot. Hinagod hagod naman ni mommy 'yung buhok ko. "Alam ko namang magkaka-ayos din kayo ni Ella. Hindi ka nun matitiis." Sana nga.

"Btw baby, kinausap ko si Liam. Kaya daw siya lumalayo ay may relasyon na daw kayo ni Sean at ayaw na niyang makagulo pa."

"About po pala don? Wala po talaga, promise."

"I know. But baby hindi mo man lang ba siya lalapitan?" Seryosong tanong sa akin ni mommy. Napabuntong hininga ako. "Baby kung mahal mo na ang isang tao huwag mo nang patagalin pa. Alam mo ba kung bakit Precious din ang name mo?" Umiling ako kay mommy. "It's mean to value a things. To care it and not to be wasted, at gusto kong gawin mo din 'yun sa iba. Goodnight baby, I love you." Hinalikan ako ni mommy sa noo bago siya lumabas ng kwarto ko.

Siguro tama si mommy. Dapat 'di na ako mag-aksaya pa ng panahon. Kailangan ko ng sagutin si Liam kahit pa itinigil na niya ang panliligaw.

I guess mahal ko na nga siya, kasi naiisip ko pa lang na mawala siya nasasaktan na ako. Paano pa kaya kapag napunta siya sa iba?

Don't you dare the nerdy girlΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα