Chapter 37: Because of love

20 1 0
                                    

Tinawagan ko si Liam upang makipagkita. Kakamustahin ko lang siya. Nalaman ko kasi na naiwan din pala siya sa gubat kasama si—Precious. Aish! That nerdy girl!

"Liam?" Tinawagan ko siya at buti sinagot niya.

"What?" Halata sa boses niya na wala siyang paki.

"Where are you?"

"At the house. Kung may binabalak kang makipagkita, sorry may gagawin ako. 'Wag mo na din akong pupuntahan kasi may importante din akong kailangan puntahan." Pinatay na niya agad 'yung tawag. Argh kainis!

Pinuntahan ko siya agad sa bahay nila. Sakto naman na nakita ko ang kotse niya na palabas ng village kaya sinundan ko ito.

Bigla siyang bumaba ng kotse niya at agad din akong bumaba. Bago pa siya makapasok sa loob ng bahay ay tinawag ko siya.

"Liam!" Nagulat siya ng makita ako.

"What are you doing here? Bakit mo ko sinundan?" Iritado niyang sabi.

"Can we go outside?"

"I have important things to do now. Sa iba ka na lang magpasama." Papasok na dapat siya ulit pero hinila ko siya upang halikan.

"Bakit mo ginawa 'yon? Baka may makakita sa atin dito." Hinila niya ako bigla sa gilid ng bahay.

"Liam, I heard na kayo na daw ulit ni Precious." Gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko.

"Oo at 'wag mo na kaming pakialaman pa." Bigla na lang tumulo ang mga luha ko.

"Ako na lang Liam. Bakit si Precious? Bakit siya? Mas maganda at mas sexy naman ako don ha?" Pagmamakaawa ko. Hindi dapat nagmamakaawa ang mga magaganda but wala kong choice, mahal ko siya eh.

"I like Precious not because of her physical appearance. Naramdaman 'yon ng puso ko. Hindi ko lang siya basta gusto mahal ko siya, Trixie." Lalong tumulo ang mga luha ko.

"Isusumbong kita sa daddy mo! Hindi dapat matuloy ang pagmamahalan niyo! Hindi ko hahayaan! Magbabayad si Precious!" Bago pa man ako makalayo hinawakan na niya ang braso ko. "Let go of me, Liam. Nasasaktan ako."

"Talagang masasaktan ka kapag ginalaw mo si Precious. Don't you ever hurt my girl, kasi ako ang makakalaban mo. Then go, magsumbong ka kahit kanino. Hindi mapipigilan niyan ang pagmamahal ko kay Precious." Binitawan na niya ang kamay ko at pumasok na siya sa loob ng bahay na pinuntahan niya.

Nag-antay lang ako sa malayo upang sundan sila. Nakita ko nang lumabas na sila ni—Precious? ng bahay, at ang sweet pa nila.

"Akin ka lang, Liam...at ikaw Precious, you will pay for stealing him from me." I whsipered to myself at pinaandar na ang aking kotse upang sundan sila.

Alam kong sa mga oras na ito nakarating na kay tito Leo ang nangyari. Malamang sinabi ko. Kaya sigurado akong tututol ito sa kanila at sa akin na ulit mapupunta si Liam.

Maya maya nakita kong lumabas si Precious at umiiyak. Nandito ako ngayon sa hindi kalayuan upang hindi nila ako makita.

Palabas na si Precious ng gate at alam kong uuwi na lang ito sa kanila ng luhaan. Pero hindi ako papayag na ganon ganon na lang 'yon. I said she will pay for this at hindi ko hahayaang mabuhay pa siya.

Kasabay ng pagpapaandar ko ng mabilis sa aking kotse ang siyang akala kong babangga kay Precious, but I was wrong.

"Liam..." Kasabay ng pagtulo ng aking mga luha ang pagbagsak ni Liam sa sahig ng duguan.

Sa takot ko, agad kong pinaandar ang kotse at pumunta kung saan para magtago at makapag-isip.

Every secod, every minute, every hour ginugulo ako ng isip ko sa nagawa ko. Hindi ko matanggap.

Sorry, Liam...Minahal lang naman kita...gusto ko lang naman mawala na si Precious para ako na lang...kaso mas mahal mo siya kaya iniligtas mo siya...ayan tuloy ikaw ang nabangga...Bakit kasi hindi na lang ako?

I'm sorry...I'm sorry, Liam. I only did that because of love.

Don't you dare the nerdy girlWhere stories live. Discover now