Chapter 25: It's me

22 1 0
                                    

Pasukan na ulit. Sembreak kasi after matapos ang event na 'yun which is ang pageant na hinding hindi ko makakalimutan.

Pagkagising ko ay naligo na ako at nag-ayos. Nakasuot ako ngayon ng croptop and skirt na fitted sa akin. Ito kasi ang hinanda sa akin ni mommy. Masanay na daw ako. Nag block heels ako ulit, pero nagbaon ako ng doll shoes para pagsumakit ang mga paa ko.

"Grabe, I can't believe na pwede din pala akong gumanda." Sabi ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin.

"Ofcourse baby. Lahat naman ng tao ay may taglay na kagandahan, but not everyone sees it." Nagulat ako ng pumasok bigla si mommy.

"Thank you mom. Kung hindi po dahil sa inyo hindi ko maiisip na pahalagahan pa lalo ang sarili ko po." Ngumiti si mommy at hinawakan ang kamay ko.

"You're always welcome, my baby. Oh sige na pumasok ka na baka malate pa ang pinakamaganda, pinakasexy at pinakamabait na studyante doon." Napatawa ako sa sinabi ni mommy.

"Sus, si mommy nagbiro pa. Ok mom, bye. I love you."

"We love you so much, baby. Huwag mong kakalimutan lahat ng sinabi ko ah."

"Yes mom I will definitely not forget that." I smiled and went outside.

Pagkapasok ko pa lang ng gate ay nagbulungan na ang lahat.

"Hala sino kaya siya?"

"Grabe ang ganda niya!"

"Bago kaya siya dito?"

Hindi ko na lang sila pinansin at akmang papasok na ng room ng harangin ako nila Trixie at ng mga kasama niya.

"Who you bitch? Huwag kang nagmamaganda masyado ah." Ako nagmamaganda?

Tinignan ko lang siya na para bang wala lang sa akin ang sinabi niya. Pumasok na ako ng room and I don't care kung nabangga ko siya.

"How dare you to do that to me?!" Marami na ngayong nakatingin sa amin.

"Paharang harang ka kasi sa daan at bakit hindi ko naman pwedeng gawin sa'yo 'yan? Pare parehas lang naman tayong studyante dito." Tinarayan ko lang siya. Ayaw ko na ulit mag paapi sa kan'ya. Maalala ko pa lang ang mga ginawa nila sa akin kumukulo na ang dugo ko.

"Aba! Ang yabang mo ah!" Sasampalin niya dapat ako pero hinawakan ko ang kamay niya.

"Don't touch me!" Binitawan ko naman ito at tinitigan siya ng masama.

"Don't you ever dare to slap me again. Hindi na ako tulad ng dati." Seryoso kong sabi sa kan'ya.

"What did you say?! Ngayon nga lang tayo nagkita!" Tinarayan ko siya at hinarap ulit.

"Still me, Precious. I'm that nerdy girl na pinahiya niyo sa harap ng maraming tao." Kita ko sa mukha ni Trixie at ng mga studyanteng nanonood sa amin ngayon na nagulat sila.

"Ikaw s-si P-precious?" Halata pa rin sa kan'ya ang pagkagulat.

"Yes, Precious Ruiz Ellazar." I smiled to make them finally realize kung sino talaga ako.

"I knew it. She's the one and only daughter of the famous and rich business man." Sabi ni Lexie na mas lalong ikinagulat ni Trixie.

"Siya pala 'yun?"

"Mayaman pala siya?"

"Grabe, ang ganda niya."

Paulit ulit na salita na naririnig ko sa paligid.

"No! You can't enter that room! Hindi ka belong jan!" Sigaw niya. Habang 'yung mga kasama niya ay ang sama lang ng tingin sa akin.

"Oh ito world map." Agad kong dinikit sa noo niya na ikinabigla ng lahat na kasalukuyang nakatingin sa amin ngayon. "Pakihanap ng pake ko!" Tinarayan ko lang siya at pumasok na sa loob ng room.

Narinig ko ang tawanan ng iba. 'Yung iba naman ang sama ng tingin. As if I care.

Hanggang magdismissed ang klase ay hindi naalis ang paningin sa akin ni Trixie. Sobrang sama ng tingin niya, and everytime I smiled fakely lalo siyang naiinis. Grabe nakaka(t)awa siya.

Dumiretso ulit ako sa tinatambayan ko. Naalala ko na naman si Ella. Hindi ko alam na gagawin niya sa akin 'yun. Hays

"Precious!" Nagulat ako ng tawagin ako ni Liam. Tuwing nakikita ko siya mas lalong sumasakit ang puso ko dahil sa inis at galit. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa ng libro.

"Can we talk?" Nandito na siya sa harap ko at hindi ko pa rin siya pinapansin.

Ano pa bang dapat naming pag-usapan? Malinaw na sa akin ang lahat. Tumayo ako at naglakad para bumalik ng room.

"Sandali!" Hinawakan niya 'yung braso ko na agad ko ding inilayo.

"Ano ba Liam? Ano pa bang laro ang gagawin mo? As if naman na maniniwala pa ako sa sasabihin mo! Lumayo ka na nga sa akin!" Gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko. Oo galit ako sa kan'ya pero hindi pa rin mawala ang pagmamahal na nararamdaman ko.

"Let me explain." Nagbibiro ba siya? pft.

"Explain? I don't need your explanation! Everything is clear to me! Pinaglaruan niyo lang ako...at niloko!" Hindi ko na napigilan ang luha ko.

"Oo dare 'yun pero—" Hindi ko na hinayaang ituloy niya pa ang sasabihin niya, kaya isang malakas na sampal ang pinakawalan ko.

"I said I don't need your explanation anymore! Hindi na ako 'yung dating Precious na duwag at magpapaapi. Hindi ko na hahayaan pang lokohin at paglaruan niyo ako ulit!" Tumalikod na ako sa kan'ya at nag-unahan sa paglabas ang mga luha ko na kanina ko pa pilit pinipigilan.

Bakit ganon? Bakit kahit pilit kong itatak sa isip at puso ko na kailangan ko na siyang kalimutan, hindi ko magawa?

Don't you dare the nerdy girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن