39: Special Chapter of Sean & Ella

22 1 0
                                    

SEAN

Hindi pa din kami nagkikita hanggang ngayon ni Precious, simula nang umamin ako sa kan'ya. Ang totoo niyan, hindi ako nagalit na nireject niya ako. Nagpapasalamat pa nga ako dahil mas narealize ko na hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Nakakapagtaka nga na ang bilis kong makalimot about don. Isa pa, sa tuwing nakikita ko si Ella, bumabalik lahat...lahat ng pinagsamahan namin at ang pagmamahal ko sa kan'ya. I think, mahal ko pa nga talaga siya. So, I decided na kausapin na siya. Hindi ko na kayang patagalin pa. Nabalitaan ko din kasi na may nanliligaw psa kan'ya at nagseselos ako, doon ko mas naramdaman ang pagmamahal ko sa kan'ya. It's been a months since hindi na kami nag-uusap at masasabi kong miss ko na nga siya. Hanggang titig na nga lang ang nagagawa ko sa kan'ya dahil nahihiya akong lapitan siya. I know it's not the time para magkabalikan kami but I want to make all things clear.

"Ella..." Pagtawag ko sa kan'ya na halatang ikinagulat niya. Nakita ko na naman ang maamo at maganda niyang mukha. Nakaupo lang siya habang pinagmamasdan ang mga sumasayaw. Prom night kasi namin ngayon.

"S-sean? Long time no—talk." napatawa siya ng bahagya. Nakita ko na naman ang maganda niyang ngiti.

"Can we talk?" Nag-aalangan pa siya kung sasagutin niya ako.

"Sure...but for what? May dapat pa ba tayong pag-usa—"

"Do you still love me?"

ELLA

Nagulat ako sa tanong ni Sean. Bakit niya ba sinasabi ang mga 'to?

"Sean, are you drunk?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Just answer my question, Ella. Do you still love me?" Naramdaman ko na lang na may tumulong mga luha sa mata ko.

"I s-still love you, Sean. Walang araw na hindi kita iniisip. I'm just asking myself everyday kung mahal pa nga ba kita, isa lang lagi ang nasasabi ng puso ko eh...yes, Sean." Bigla na lang niya akong niyakap.

"I'm sorry, Ella. Aaminin ko na bumalik 'yung feelings ko kay Precious nung magkita kami ulit, but I think, It was just a final realization na hindi talaga kami ang para sa isa't isa. Hindi ko alam kung paano, pero ambilis kong makalimutan si Precious at lagi ka na lang pumasok sa isipan ko...'yung mga pinagsamahan natin. Sa tuwing nakikita at pinagmamasdan kita, nasasaktan ako kasi hindi man lang kita makausap, mahawakan at mayakap. Sobrang tanga ko kasi pinakawalan kita. Narealize ko lalo 'yung halaga mo." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Natulala na lang ako sa mga sinabi niya.

"I don't know what I say, Sean. But, one thing for sure that I am so happy right now." Hinalikan niya ang noo ko at humarap siya sa akin.

"Alam kong mabilis pero hindi ko na kakayanin kung mawala ka pa at may ibang makakuha sa'yo. Stella Madriaga, can I court you again?" Nabigla ako sa sinabi niya. Maybe, should I?

"I will definitely say yes, Sean Melendez." Niyakap niya ulit ako at ganon din ang ginawa ko.

"Can I dance you?" Inabot niya sa akin ang kamay niya at hinawakan ko naman ito. Tumango ako sa kan'ya at pumunta kami sa gitna.

Sayang nga hindi nakapunta si Precious dahil nasa hospital pa si Liam. Edi sana ay nakapagbonding kaming apat. But, I'm hoping for next time at alam kong magiging masaya 'yon.

"Let me prove my love for you, again." Mahina niyang sabi. Nakahawak ako sa leeg niya at siya naman ay sa bewang ko.

"Kahit 'wag na, Sean. Kasi hindi mo pa pinapatunayan, nararamdaman ko na." Natawa naman siya sa sinabi ko at ganon din ako. Mas pumogi siya ngayon dahil sa suot at ayos niya. Kitang kita ang maganda niyang pangangatawan at siyempre ang gwapo niyang mukha.

"Then, let me love you. I love you for the rest of my life." Napangiti ako sa sinabi niya.

"I love you too." Hinayaan ko na lang na maglapat ang mga labi namin sa isa't isa.

Sobrang saya ko ngayon. Hindi man ako ang itinanghal na Ms. Prom night, bumalik naman ang lalaking matagal ko nang iniibig.

Don't you dare the nerdy girlWhere stories live. Discover now