Chapter 38: Road to forever?

22 1 0
                                    

Nandito lang ako sa tapat ng kwarto ni Liam. Hinihintay kong lumabas ang doctor. Kinakabahan pa din ako hanggang ngayon. Hindi pa din matigil sa pag-agos ang aking mga luha.

"Doc, how's Liam?" Bungad ko agad sa doctor.

"He's ok now, but I don't know kung kailan siya gigising. I should go." Tumango lang ako at nagpasalamat.

Bago pa ako makapasok sa loob ay may humawak na ng braso ko. Nagulat ako sa nakita ko.

"T-trixie?" Nakabalabal siya at nakashade. Alam na namin ng mga magulang ni Liam na siya ang nakabangga. "Anong ginagawa mo dito? Dapat kang makulong sa ginawa—" Tinakpan niya bigla 'yung bibig ko.

"I have something to tell you." Seryoso niyang sabi.

"Paano pa ako maniniwala sa sasabihin mo, Trixie? Nakita mo ba ang ginawa m—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil hinila niya ako sa likod ng building. "A-ano bang gusto mo, Trixie? Papatayin mo din ba ako? Kung, oo hindi ko hahayaan—" Sinampal niya ako bigla. Nagulat ako sa ginawa niya.

"Pwede ba, Precious, manahimik ka muna? Hindi kita sasaktan. Ang totoo niyan...ikaw dapat ang babanggain ko hindi si Liam." Nagulat ako sa sinabi niya. Magsasalita sana ako pero nagpatuloy siya. "Kaso, humarang siya. Pero trust me, Precious, sobra kong pinagsisisihan 'yung nagawa ko." Bigla na lang tumulo ang mga luha niya. Ibang iba siya ngayon. "Please, forgive me...patawarin niyo ako. Minahal ko lang naman si Liam eh." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga oras na ito. Natulala lang ako sa mga sinasabi niya. "Alam kong hindi madali, kasi muntik ko ng mapatay si Liam...pero I'm sincere sa paghingi ko ng tawad." Hinawakan niya bigla 'yung kamay ko at lumuhod siya sa harapan ko.

"Ano bang ginagawa mo, Trixie? Tumayo ka diyan." Inalalayan ko siyang tumayo. "P-pinapatawad na kita. Hindi ko lang alam kung mapapatawad ka ni Liam, at ng magulang niya." Niyakap niya ako bigla.

"Thank you, Precious. I'll wait for that time na mapatawad nila ako." Humarap siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Precious...tanggap ko na, na kayo talaga ni Liam ang para sa isa't isa...hinahayaan ko na kayong magmahalan...hindi ko na kayo guguluhin...s-susuko na din ako sa mga pulis." Nagulat ako sa mga sinabi niya. Totoo ba 'to?

"Nandito ka lang pala." Nagulat ako pati si Trixie ng magsalita ang daddy ni Liam. Kasama niya pati si Tita Pia.

"T-tito Leo..." Kita ko ang kaba kay Trixie. "Let me explain..." Tumulo ulit ang mga luha niyo. "Humingi lang po ako ng tawad kay Precious...susuko naman po talaga dapat ako sa mga pulis...g-gusto ko din po sanang maka-usap si Liam."

"No need." Seryosong sabi ni Tito Leo.

"Pls, forgive me Tito...Tita..." Patuloy pa din sa pag-iyak si Trixie habang ako nanonood lang sa kanila, hindi alam ang gagawin.

"Ok na hija. Stop crying." Napatigil bigla si Trixie sa sinabi ni Tita Pia.

"What are you trying to say, Tita?"

"Pinapatawad na kita." Napangiti bigla si Trixie at napalingon siya kay Tito Leo.

"I don't know kung kailan kita mapapatawad pero napatawad ka na ng anak ko. She understand you." Nagulat ako bigla. Gising na kaya si Liam?

"H-handa po akong sumuko sa mga pulis." Hinawakan bigla ni Tito Leo ang balikat ni Trixie.

"No need. Inurong na namin at ni Liam ang kaso." Yayakapin dapat ni Trixie and daddy ni Liam pero itinaas nito ang kamay—ibig sabihin na huwag na.

"Thank you so much po. I'll promise na hindi ko na kayo guguluhin pa. I'm sorry again." Niyakap niya ang mommy ni Liam at nag-usap sila.

"G-gising na po si Liam?" Tanong ko sa daddy ni Liam.

"Yes. Maybe we should talk." Kinabahan ako bigla. Tumango lang ako.

"Hindi ko na papatagalin pa ito. All this time ako ang nagdedesisiyon para kay Liam. All this time ako ang nagpaplano para kay Liam, and all this time ako ang nasusunod. I realize this time na hahayaan ko naman siya na magdesisiyon para sa sarili niya." Tumulo bigla ang luha ni Tito Leo pero agad niya din itong pinunasan.

"A-ano pong ibig niyong s-sabihin?" Nagtataka kong tanong.

"Pumapayag na ako sa relasiyon niyo ni Liam...hindi na ako tututol pa." Hindi ko alam pero sobrang saya ko sa narinig ko.

"S-salamat po, Tito Leo." Yayakapin ko dapat siya pero nagsalita siya ulit.

"Just call me dad." Tinapik niya ang balikat ko at naglakad na.

Naiwan akong tulala at 'di pa din makapaniwala sa mga naganap.

Wala ng Trixie na mang-aagaw sa lalaking mahal ko at manggugulo sa amin. Payag na din ang daddy ni Liam at hindi na tututol pa. Gising na si Liam at ayos na din siya.

Everything is aright...is this road to forever with him?—I hope so...

Don't you dare the nerdy girlWhere stories live. Discover now