Chapter 4: Meet the heartthrob

26 1 0
                                    

"Hoy pumunta ka daw ngayon kay Ma'am Lyn!" Pasigaw na sabi ng classmate ko sa akin. Tumango na lang ako sa kan'ya.

Kinuha ko na rin 'yung bag ko since break time naman na. Naglalakad na ako patungo sa room na kinaroroonan ni Ma'am nang biglang may pumatid sa akin. Nagtawanan naman ang mga studyanteng nakakita.

"Bagay lang sa'yo 'yan girl."

"Bawal pangit dito."

"Akala ko guys mayayaman lang pwede dito, bakit may pulubi? hahaha."

Hindi ko na lang sila pinatulan. Bago pa man ako makatayo ay may pumunta sa harap ko. Inalay niya yung kamay niya para siguro tulungan ako.

"Sa akin lang si papa Liam!"

"Mang aagaw masyado!"

"Hindi lang inaagaw, nilalandi!"

"Bakit niya tinutulungan ang nerdy na 'yan? duh"

Ilan lamang 'yan sa mga naririnig ko. Hindi ko na lang kinuha 'yung kamay niya. Tumayo ako mag-isa at tumakbong luhaan.

Pumunta ako sa likod ng building na lagi kong pinagtatambayan. Naalala ko na pinapatawag pala ako. Bahala na sasabihin ko na lang na may importante akong ginawa.

"Ako na." Tumabi 'yung lalaki sa akin at pinunasan ang luha ko.

"A-ako na, nakakahiya." Kinuha ko 'yung panyo niya. "S-salamat pala kanina ah."

"Salamat? Hindi mo nga kinuha 'yung kamay ko eh, tss."

"Ah k-kasi ayaw ko na ng gulo. Baka lalo lang nila akong awayin."

"Tss. Hayaan mo nga sila. Tara punta tayo sa canteen, libre kita" Hinawakan niya yung kamay ko at hinila. Bago pa man kami maglakad ay tumigil ako.

"Bakit?" Nagtatakang tanong niya.

"Ngayon pa nga lang kita nakilala. Ikaw na lang baka mas lalo pa silang magalit sa akin." Inalis ko 'yung kamay ko sa pagkakahawak niya, pero kinuha niya ulit.

"Kaya nga magpapakilala ako eh."

"No need." Tumalikod na ako sa kan'ya at nagsimulang maglakad.

Nakakatatlong hakbang pa lang ako ay hinila niya ulit 'yung kamay ko.

"Let's go. Keep on your mind that from now on wala ng mang aaway sa'yo. I'll be your hero and a baby too." Sabi niya na nasundan pa ng pagkindat. "You're blushing, baby." Tumawa siya ng nakakaloko.

"No I'm not! Don't call me baby hindi na ako bata"

"Gusto ko eh, tara na nga." Hinawakan niya ulit 'yung kamay ko at pumunta kami sa canteen.

Nandito na ulit kami sa tinatambayan ko. Nag decide kasi ako na dito na lang kumain para hindi na kami pagtinginan pa.

Bakit nga pala ako sumasama sa kan'ya kumain?

"Ang lalim naman ng iniisip mo jan?" Natauhan lang ako ng magsalita siya.

"Pwede magtanong?"

"Nagtatanong ka na nga eh." Tss, pilosopo.

"Bakit ka sumasama sa isang katulad ko? Sa iba ka na lang kumain iwan mo na ako dito."

"Wala gusto lang kita maging kaibigan. Paturo ako sa math ah." Tss kaya pala magpapaturo.

"Pagtapos na kita turuan, lumayo ka na sa akin."

"Bakit naman?"

"Wala basta."

"Tss. Just eat first. Btw, susunduin kita mamaya."

"H-ha? 'wag na." Pagtanggi ko.

"Akala ko ba pumayag ka na, na tuturuan mo ako sa math?"

"Eh b-bakit kailangan pa kasi t-tuwing uwian? P-pwede naman tuwing recess na lang."

"You like it or not susunduin kita at sabay tayo uuwi." Bago siya umalis ngumiti siya at kumindat. Naiwan tuloy akong tulala. Bahala na, tatakasan ko na lang siya mamayang uwian.

Uwian na kaya nagmamadali akong ilagay 'yung mga libro ko sa locker.

Palabas na ako ng locker room ng biglang may humatak sa akin.

"Bakit ka umalis agad sa room niyo? I told you na susunduin kita 'di ba?" Bigla akong nagulat ng makita ko siya.

"Ah h-ha? P-pinapatawag kasi ako ni Ma'am Gomez eh. Mauna ka na umuwi, bye." Bago pa ako makalayo, hinawakan niya yung braso ko.

"Absent si Ma'am Gomez ah." Ay shet! Oo nga pala. Ang tanga mo Precious!

"Ah b-basta mauna ka n—"

"Ang dami mong dahilan, tara na. Wala pang tumatanggi sa gwapong katulad ko, napaka choosy mo."

"Ako? Choosy? Baka ikaw!" Kapal ng mukha. Hindi naman gwapo. Slight lang.

"Choosy talaga ako. Kaya nga ikaw lang gusto ko eh."

Don't you dare the nerdy girlWhere stories live. Discover now