Chapter 17: Liam's feeling

18 1 0
                                    

LIAM

Walang pasok ngayon kaya nandito lang ako sa kwarto. Iniisip ko pa din 'yung nangyari sa amin 1 week ago.

I was about to go to restroom ng makita ko sa harap ng cr ng babae si Precious na nakasubsob at nakashort lang? Kitang kita ko na pinagtatawanan siya ng mga dumadaan. Bigla akong nakaramdam ng inis sa mga nambubully sa kan'ya, kaya lalapitan ko sana siya para tulungan ng biglang lumabas si Trixie sa cr. She did that to Precious? Idiot!

Bakit pakiramdam ko na ayaw kong nakikitang nasasaktan si Precious?

Maya maya ay paalis na si Trixie kaya naglakas loob akong lapitan si Precious pero biglang dumating si Sean. Damn!

"Can you please mind your own fvcking business or else you will proceed to the guidance office y'all wanna?!" Rinig kong sigaw ni Sean.

Why I have this feeling na gusto ko ako lang magtatanggol sa kan'ya?

Sinundan ko lang sila hanggang sa makarating sila sa likod ng building. Nagtago naman ako sa likod ng puno.

"Shhh stop crying. Hindi ko na ulit hahayaang may mambully sa'yo." Pinunasan ni Sean 'yung mga luha ni Precious.

Fvck! Oo na! Nagseselos ako! Call me selfish but gusto ko ako lang magsasabi ng mga 'yun sa kan'ya! Gusto ko ako lang hahawak sa kan'ya!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko, kaya nasuntok ko ang puno. Aalis na dapat ako kaso biglang dumating si Ella at pinagsisigawan sila.

Pinakinggang ko ang pinag-uusapan nila, hanggang sa marinig ko ang sinabi ni Ella na may relasyon si Precious at Sean? Kaya sila magkasama noon sa Trinoma dahil sila na nga? Fvck.

Umalis na ako sa kinaroroonan ko kanina at hindi na pinakinggan pa ang iba nilang sasabihin.

Uwian na at kailangan kong makausap si Precious kaya inantay ko siya sa labas ng gate.

"Precious!" Pagtawag ko sa kan'ya. Napalingon naman siya agad at nilapitan ko siya.

"Ah Liam, b-bakit?"

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Ah sige." Pumunta kami sa parking lot.

"Ano ba 'yun?"

"Ititigil ko na ang panliligaw sa'yo. Ayaw kitang masaktan. Isa pa kayo na daw pala ni Sean."

"Ah L-liam, let me explain."

"No need to explain. I understand." I smiled to her but bitterly.

"Precious tara na, ihahatid na kita sa inyo." Pagtawag ni Sean sa kan'ya.

"Ah kasi L-liam."

"I got to go na bye!" Nakangiti kong sabi sa kan'ya at tinalikudan sila.

Bakit nalulungkot ako?

Bakit lagi siyang pumapasok sa isip ko?

Bakit parang gusto ko siyang kausapin?

Bakit namimiss ko siya?

Bakit hindi ko kaya na mapalayo sa kan'ya?

Bakit? Hindi dapat ako nagkakaganito eh.

Gusto ko na—no, Mahal ko na ba siya? Mahal ko na nga ata siya.

Don't you dare the nerdy girlWhere stories live. Discover now