Chapter 32: Friends again?

24 1 0
                                    

"Congrats." Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko. Nandito ako ngayon sa paborito kong puntahan. Monday ngayon kaya inaantok pa ako. Hindi kasi ako nakatulog ng maayos dahil sa celebration nung saturday and sunday dahil sa pagkapanalo ko. Andami ko ding iniisip.

"E-ella?" Nagulat ako ng bigla siyang umiyak at yakapin ako. Napaiyak na din ako.

"Sorry Precious...sorry...sorry kung 'di man lang kita pinag-explain...sorry..." Magkayakap pa din kami ngayon habang umiiyak.

"Alam mo ba Ella...Hindi ka pa humihingi ng tawad, pinatawad na kita...minsan naiisip ko na baka hindi na talaga tayo magkabati eh, at sobrang sakit non..." Kumalas kami sa pagkakayakap. Hinawakan niya 'yung kamay ko.

"Sorry kasi naniwala ako sa sinasabi ng iba—at ni Trixie...sorry kasi dapat ako 'yung makaintindi sa'yo at makakilala kung magagawa mo ba talaga ang isang bagay o hindi, kasi matagal na tayong magkakilala eh...sorry..." Niyakap ko siya habang hinahagod ang likod niya.

"Shhh, Ella...Ayos lang. Atleast ngayon ok na tayo...atleast ngayon nagkaintindihan na tayo...salamat dahil pinansin mo ko ulit..."

"Ako ang dapat magpasalamat Precious...kasi sa kabila ng mga ginawa ko sa'yo napatawad mo pa din ako...salamat at sorry talaga..." Grabe, akala ko hindi na kami magkakausap at magkaka-ayos pa. Pero tignan mo ngayon, sobrang saya ko dahil bati na kami.

"Bati na tayo ah? Huwag na ulit tayong mag-aaway?" Sabi ko habang pinupunasan ang aking mga luha.

"Hindi." Nagulat ako sa sinabi niya.

"A-anong h-hindi?"

"Hindi na kita aawayin pa...hindi na tayo mag-aaway at maghihiwalay, pangako." Napangiti ako sa sinabi niya. Masyado pala akong exagge.

"Akala ko kung ano na..." Huminga ako ng malalim. "Pangako 'yan ah." Ngumiti kami sa isa't isa at nag pinky swear.

Nagkwentuhan lang kami at nagtawanan. Balik na ulit kami sa dati. Sinabi niya din sa akin na sinulsulan lang siya ni Trixie at nagpadala sa galit niya, kaya niya nagawa ang mga 'yon. Alam ko naman at naiintindihan ko siya. Hindi lang talaga ako makapaniwala nung time na 'yon.

"Wala na kami ni Sean...ang tanga ko..." Umiyak na naman siya.

"Huwag mo ngang sabihin 'yan. Hindi ka tanga. Minahal mo lang talaga siya, kaya ka nag kakagan'yan." Hinawakan ko 'yung likod niya at hinagod hagod.

"Salamat Precious ah. Ayos lang kung hindi...kahit mahal ko pa siya. Ako din naman 'yung may kasalanan eh. Kung para talaga kami sa isa't isa...aantayin ko 'yung panahon na 'yon, namagkakabalikan kami ulit at gagawin ko nang mas worth it 'yon." Niyakap niya ko at ganon din ako sa kan'ya. "Basta nandito pa din naman 'yung sishy ko eh. Hindi ako nag-iisa. Salamat ulit, sishy." Ginamit na namin ang aming call sign it means, ayos na kami totally.

"Walang ano man, sishy." Nagtawanan kami.

Finally, ayos na kami ng minsan ko na ding tinuring na totoong kapatid. Bati na kami ni Ella. I miss my sishy so damn much.

Don't you dare the nerdy girlWhere stories live. Discover now