Chapter 6: Picnic date?

26 2 0
                                    

Nagising ako dahil may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. Tinignan ko muna ang orasan at tanghali na pala. Bumangon ako para buksan ito.
Gosh!

Agad kong sinarado ang pintuan ng makita ko si Liam! Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Nawala bigla 'yung antok ko.

Naalala ko bigla, NA PUPUNTA NGA SIYA NGAYON DITO!

Ba't pa kasi ako nagpuyat eh? Argh!

"Pinapatawag ka sa akin ng mommy mo." Akala ko bumaba na siya.

"Ah s-sige. I'll go down, mag wawash l-lang ako hehe." Nahihiya kong sabi.

"Ok I'll wait you, baby." Natatawa pa siya ng binigkas ang huling salita at narinig ko ang mga yapak niya na pababa na.

Mabilis akong naligo at nag-ayos then bumaba.

"Baby ang tagal mo. Kanina pa naghihintay ang manliligaw mo." Nakangiting sabi ni mommy.

"What?! Manliligaw?!" Gulat kong tanong.

"Yes baby. He asked me for approval, if pwede ka daw ba niyang ligawan." Kinikilig na sabi ni mommy.

"Ano?!"

Nilingon ko si Liam at kumindat naman siya habang nakangiti. Jusko!

Ligaw na agad? Hindi pa nga kami gaanong magkakilala.

"But I'm not saying yes pa, mommy." Pagtanggi ko.

"Alam kong yes ang sasabihin mo kaya pumapayag na ako." Wala pa nga eh.

Pagkatapos naming kumain ay akala ko uuwi na si Liam.

"Take care of my baby hijo ah."

"Yes po tita." Nakangiting sabi ni Liam kay mommy.

"Pero mom may importante po akong pupuntahan." Pagsisinungaling ko.

"I know baby." 'Yun naman pala eh. Yes makakatakas ako!

"Then, bye Liam. Keepsafe hehe." Pagpapaalam ko.

"No baby." What?

"Ha? Eh mom 'di ba nga may importante akong pup—"

"Yes baby, may importante kayong pupuntahan ni Liam." Natatawang sabi mommy.

"Eh kasi mom—"

"Please baby para sa akin. Alam kong hindi ka papabayaan ni Liam." Nagpout pa si mommy habang nakatingin sa akin.

Hays kung hindi lang talaga dahil kay mommy hindi ako sasama sa kan'ya eh hmp.

Lumapit sa akin si Liam at may binulong sa tenga ko. "Let's go now, baby." Ack! Kainis!

"Bye tita. I'll take care of our baby." Nakangiting sabi ni Liam kay mommy. Lumingon naman siya sa akin at kumindat.

Ang hilig kumindat ha? Siguro may sakit sa mata 'to.

Niyakap ko si mommy bago umalis. Love ko pa rin siya kahit ipinamigay na niya ko, jk.

As usual ganito pa din ang ayos ko. Isang manang kuno manamit daw at nakasalamin (malabo kasi ang mata ko kaka cellphone, esp. wattpad).

Tahimik kaming nasa byahe ngayon. Naisipan kong itanong sa kan'ya kung ano 'yung ligaw na sinabi sa akin ni mommy kanina, kaso parang nakakahiya.

"Ah L-liam."

"Yes baby." Kinabahan naman ako magtanong lalo.

"Ano k-kasi. Para saan 'yung ligaw?"

"I want you to be my girl."

Nagulat ako sa sinabi niya. Sa isang katulad ko siya manliligaw?

"Seryoso k-ka ba?" Pagtataka kong tanong. Natahimik siya bigla.

"Malapit na tayo." Pag-iiba niya ng topic.

"Hindi ako pumapayag." Napalingon naman siya at inihinto ang sasakyan sa gilid.

"You like it or not, I'll court you." Kumindat siya at pinaandar na ulit ang kotse.

Kainis! Bahala siya!

Nandito kami ngayon sa isang park. Mag gagabi na ng makadating kami. Magpipicnic daw kami.

Nakaupo lang ako sa isang bench habang inaantay siya matapos mag-ayos ng tent at ng pag-uupuan namin.

Marunong pala siya mag-ayos akala ko puro pagwapo at pangbababae lang ang alam niya. Dakilang playboy daw siya, at hindi ako naniniwala na seryoso siyang manligaw.

"Baka matunaw ako niyan." Natauhan ako ng magsalita siya. Umiwas agad ako ng tingin.

Bakit kapag napapatingin ako sa kanya napapatulala ako? What's for that?

Don't you dare the nerdy girlWhere stories live. Discover now