Chapter 31: Miss Campus 2020

22 1 0
                                    

Nandito kami ngayon sa backstage para magpalit ng mga damit. Long gown na kasi at Q&A Portion na. Mas lalo akong kinabahan, pero nilalakasan ko ang loob ko para ipakita sa kanila lalo na kay Trixie na kaya ding manalo ng isang tulad ko.

"Ok ladies and gentlemen, this is the last portion of our pageant. So hindi na natin papatagalin pa, let's hear the answer of all candidates." Nagpalakpakan naman lahat ng tao. Samantalang kami, inaantay 'yung turn namin.

"Candidate number 18." Si Ella 'yon. Maganda siya, sexy, makinis at maputi, matalino din at may katangkaran. Kaya hindi imposibleng manalo siya.

"Anong masasabi mo sa kaibigan mong nakagalitan mo at napalayo sa'yo?" May timing 'yung tanong. Sakto na magkagalit kami ni Ella. Hinihintay ko lang 'yung isasagot niya.

"Thank you for your question. Ito lang naman masasabi ko eh, patawad at miss na kita." Sa pagkasabi niya pa lang non, biglang tumulo 'yung luha ko. Hindi ko alam pero parang ang lakas ng impact sa akin nung sinabi niya. "Patawad kasi I didn't let her explain her side, dapat ako din 'yung unang makakaalam kung ginagawa niya ba talaga 'yung mga 'yon. Miss ko na siya kasi it's been a month at mas nangingibabaw pa din 'yung tagal ng pinagsamahan namin. That's all, thanks." Nakita kong umiyak din siya pero pinunasan din niya. Ngumit siya sa harapan at bumalik sa pwesto niya.

"Asa kang ikaw 'yon eh galit na galit siya sa'yo. For sure na ibang kaibigan 'yung sinasabi niya at mas deserving 'yon kaysa sa'yo." Napalingon ako kay Trixie. Baka nga siguro hindi ako 'yon.

"Bago ka magsalita, tanungin mo muna kung hinihingi ko 'yang walang kwenta mong opinyon." Tumaray lang siya at pumunta na sa harap dahil siya na ang next.

"Ok miss, What will you do kapag ang taong mahal mo ay may minamahal ng iba? Also what will you say to that girl?" Kinuha niya 'yung mike at ngumiti siya sa harap.

"Ofcourse ipaglalaban ko siya, kahit patayan pa. Hindi ako papayag na maagaw niya ang lalaking mahal ko. Ito lang siguro masasabi ko sa kan'ya, Back out bitch and let go him, because you will regret again messing with the Campus Queen." Bumalik na siya sa pwesto niya at may binulong sa akin.

"Sana nakinig ka, kasi para sa'yo lahat ng sinabi ko." Sa puntong 'yon nalinawan ako na para sa akin nga talaga ang mga sinabi niya, at si Liam ang lalaking tinutukoy niya.

"Sorry not sorry but I didn't listen to someone na hindi naman dapat talaga binibigyan ng pansin." Ngumiti ako sa kan'ya na lalong kinainis niya. Gustohin man niya akong sampalin pero hindi niya magawa dahil nasa harap kami ng maraming tao. May hiya din pala siya.

"Let's call for our last candidate, number 20." Pumunta na ako sa harap ng nakangiti.

"Would you mind if I ask kung bakit antagal niyong mag-usap ng isang miss?" Nakangiti niyang sabi.

"We're talking about friendship. Pinapalakas lang namin ang loob ng isa't isa." Nakangiti kong sabi at tinignan ko si Trixie, she smiled fake.

"Wow it's so called solid friendship." Ngumiti na lang ako at bumunot ng question para sa akin.

"Anong masasabi ko sa taong minahal mo pero niloko at pinaglaruan ka lang?" Nananadya talaga ang tadhana. Naramdaman ko na naman lahat ng sakit, at bigla na lang akong napalingon sa likod. Nagulat ako ng makita ko na naman si Liam na mariing nakatitig at bigla siyang may tinaas na Illustration board.

Go my Precious! Sorry for everything. I hope you will forgive me soon. I love you.

Bigla kong iniwas 'yung tingin ko sa kan'ya. Hindi dapat ako magpadala sa mga gan'yan niya. Hindi din ganoon kadali ang patawadin siya.

"It's done." Sabi ng isang judges.

"I'm sorry miss tapos na pala 'yang question kanina pa. Baka nalaglag ko lang. You can pick another question." Nahihiyang sabi ng emcee. Nakahinga ako ng maluwag.

"Here." Inabot ko sa kan'ya 'yung nabunot ko.

"Ok, this is your final question miss. What quality did the Miss Campus should have? and Sino sa tingin mo ang karapat dapat na manalo sa inyo?

"Thank for the question. For me hindi lang dapat kagandahan ang mayroon sa isang tao, kahit hindi pa siya isa sa Miss Campus. Dapat mayroon din siyang utak na kayang magdesisiyon at mag-isip ng tama at ikakabuti, hindi lang ng sarili niya kundi pati ng iba. May mabuting puso na kaya ding magmahal at pahalagahan ang isang tao, ano mang itsura at sino man ito. I think lahat kami deserving na manalo, dahil ginawa namin lahat ng aming makakaya at lumaban pa din kami, kahit na ang iba sa atin ay alam na maliit lang ang chance na tayo ay mananalo. Hindi lang ang mga candidates, kundi lahat ng tao ay deserving na manalo at mapagtagumpayan ang lahat ng pagsubok na dumadaan sa buhay natin."

Because of that, ako ang itinanghal na Miss Campus 2020.

Don't you dare the nerdy girlWhere stories live. Discover now