Marie Bebs ko calling...

Si Marie tumatawag...

Anong gagawin ko?

Paano ko sya kakausapin matapos kong gawin ang kataksilan kong yun?!

Kahit nagdadalawang-isip at natatakot at nahihiya ay sinagot ko pa rin ang tawag nya.

"Hello"kinakabahan kong sabi

"Hello beb!Okay ka lang ba?"bakas ko sa tono nya ang pag-aalala

"O-oo naman.Medyo nakainom lang"tumikhim ako para kahit papano ay umayo ang salita ko

"Ah okay,tapos na ba kayo or hindi pa?"

"Hindi pa pero umayaw na ko"

"Ahh,eh si Cheska?Naku,bantayan mo yang babaitang yan ah!Baka mamaya nyan magpakalaaing yun tapos mapahamak sya"

Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko na nagpataranta saken.

"A-ah a-ano,n-nahatid ko na sya s-sa kwart-o ny-a"utal-utal kong sabi

Shit!Baka lalo syang maghinala

"Ahh,okay"

Huminga ulit ako ng malalim para mawala ang kaba ko

"Nga pala,ba't gising ka pa?"

Awtomatiko naman akong napatingin sa orasan ng phone ko

1am na..

"Ah kasi,may lalaki kanina sa park,yung amo nung isang nanny na suki ko rin sa mga candies ko.Natikman kasi nya yung gawa ko at nagustuhan nya.And guess what beb!"excited nyang sabi

"Ano?"kahit kinakabahan ako ay nagawa ko pa ring ngumiti at makaramdam ng excitement

"He ordered a dozen of each kind of candies!Gulay beb!Grabe!Nagulat nga ako eh,kaya lang ang iksi ng time limit na binigay nya kasi hanggang bukas lang ng tanghali ang binigay nya."

Nabakas ko naman na talagang pagod na sya.

"Beb,baka naman masobrahan ka sa pagod nyan?Tingnan mo nga oh 1am na"

Narinig ko naman ang paghikab nya

"Don't worry beb,matutulog na nga ako eh.Tumawag lang ako para kamustahin ka at para na rin mag-good night"

Alam kong nakahiga na sya at kahit hindi ko sya nakikita ay alam kong napapapikit na sya.

"Sige,good night.Pasensya na kung di kita natext kanina ah?"

"Okay lang yun noh!Alam ko naman na nagkakasiyahan kayo ng mga katrabaho mo"

Ewan ko pero iba ang naging dating saken ng sinabi nya.

Siguro guilty lang

"Beb nandyan ka pa ba?"

Bigla naman aakong napabalik sa reyalidad

"Ah oo,sorry.Sige na,good night na.Pahinga ka na,okay?"

"Mn,kaw din tulog ka na din.Good night!Sweet dreams!I love kita!"masigla nyang sabi

"Good night din.Sweet dreams too and mas I love kita"napangiti na rin ako ng sabihin ko iyon

Pinutol na nya ang tawag at nakahinga na ako ng maluwag.

Sobrang naguilty ako kanina habang kausap ko sya.

Paano pa kaya ang mangyayari saken kapag nagkaharap na kami?

Hindi ko na alam.Hindi ko na talaga alam.

Kung pwede ko lang ibalik ang oras hindi ko hahayaang mangyari yun.

Sobrang pinagsisisihan ko yun.

"I'm sorry Marie.I'm sorry,hindi ko yun sinasadya.Sana mapatawad mo ako.Hindi ko talaga yun sinasadya"mahina kong sabi at punung-puno ng pagsisisi

Sana mabaon na to sa limot.

Sana...

A/N:

Hey guys!!!Ahm.alam ko na nalilito kayo kung sino si Patrick.Sya din si Hans,di ko lang mapalitan ang name nya dun sa cast.Everytime I try to change it lagi lang nabalik sa dati.So I wish for your understanding and sana ipagpatuloy nyo ang pagbabasa nito

The Betrayed Wife's Revenge (Complete)Where stories live. Discover now