Wakas

23 2 0
                                    

"Sayo to. Tapos eto naman sa akin" sabi ni eunice saka ibinigay sa akin ang barbie na hawak niya. Pinagmasdan ko iyon bago ibinigay sa kaniya.

"Bakit barbie? Pambabae iyan e! Hindi ako bakla!" inis kong binato ang barbie niya at natanggal ang ulo

"E kesa naman sa baril barilan ang gusto mo! Hindi ako tomboy!" sigaw niya sa akin. Nakakarindi ang boses niya! Nagulat nalang ako nang marinig ang malakas na ingay at nakita ang baril ko na sira sira na. Hinampas niya ang baril ko!

"Bakit mo sinira ang baril ko!"

"E sinira mo rin yung barbie ko!" sigaw niya pabalik. Mangiyak iyak siyang nagsumbong sa mama niya.

Katapos naming kumain ay nilapitan ko siya saka niyakap.

"Nakakainis ka naman e! kanina pa ako nagkukwento parang wala ka namang naririnig! Para akong tanga kakasalita dito!" rinig kong reklamo ni eunice. Panay dada kase tungkol sa crush niyang taga kabilang section. E mukha namang tukmol iyon.

Napatingin naman ako sa kaniya at nahuling titig na titig sa akin. Maasar nga.

"Inlove ka na yata sa akin e" pang-aasar ko. Nakita kong pumula ang pisngi niya, ang cute niya.

"Kapal mo naman! Oras na, pasok na tayo" sabi niya saka tumayo at kinuha ang bag sa tabi niya at nagsimula ng maglakad papuntang classroom.

"Lilipat ka na ng school? Anong strand kukunin mo?" tanong niya habang naglalakad kami papuntang sinehan. Grade 11 na kami kase sa pasukan at sa kasamaang palad ay walang Senior High sa school na pinapasukan namin ngayon kaya kinaylangan kong lumipat.

"Oo. Sa bacolor ako mag-aaral saka STEM ang kukuhanin ko. Gusto kong mag engineer. Ikaw ba?" tanong ko saka kinuha ang ticekt na iniabot ng babae. Hindi ko na pinansin ang pagpapacute ng babaeng kahera at dumeretso na sa loob ng sinehan.

"Crush mo, pre" turo sa akin ni miggy sa babaeng naglalakad papuntang classroom, katabi ng room namin.

"Hindi ko siya crush" sabi ko at naglakad papuntang canteen. Nagutom ako.

"Hindi raw. Eh lagi ka ngang nakaw tingin"
nakasunod pala ang gago.

"Tss. Wala akong panahon sa kaniya" sambit ko bago bayaran ang binili kong sandwich kay ateng kahera.

"Liah Nicole Alanis. Search mo na" sambit niya saka tumawa.

"Wala akong social media accounts" sabi ko nalang saka naunang naglakad at iniwan siya roon.

"Vince! Im sorry. Hindi ko sinasadya. Kaya ko lang nagawa iyon kase hindi sapat iyang pagmamahal mo kaya naghanap ako ng iba" hinabol ako ni liah matapos kong makita kung paano niya ako lokohin sa taong sinabi niyang wala lang.

"Kailan ka bumalik?" tanong ni eunice ng muli kaming nagkita. Pagkatapos naming maghiwalay ni liah ay agad akong nagtranfer sa school na pinapasukan niya. Ayokong makita si liah hanggat maaari dahil nasasaktan ako sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang walang kwenta niyang dahilan.

"Tahan na kase! Parang timang naman ito! Kanina ka pa umiiyak oh! Tignan mo mukha mo, ang pangit pangit mo na! Mata mo mugtong mugto na kakaiyak" kanina pa kase umiiyak si eunice dahil sa gagong zeus na iyon. Ginawa ba namang laruan ang best friend ko. Huwag lang talaga magpapakita iyon sa akin kung hindi babasagin ko ang pagmumukha niya.

"Umiiyak ka ba?" gulat namang tumingin sa akin si eunice. Namumula ang kaniyang mata. Ano na naman bang ginawa ng zeus na iyon.

"Gusto kong makita si papa" yumuko siya para hindi ko makita ang mukha niya pero alam kong umiiyak siya.

"Kumain ka" inilapag ko sa harapan ang pagkain niyang hindi man lang nagalaw kanina. Narito kami ngayon sa bahay ng mama niya. Nasasaktan ako sa tuwing nasasaktan siya. Ayokong nakikita siyang umiiyak kase masakit makitang umiiyak ang babaeng mahal mo.

"You think bagay sa akin to, babe?" tanong ni liah sa akin. Nagpumilit kase siyang pumunta ng mall at sa dirami dami ng mall na gusto niy ay iyong kay eunice pa.

"Yes babe" sagot ko nalang.

"Excuse me miss. Nakaharang ka kase" malamig kong sabi kay eunice. Bakas sa mukha niya ang gulat.

Oh, nasaan ang niko mo?

Napansin ko rin ang tingin ni liah kay eunice at hihilahin ko na sana siya paalis ng marinig ko ang boses ni niko.

"Love" tss.

"Lets go love" muli niyang sabi saka umalis. Ang sakit makitang hawak siya ng iba.

Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko nang makitang papalapit na sa akin si Eunice.

"Chill man" bulong ni papa ng makitang kanina pa akong aligaga rito.

Nagtama ang mga mata namin ni eunice at nginitian ako neto. Ngumiti rin ako baka sakaling mabawas ang kaba na nararamdaman ko ngayon.

*Bully. Masama ang ugali. Mapang asar. Pikon at marami pang iba" nagulat ako sa sinabi niya. Narinig ko ring tumawa ang mga tao rito sa simbahan. "Palagi mo akong inaaway noon. Inaasar na ang panget panget ko. Pero tignan mo naman ngayon kung sino ang pinapakasalan ko. Ang magiging asawa ko hahahaha" dagdag pa niya. Katapos niyang tumawa ay tumingin siya ng seryoso sa akin.

"Pero kahit na binubully mo ako, hindi mo pa rin ako iniwan. Noong nawala si papa, noong nawala si mama ay hindi ka umalis sa tabi ko" pinunasan niya ang mga luha niya. Ngumiti ako sa sakniya.

"Thankyou and iloveyou" sabi nito saka niyakap ako ng napakahigpit.

"Maldita. Masungit. Bipolar. Sadista. Ikaw lahat iyan. Pero kahit na ganiyan ka. Mahal pa rin kita. Kahit na panay sabunot, kagat, kurot ang inaabot ko sayo mahal pa rin kita" sabi ko. Tumawa uli ang mga tao. "Nangangako sa harap ng nakaparaming tao sa harap ng Diyos na mamahalin kita ng buong buo. Pinapangako na kasama mo ako sa lahat ng laban mo sa buhay. Pangarap mo ay pangarap ko rin. Problema mo ay problema ko rin. Hindi kita hahayaang lumaban mag-isa dahil nandito ako. Kasama mo. Kakampi mo." seryosong sabi ko sa kaniya. Nakita ko ring lumuluha na siya. Pinunasan ko ang luha niya saka tumingin uli.

"Ikaw lang ang mahal ko. Mula noon hanggang ngayon" wika ko at hinaliakan siya sa labi.

******************THE END*********************

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hide and Seek (COMPLETED)Where stories live. Discover now