Kabanata 23

9 2 0
                                    

"Why?" naluluhang tanong ng kay tito robert.

Nang makumpirma kong siya ang taong pinanghihinalaan ko at ang taong pumatay kay papa ay agad akong tumawag sa police station. Agad silang pumunta ng bahay para damputin si tito. Nasa hospital ngayon si mama. Duguan at walang malay. Puro pasa at sugat ang natamo ni mama sa hindi malamang dahilan. Nalaman ko ring nalaglag ang batang nasa sinapupunan niya at si Tito Robert ang pinanghihinalaan kong gumawa nito kay mama.

Nagawa nga niyang patayin ang papa ko, si mama pa kaya.

"Why?!" sigaw ko ulit dahil parang hindi niya narinig ang sinabi ko kanina. Hindi niya pa rin ako sinagot. "Ikaw rin ba ang may gawa nito kay mama? Ha? Alam mo bang buntis siya?!" sigaw ko ulit.

"Hindi ko kailanman minahal ang mama mo. Para lang sa pera kaya ko pinakasalan ang mama mo." nakangiting sabi nito. Mas lalo akong nainis sa ngiti niyang malademonyo. "Alam ng mama mo iyon. Pinagkaisahan namin ang papa mo para ibigay ang mga pera niya. Ginamit ka namin para takutin siya. Pasalamat ka nga at hindi kita pinatay gaya ng sabi ko sa papa mo" dagdag pa nito.

"Walang hiya ka! Masisiguro kong mabubulok ka sa kulungan!" sigaw ko sa kaniya at lalapit na sana ako sa kaniya para sampalin siya pero pinigilan ako ni vince. "Wala kang puso! Mas masahol ka pa sa demonyo!" napaupo nalang ako sa sahig at yakap yakap ako ni vince.

Walang hiya siya! Nakaya niyang pumatay ng tao para lang sa pera. Idinala na rin sa presinto si Tito.

"Anong ginagawa mo rito ha?! Lumayas ka rito!" sigaw ko kay liah ng makita itong palabas ng bahay. Tumayo ako at hinarap si liah

"Please si papa nalang may roon ako. Huwag mo naman gawin ito." pagmamakaawa niya.

"Hindi! Mabubulok sa kulungan ang demonyo mong tatay! Kung gusto mo ay pati ikaw ipakulong ko na rin tutal nakinabang ka naman sa perang kinuha ng tatay mo!" sigaw ko.

"Vince please. Help me" lumapit ito kay vince at hinawakan ang magkabilang braso. Hindi sumagot si vince at tinitigan lang niya si liah. Agad ko namang hinila palayo si vince. Babaeng ito.

Tinignan naman ako ng masama ni liah sa paghila ko kay vince. "Bitawan mo nga ang boyfriend ko!" Sigaw niya na ikinagulat ko. Tinignan ko si vince ngunit naka tungo lang ito.

"Ano vince? Hindi mo masabi sa babaeng iyan? Na nagkabalikan tayo? Ha? Diba noong birthday ko noong binigay mo yung regalo mo. Nakipagbalikan ka. At ikaw babae ka, lumayo layo ka sa boyfriend ko!" hinila ni liah si vince palayo sa akin. Natulala nalang ako sa narinig ko.

Tinignan ko si vince.

"Vince totoo ba? tanong ko. Pero hindi niya ako sinagot. "Totoo ba?" tinitigan niya ako at unti unti itong tumango.

Nanghina ako. Nasasaktan ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Nalaman ko na si tito robert ang pumatay kay papa.

Si mama nasa hospital.

Tapos ngayon, si Vince at Liah ay nagbalikan? Nang hindi ko man lang nalalaman?

Sobrang sakit. Sobra akong nasasaktan sa lahat ng nalaman ko. Napa-upo nalang ako sa sahig dahil nanghihina na ang tuhod ko. Tuloy tuloy rin ang pag-agos ng luha ko. Parang gripo na ayaw tumigil.

"Siguro naman ay lalayuan mo na ang boyfriend ko. Matuto kang lumugar." katapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya ng bahay.

Nilapitan ako ni vince at hinawakan ako sa kamay. Agad kong binawi iyon at humarap sa kaniya.

"Huwag m-mo a-akong h-hawakan." sabi ko saka ako tumayo at umatras.

"Hayaan mo muna akong magpaliwanag please" naluluhang sabi niya

"Paliwanag? Ano pang masasakit na salita ang maaari kong maririnig ko? Vince ang sakit sakit na. Ang dami dami ko ng iniisip at sobra na akong nasasaktan ngayon." bumuhos na naman ang mga luha ko. Pilit kong pinupunasan ngunit patuloy pa rin ito sa pag-agos.

"Pakinggan mo muna ako" pagmamakaawa niya sa akin.

"Pwede ba! Masyado na akong nasasaktan ngayon! Huwag mo ng dagdagan pa!" sigaw ko sa kaniya pero mas lumapit pa ito sa akin. Hinawakan niya ako sa kamay. "Huwag mo kong hahawakan!" nagpumiglas ako sa hawak niya pero masyado siyang malakas. "Bitawan mo ako sabe!" niyakap niya ako ng mahigpit at pilit akong lumalayo sa kaniya pero hindi ko magawa.

"Sorry" sabi nito at yakap yakap niya pa rin ako.

"Umalis ka! Umalis ka na! Tutal si liah na rin naman ang pinili mo diba? At hindi mo sinabi sa akin!"

"Wala akong pinipili" umiiyak na rin siya. Nakayakap pa rin siya sa akin. Pilit ko pa rin inaalis ang kamay na nakayakap sa akin pero hindi ko magawa. Nanghihina na rin ang buong katawan ko.

"Umalis ka na" mahinang sabi ko.

"Hindi ako aalis" kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at pinunasan ang mga luha ko. "Sorry" muling sabi niya.

"Umalis ka na sabi e! Ano pa bang gusto mong marinig ha? Kapag sinabi kong umalis ka, umalis ka! Mahirap bang intindihin yon ha? Umalis ka na sabi e! Ang sakit sakit na! Kasalanan ko ito eh! Kung hindi ako nahulog sayo kung hindi ako nainlove sayo, hindi ako masasaktan ng ganito!" gulat siyang napatingin sa akin. "Ano? Sasabihan mo akong tanga? Kase nainlove ako sayo? Na best friend ko? Oo na! Inaamin ko na! Napakatanga ko! Ang tanga tanga ko kase nainlove ako sayo! Na best friend ko!" sigaw ko sa kaniya.

"Umalis ka na please" muli kong sabi sa kaniya. Tinignan niya ako gamit ang mga mata niyang mapupungay. Namumula na rin ang mga ito dahil sa iyak. Tumayo siya at tinignan ako ng ilang segundo at naglakad paalis.

Hide and Seek (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt