Kabanata 21

16 1 0
                                    

"Inlove na ang baby girl" namin pang-aasar ni Ynna. Nandito kami sa isang fast food. Buti nalang ay hindi sila masydong busy ngayon at naisingit nila ako sa schedule nila.

"I am not. Naiinis lang ako kase si liah ang gusto niya." sabi ko naman. Nalilito pa rin ako sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung mahal ko na nga ba si vince more than friends.

"Hindi iyon, Nice. Nagseselos ka kase nakikita mong nagkakamabutihan uli si Liah at si Vince. Kase mahal mo na si Vince. Not just best friend. I think nainlove ka na sa best friend at hindi mo lang maamin sa sarili mo ang totoo." seryosong sabi ni sha.

"Very true sis. Kaya ka nagkakaganiyan kase nagseselos ka. Ayaw mong may umaaligid sa Vince mo." sabi naman ni Lyra.

"Aminin mo na kase. Mahal mo na yung tao ka ganiyan. Hindi mo naman kami kakausapin ng ganito kung hindi mabigat yang problema mo. Kung ako sayo ay aamin na ako kay vince kesa sa tinatago mo yang nararamdaman mo." sabi pa ni sha. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni vince kung aamin ako. Teka, hindi ako aamin no! Kase hindi ko naman siya mahal!

"No way. Saka anong aaminin ko? Hindi ako inlove sa kaniya no. Naiinis lang ako kay liah kaya ganon." sabi ko. Hindi talaga promise.

"Sige, ideny mo pa. Kunwari nalang naniniwala kami na hindi ka inlove. Sige" sabi ni lyra.

Paano kung umamin ako tapos--- ahh. Hindi nga ako inlove! Nakakainis naman! Naiinis lang ako kay Liah, iyon lang. Okay? Okay self?!

Pagkatapos ng usapan na iyon ay agad rin kaming nagpaalam sa isat-isa.

Nang makarating ako ng office ko ay naroon si Niko.

"Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko nang makaupo ako.

"Hindi naman. Wala pa namang isang oras." sabi niya at may iniabot sa aking envelop. Tinignan ko iyon at nagulat ako ng makita kung ano iyon. Ang Nice Farm!

"Bakit mo ibinibigay sa akin ito? Hindi pa naman buo ang bayad ko ah." nagtatakang tanong ko. Naaalala ko kase ay malaki pang halaga ang kulang ko para mabawi ang farm.

"Lasing ka ba?" natatawang tanong ni Niko. Napakunot noo naman ako. Anong pinagsasabi nito? "Kahapon lang ay nagbayad ka na. Nakalimutan mo? May ipinadala kang empleyado mo at ibinigay sa akin ang perang pambayad mo sa farm. Nagulat nga ako kase naibigay mo agad" sabi pa nito.

Wala akong maalala na nagpadala ako ng tao sa kanila para bayaran ng buo ang farm. Sino naman gagawa noon?

Pero masaya ako na nasa akin na uli ang farm ni papa.

"Bakit mo naman ginawa iyon? Saan ka kumuha ng pera?" tanong ko sa kaniya ng makarating siya rito sa opisina.

"Anong pinagsasabi mo? Anong pera?" tanong ni vince. Siya lang kase ang pinanghihinalaan kong gumawa noon.

"Sa farm? Bayad na raw ako sa farm pero wala akong naaalalang nagbayad ako. Ikaw ba ang nay gawa non? Wala akong maalala na nagbayad ako at higit sa lahat wala pa akong perang pambayad para mabawi ang farm."  sabi ko kay Vince.

Kung hindi si Vince, sino naman ang gagawa noon?

Tinanong ko rin ang tatlo kung may alam sila kaso wala raw. Masyadong busy ang tatlo lalo na sina Ynna at Lyra para sa nalalapit nilang resto.

"Baka naman iyong Niko mo ang nagbayad?" sinaaman ko siya ng tingin. Hanggang ngayon ay nagagalit pa rin siya kay niko e wala namang ginagawa yung tao.

"Baka sinabi niya lang yon. Feeling ko talaga gusto ka ni Niko mo"

"Tigilan mo nga yang Niko mo, Niko mo. Sasapakin na talaga kita" banta ko sa kaniya pero tinawanan lang ako.

"Eh paano kung siya nga ang may gawa non?" tanong niya.

"Parang sira naman. 500 Million pesos, para lang na gusto niya ako? Imposible naman iyang iniisip mo. Kahit ako kung gusto kita ay hindi ako magsasayang ng malaking halaga dahil lang sayo" sabi ko at nakitang sumilay ang nakakaloko niyang ngiti. "Halimbawa lang iyon, huwag kang feeling" tumalikod ako sa kaniya at nagkunwaring may hinahanap. Wrong moves, self.

"Eh bakit ako? Pwede naman si Niko mo o kaya si Zeus mo? Sus, pasimple ka pa ha" pang-aasar niya. Hays. Nakakaloko ka vince.

"Eh ikaw agad naiisip ko" dahilan ko

"Lagi ba ako ang nasa isip mo?" lumapit ito sa akin at mas lumapad ang ngiti. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko nakayanan ang titig niya. Para akong nalulusaw sa titig niya. Ako lang kaya ang tinitignan niya ng ganito? Hays. Napakalandi mo self.

"Oh bakit namumula ka? Saka tignan mo nga ako" hinawakan niya ang baba ko at tinignan ang labi ko. Shet, hahalikan niya kaya ako? Omygod! Umiwas uli ako ng tingin. Paano kung halikan niya ako? Edi sa akin siya inlove at hindi kay liah? Pero bakit ang sweet sweet niya kay liah? Hays. Nabadtrip naman ako ng maalala uli kung ano ang ginawa nila noong birthday ng impaktang iyon.

"Tignan mo ko." hindi ako sumunod. "Isa" ulit pa niya pero hindi ko pa rin siya sinunod. Ayoko siyang tignan. Nahihiya ako. Totoo kaya ang sinasabi nila Ynna? Na hindi ko lang maamin sa sarili ko na inlove na ako sa kaniya? Paano kung inlove na nga ako sa kaniya? Paano kung malaman niya kung ano ang nararamdaman ko para sa kaniya? Na hindi lang best friend ang turing ko at higit pa pala roon ang nararamdaman ko? Paano kung layuan niya ako kase hindi kami pareho ng nararamdaman? Paano kung best friend lang ang turing niya at hanggang doon na lang.

"Shit! Why are you crying?" tarantang tanong ni vince at kumuha ng panyo sa bulsa niya at pinunasan ang luha ko. Hindi ko man namalayan na umiiyak na pala ako.

"May masakit ba sayo ha? Sinong umaway sayo? Resbakan natin!" napayakap nalang ako sa kaniya at umiyak ng umiyak. Ang tanga tanga ko. Nainlove ako sa bestfriend ko. Natalo na ako.

"Don't cry baby. I am here. I love you." sambit niya na lalong nagpaiyak sa akin.

Hide and Seek (COMPLETED)Where stories live. Discover now