Kabanata 8

16 3 0
                                    

"Dito ka muna habang bakasyon. Kapag may pasok ka na kase, hindi ka man bumibisita rito." Sabi ni mama habang naghahapag ng hapunan.

Wala rito si Liah at sigurado akong nasa kwarto niya.

Kwarto ko pala.

"Sige" sabi ko at saka kumuha ng kanin. Magaling at masarap magluto si mama kaya naman sikat iyong restaurant niya.

"Kumain ka ng marami para tumaba ka naman." Binigyan pa ako ng kanin ni mama.

"Hon" napalingon kaming tatlo ng marinig ang boses ng isang lalaki.

Matangkad, maputi, medyo mahaba ang buhok at gwapo.

Tatay ito ni Liah siguro.

"Hindi mo man lang sinabi na uuwi ka" hinalikan nung lalaki si mama sa labi. Tsk. Kadiri.

Nawalan na ako ng gana at tumayo para pumuntang kwarto.

"Tapos kana? Hindi mo pa nagagalaw yung pagkain mo ha?" Sabi ni mama "Nga pala, Si Robert, tatay ni Liah, boyfriend ko. Robert si Eunice, unica hija ko." Dagdag pa niya.

Tumango lang ako saka naglakad na paakyat.

Hindi ako komportable sa lalaking iyon. Kung makatingin sa akin ay parang walang bukas.

"Kumain ka" inilapag ni vince ang dala niyang pagkain sa maliit na mesa.

"Thanks" kumain agad ako dahil kanina pa ako nagugutom. Buti nalang nandito si vince at naalala akong ipagdala ng pagkain.

"Papatayin ka ng pride mo. Tsk" umupo siya tabi ko at pinagmasdan akong kumain.

"Huwag mo kong titigan ng ganiyan"

"Kailan mo papatawarin mama mo? Kailan mo ibabalik 'yung dating pagsasama niyo? Kung paano ka excited umuwi ng bahay para makita siya?"

"Hindi ko alam. Basta galit ako sa kaniya. At alam ko naman na ramdam niya iyon"

"Hindi mo ba siya namimiss?"

"Miss. Miss na miss na. Lalo na pag magkakasama kami nila papa."

"Kumain ka na, lalabas lang ako" tumayo siya at dumeretso sa pintuan. Paglabas niya ay isinarado niya ito.

Kailan ko nga ba papatawarin si mama? Kapag sawa na siyang makipag relasyon sa kung sino sino lang? Nakakainis kase.

"Madam, may nagpadala pong envelop sa inyo." Iniabot ng kasambahay ang isang brown envelop kay mama. Kinuha naman niya iyon agad at nagtungo sa sala.

Umupo siya at sinimulan niyang buksan ito.

Lumapit ako at umupo sa kabilang sofa.

Annalment Papers

"Pinirmahan na ng papa mo" sabi ni mama. Bakas sa mukha niya ang saya.

Masaya ka talaga?

"Congrats, happy?" Alam ko medyo pagkabastos ang pagsasalita ko pero hindi ko na kaya.

Kayang kayang ibasura ni mama ang lahat? Lahat ng ginawa ni papa para kaniya? Para sa amin?

"Anak, may balak kase kaming magpakasal ni Tito Robert mo. Bubuo kami ng pamilya, kasama ka at si Liah" hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon.

Ayoko sa pamilyang sinasabi ni mama. Si papa lang gusto ko!

"You can call me, Daddy or papa. Or whatever you want" ngiting sabi ni tito Robert.

"Isa lang ang papa ko. At hindi ikaw 'yon" tumayo ako at nagsimulang maglakad papalayo. Narinig ko pa ang sigaw ni mama at tinatawag ako.

Kinuha ko agad ang mga gamit ko at nagsimulang ilagay sa bag. Wala na akong balak pang bumalik rito.

Hide and Seek (COMPLETED)Where stories live. Discover now