Hide and Seek

80 3 1
                                    

This is work of fiction. Names, characters, place, events are products of author's imagination. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental.

----------------------------------------------------------------------

"Sa'yo 'to. Tapos eto naman ang akin" ibinigay ko sakaniya 'yung isa kong barbie

"Bakit barbie? Pambabae yan e! Hindi ako bakla!" Inis na binato ni Vince yung barbie ko. Natanggal tuloy yung ulo.

"E kesa naman sa baril barilan yung gusto mo! Hindi ako tomboy!" Sigaw ko sa kaniya. Kinuha ko yung baril na nakapatong sa tabi ng t.v saka hinampas ito sa dingding para masira.

"Bakit mo sinira yung baril ko!"

"E sinira mo rin yung barbie ko e!"

"Eunice, Vince! Ano na naman pinag-aawayan niyo! Nasa labas na kami pero rinig na rinig pa rin namin ang mga boses niyo!" Bulyaw ni mama sa aming dalawa

"E kase mama sinira niya yung barbie ko! Tignan mo, wala ng ulo" kinuha ko ang barbie ko sa sahig na walang ulo. Mangiyak iyak kong tinignan ito.

Huhu! Kawawang barbie.

"E sinira mo rin naman yung baril ko ah! Tignan mo, sira sira na!" Ganti ni vince.

Gumanti lang naman ako ah?

"Hay nako. Halika na kayo at kumain nalang. Kesa sa nag-aaway kayo lagi!" Sabi ni mama at sabay kaming hinatak sa kusina.

"Nakakainis ka naman e! Kanina pa ako nagkukwento parang wala ka naman naririnig! Para akong tanga kakasalita dito!" Reklamo ko kay Vince.

Kanina pa ako nagsasalita tungkol sa crush ko. Grade 7 na kami pareho at magkaklase kami.

May crush ako sa kabilang section. Sobrang gwapo niya.

"Tss. Mas gwapo ako roon!"

"Sus! Hindi kaya no! Mas gwapo siya kesa sa'yo!

"Okay. Sabi mo e".

Anong problema nito? Kanina pa tahimik. Kinuha ko nalang yung sandwich na ginawa ni mama sa akin. Nagutom ako sa kakasalita e wala naman palang nakikinig sa akin

Tinignan ko si Vince.

Gwapo naman siya. Matangos ang ilong. Pula ang labi. Mahaba ang pilik mata.

Basta gwapo.

"Inlove kana yata sakin e" nagulat ako ng bigla itong tumingin sa akin.

Bumilis tibok ng puso ko sa ginawa niya.

Jusko self. Ke bata bata mo pa ha!

Saka best friend mo yan ha?

'Wag papatol

"Kapal mo naman!" Inirapan ko siya sabay kagat sa sandwich na hawak ko. "Oras na, pasok na tayo" kinuha ko na ang bag ko sa tabi ko at tumayo na. Tumayo na rin siya at nagsimula na kaming maglakad patungo sa classroom.

"Lilipat ka na ng school? Anong strand kukunin mo?" Tanong ko sa kaniya habang naglalakad kami patungo sa sinehan.

Grade 11 na kami sa pasukan. Kaso lilipat ata siya ng school kase wala pang available na Senior High sa school kung saan kami naggraduate ng Junior High.

"Oo. Sa Bacolor ako mag-aaral. STEM ang kukunin ko. Gusto ko kaseng mag Engineer. Ikaw ba?" Tanong niya sa akin bago niya kinuha ang ticket na inabot ng babae. Nagpapacute pa ito sa kaniya kaso nilagpasan lang namin at pumasok na sa sinehan.

"Dyan lang sa malapit siguro. Sa college nako lalayo. GAS siguro. Hindi ko pa alam ang gusto kong course" Inabot niya sa akin ang popcorn na hawak niya.

Pagkatapos ng usapan na iyon, nagsimula ang pelikula.


"Talaga?! Ode gwapo siya? Matangkad? Wala pa siyang girlfriend? Matalino? Kasing puti mo?" Sunod sunod na tanong ni Lyra.

"Isa isa lang, okay? Isa lang ako oh? Kailangan sabay sabay?" Reklamo ko sakaniya dahil ang kulit kakatanong tungkol kay vince.

Simula kase nung umalis siya para mag-aral ng Senior High wala ng balita. Hanggang ngayon, 3rd Year college na kami wala pa rin siyang mensahe. Ni facebook niya hindi ko alam.

4 years na, hindi pa rin kami nag kikita.

Mas lalo siguro siyang gumwapo.
Tumangkad. Hay. Miss ko na siya.

Babalik pa ba siya?

Babalik pa ba siya sa'kin?

---------------------------------

Hide and Seek (COMPLETED)Where stories live. Discover now