Kabanata 19

11 1 0
                                    

"Ang daming katext ni tito" sabi ni vince habang nagbabasa sa inbox ni papa. Maraming text roon about business. Binasa namin iyon kaso wala naman tungkol sa trahedya.

Tintry rin naming iopen ang social media niya kaso wala rin. Kung ano ang nakasulat sa inbox ay iyon rin ang nasa messenger niya.

"200 Million Pesos o Buhay ng pinakamamahal mo anak?" sabi ni vince na ikinagulat ko. Tinignan ko siya ng masama sa sinabi niya. Hindi ito oras para sa kalokohan.

"What? Ito oh basahin mo" ibinigay niya sa akin ang cellphone at binasa ko iyon. Galing iyon sa unknown number.

"Omygod! Sa tingin mo itong tao na ito ay yung nagpapatay kay papa?" tanong ko.

"Panigurado. At isipin mo, kapalit ng buhay mo? Sigurado akong nakikita ka niya araw-araw." Sabi nito

"Pero wala namang nangyayareng masama sa akin."

"Baka pera lang ang habol niya." kinuha niya uli sa akin ang cellphone para tignan kung madalas ba itong tumatawag.

"See? Halos siya ang tumatawag sa papa mo. At duda ako sa 500 Million Pesos para lang sa farm. Sigurado ay doon kumuha ng pera ang papa mo para ibigay dyan sa taong iyan." nagbasa pa kami ng mga text messages at kumpirmado ngang siya ang may pakana ng lahat.

"Goodbye Mr. Ramos? Look at the date, June 26 ng magtext uli siya sa parehong petsa ay natagpuang patay si papa." sabi ko kay vince. Muli kong kinuha ang litratong ibinigay sa akin ng mga pulis. This time, sigurado na akong siya ang may pakana nito.

Noong una ay ayaw kong maniwala dahil masyadong masakit sa akin at hindi ko matatanggap kung siya nga ang pumatay sa tatay ko.

"Kilala mo na?" tanong sa akin ni vince. Tumango ako at sinabi ku sino ang pinaghihinalaan ko.

"You sure?" tanong nito.

"Kailangan ko pa ng ibang ebidensya bago ako gumawa ng aksyon." sagot ko. At baka kung gumawa ako ng aksyon at mapatunayan na mali ang hinala ko ay baka ako ang mapahamak.

"Yeah. At sigurado akong malakas ang makakalaban mo rito." tumango ako at muling tinago ang litrato.

-------------

"May lakad ako sa sabado, sama ka?" tanong ko sa kaniya. Nasa labas kami ngayon para malibang kami pareho. Marami rin kase siyang trabaho at buti nalang free siya ngayon at mabuti nalang ay medyo maluwag ang schedule ko ngayon.

"Saan? Kaso meron rin akong lakad non e"

"Birthday ni Liah, samahan mo ko" napakamot siya ng ulo sa sinabi ko.

"Doon rin ang punta ko e" nahihiyang sabi niya.

"Oh, bakit ganiyan mukha mo?"

"Escort ako e" sabi pa nito.

"Ano, 18th Birthday? Kalokang babaeng iyon." si vince pa talaga ha?

"Hindi ko rin nga alam e." pumunta kami sa paborito namin ice cream store. Dito kami lagi bumibili.

"Sus. May gusto pa yata sayo ang babaeng iyon e" sabi ko at nag-abot ng bayad sa cashier.

"Ewan. Siguro. Gwapo ko no?" biro niya.

"Eww. Baka no choice" sabi ko sa kaniya. Tinignan naman niya ako ng masama. "Bakit ka ganiyan makatingin?" tanong ko sa kaniya dahil hindi niya pa rin inaalis ang tingin niya.

"Ano?!" ulit ko

"CEO ka na pero dugyot mo pa rin kumain" sabi nito saka kinuha ang panyo sa bulsa niya at pinunasan ang gilid ng labi ko.

"Tsk. Nagkaroon lang ng Engineer ang pangalan mo akala mo malinis ka na. Dyan ka na nga" nauna akong lumabas sa ice cream store para pumuntang supermarket. Nauubusan na kase ako ng stock sa bahay.

"Bilis mong maglakad" Sabi nito ng mahabol ako. Una ako pumunta sa frozen foods. Inagaw niya ang push cart at sumunod sa akin.

"1500 pesos po ma'am" sabi ng cashier at nag-abot ako ng 2000 pesos sa kaniya. Matapos niya akong suklian ay iniwan ko na si vince roon.

"Nakahanap ka ng body guard mo ha." sabi nito ng matapos niyang ilagay ang mga pinamili ko sa kotse.

"Ode thank you" sabi ko sa kaniya.

"Anong thank you, thank you. Makikikain ako no. Akala mo libre? Ha! Ngayong bigtime ka na magsisimula na akong magcompute. Sisingilin kita sa lahat ng utang mo." sabi nito habang nagmamaneho papuntang bahay.

"Kelalaking tao ang daldal." reklamo ko.

"Sus mas madaldal ka pa rin no. Kung ano ano nga kinukwento mo sa akin noon."

"Noon iyon" sabi ko. Agad akong bumaba ng makarating na kami ng bahay. Pinakuha ko kina manang ang binili ko.

"Manang, pakiluto po yung pinakamasarap na pagkain ha?" sabi ni vince kay manang. Tumango naman si manang at dumeretsong kusina.

"Wala ka ng hiya sa katawan mo" sabi ko at umakyat papuntang kwarto. Maliligo muna ako at lagkit lagkit na.

Kumuha ako ng pajama ko at plain white tshirt. Kinuha ko na rin ang twalaya ko at nagsimula ng maligo.

"Tagal mo nagugutom na ako" reklamo niya ng makababa ako. Nasa sala siya ngayon at nanonood ng t.v.

"Ikaw nalang nakikikain ikaw pa narereklamo. Kung gutom ka na, umuwi ka sa condo mo" sabi ko sa kaniya. Feeling prinsepe.

"Ganiyan ka rin sa akin noon ha. Binabawi ko lang kung ano ang dapat." katapos niyang sinabi iyon ay tinawag na kami ni manang. Tapos na raw siyang magluto at nakahain na ito.

"Naks, kaldereta." sabi pa ni vince ng makita kung ano ang nakahain.

"Patay gutom" sabi ko saka umupo. Kumuha na rin ako ng kanin at ulam. Hindi niya ako sinagot at patuloy lang itong kumakain.

"Dito ka matutulog?" tanong ko. Narito kami sa kwarto ko at nanonood ng movie. Anong oras na kase ay parang walang balak umuwi. Ngumiti naman siya ng nakakaloko. Iba naiinisp ng gago.

"Sabihin o lang kung gusto mo akong makatabi ngayon" sabi pa nito at mas lalong naging nakakasar ang ngiti niya.

"Bobo mo. What I mean si, dito sa bahay. May extra room naman rito kung dito ka matutulog. Utak mo may ubo" sabi ko. Tumawa naman siya ng malakas ng marinig ang sinabi ko. Tinignan ko siya ng masama dahil parang baliw na kakatawa. Ilang sigundo ay tumigil ito at tinignan ako ng seryoso.

Tumaas naman ang balahibo ko sa tingin niya.

"A-ano?" tanong ko saka umiwas ng tingin. Hinawakan niya ang baba ko at iniharap sa kaniya. Ang akala ko ay hahalikan niya ako kaso hindi pala. Mas lalong sumeryoso ang mukha niya.

"Paano mo malalaman kung inlove ka na?" tanong niya at hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

Hide and Seek (COMPLETED)Where stories live. Discover now