Kabanata 27

12 0 0
                                    

"I like you too"

Hindi ko alam kung ano ba irereact ko. Kung ano ang sasabihin ko. Basta hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.

Nandito kami ngayon sa isang fast food chain. Bigla nalang kase siyang pumunta ng office ko at kinaldkad papunta rito. Wala man lang pasabi na darating siya at aalis kami. Ang dami kong trabaho na dapat asikasuhin at tapusin.

"Oh, bakit hindi ka makapagsalita?" tanong niya sa akin. Tinitigan ko lang siya. Sinusuri kung joke time na naman ba.

H"indi ako naniniwala" sabi ko sa kaniya. Imposible naman kase, alam kong mahal niya pa si liah.

"Bakit naman? Hays. Gusto rin kita okay?" muli niyang sabi. Ngumiti ako ng palihim sa sinabi niya.

"Paano ka nakakasiguro na gusto mo ako ha?"

"Dati pa naman ay gusto na kita" seryoso siyang nakatingin sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil naiilang ako sa titig niya.

"Mukha mo Vince" dumating na rin ang pagkain na inorder namin. Kinuha ko ang pagkain ko at nagsimula nang kumain.

Ano hindi mo man lang papansinin ang sinabi ko ha? tanong niya uli. Umiling ako.

"Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin ha? Hays" stress niyang sabi. Tumawa ako at binitawan ang kutsara na hawak ko saka humarap sa akin.

"Totoo iyon?" tanong ko. Tumango siya.

Naniniwala naman ako na gusto niya ako kaso natatakot rin ako sa pwedeng mangyare. Baka sa bandang huli e, masasaktan lang kami pareho.

"Pakasal na tayo" muntik nakong mabulunan sa sinabi niya. Nahihibang na ba siya?

"Anong sabi mo? Paki-ulit nga" baka kase mali lang ang pagdinig ko. Naglilinis naman ako ng tenga ah. Hays.

"Pakasal na tayo" ulit niya. Hindi ako makapgsalita dahil hindi ko rin naman alam kung ano sasabihin ko o isasagot ko sa sinabi niya.

"Baliw.* Tigil tigilan mo iyang pag-aadik mo kumain nalang ako. Kumain ka ng madami. Gutom lang yan turo ko sa pagkain niyang hindi pa nagagalaw.

Hindi niya pinansin ang sinabi ko at nakatitig lang sa akin.

"Hindi mo ba gagalawin iyang pagkain mo?" tanong ko. Sa halip na kumain ay ipina-ikot niya ang plato niya ng dalawang beses at muli akong tinignan.

"Tapos na. Ginalaw ko na" ngingiting sabi niya.

Putang ina.

******************************************

"You will marry me" sambit ni vince at isinuot sa akin ang singsing. Gulat naman akong napatingin sa kaniya.

Anong klaseng proposal to?

"Hoy! Anong you will marry me? Will you marry me yon! Saka hindi pa kita sinasagot ay ipinasuot mo na agad sa akin ang singsing!" reklamo ko sa kaniya.

Pambihirang proposal ito.

Nasa gitna kami ngayon ng mall at itong lalaking ito gagawa pala ng eksena. Nagmadali pa naman ako dahil biglang tumakbo ang secretary ko at sinabing may emergency. Ang akala ko naman ay nasusunog na ang mall ko.

Pambihira.

"Bakit ka sasagot ay hindi naman kita tinatanong." tumawa naman ang mga taong nakatingin sa amin nang marinig ang sinabi ni vince.

Nakakaloka!

"At saka ako pa rin naman ang papakasalan mo! Huwag ka ng umangal. Ang laki laki pa ng ginastos ko sa singsing na yan para mabigyan kita tapos aayaw ka? Hindi pwede! Papakasalan mo ako sa ayaw at sa gusto mo. Period!" sabi pa nito.

"Sinabi ko bang bigyan mo ako ng singsing ha? Ode kung nanghihinayang ka sa pera mo. Sige, sayo nalang yan" akmang aalisin ko na ang singsing sa daliri ko pero pinigilan ako ni vince.

"Joke lang. Ito naman hindi mabiro. Bilhan pa kita ng jewelry shop e" sabi nito at niyakap ako.

"Ako ang maid of honor!" sigaw ni lyra ng makapasok kami ng office. Nakaupo kaming apat sa sofa habang si vince ay natayo lang sa may pintuan at nakatingin ng deretso sa akin.

Medyo kinikilig ako sa titig niya. Medyo lang naman.

"No! Ako, Nice please?" singit naman ni ynna

"Magsitigil nga kayo. Bakit hindi niyo nalang hintayin kung ano ang magiging sagot ni eunice." sermon ni sha.

"Okay, mama" biro ni lyra.

"Ano bang gusto mong klase ng kasal?" tanong ni vince habang naghahanap ng mga wedding gowns na dapat ako ang gagawa.

"Hindi ko pa rin maintindihan at bakit bigla bigla ka nalang mag-aaya ng kasal. Ni hindi mo nga ako niligawan man lang at hindi tayo naging magkasintahan" sabi ko sa kaniya at inagaw ang ipad na hawak niya.

"Ang dami mo namang reklamo. Buti nga papakasalan pa kita" tumawa siya.

"Sinabi ko bang gawin mo ha?" ganti ko.

"Hindi pa kayo mag-asawa niyan ha?" napatingin naman kami ni vince ng biglang pumasok ang parents ni vince.

Agad ko silang sinalubong ng yakap. Pinaupo ko na rin sila at nagbabili ng makakain sa secretary ko.

"Kailan niyo ba balak magpakasal?" tanong ni tito.

"Bukas sana" mabilis na sagot ni vince. Muntik ko ng mabato sa kaniya ang hawak kong ipad dahil sa sagot niya.

"Anong bukas?" Ni wala pa nga kaming plano kung saan at paano gaganapin.

"May alam akong sikat na designer. Sa kaniya nalang tayo magpagawa ng gown mo, anak" excited na sabi ni tita. Pumayag naman ako since wala naman akong kakilala na magaling mag design.

"Kamusta kayo ni Liah?" tanong ko sakaniya ng makaalis sina tito.

"Okay na siya. Natanggap niya na. At sinabi niyang aalis muna siya para makapag move on" sagot niya. Tumango lang ako at nagligpit na ng gamit.

"Ang panget. Hindi bagay sayo"

Pangatlong palit ko na ito ng gown at hanggang ngayon ay hindi pa rin gusto nina lyra.

"Matatapos pa ba tayo ha?" inis kong sabi at naglakad papasok sa shop para tumingin uli ng bago. Katapos kong magpalit ay lumabas ako.

"Anong gusto mo? Magmukha kang panget sa kasal mo? Bahala ka hihiwalayan ka niya" sagot naman ni lyra pero hindi nakatingin sa akin. Busy siya sa kakacellphone niya. "Oh ayan. Ang ganda!" muli niyang sabi nang tumingin ito sa akin.

Simpleng tube gown siya. Medyo kita ang cleavage ko. Marami siyang kumikinang sa buong damit.

"See? Shinning, Shimmering, Splendid!" masayang sabi ni ynna saka nagpalakpakan ang

Hide and Seek (COMPLETED)Where stories live. Discover now