Kabanata 17

11 1 0
                                    

"Bagay ba?" tanong ko kay Vince nang matapos akong mag-ayos. Ngayon na kase ang kasal ni mama. Ayoko sanang pumunta kaso pinilit ako ni Vince.

"Pwede na." sagot niya. Inirapan ko nalang sa sagot niya. Nakakainis niya. Kahit ngayon man lang sana ay tinawag niya akong maganda.

"Tara na nga. Hanggang kailan ay wala kang kwenta" sabi ko at naunang naglakad palabas ng bahay ko.

"Wow! Noong wala kang bahay, masakyan at malapitan ako ang kasama mo. Porke bigtime ka na ay tatawagin mo akong walang kwenta?" reklamo niya habang naglalakad papuntang kotse ko.

"Ayan. Sumbatero" sabi ko sa kaniya ng makasakay kami.

"Walang utang na loob" ganti niya. Inirapan ko nalang siya at naghintay makapunta sa bahay nina sha dahil susunduin namin ang tatlo.

"Wow! Bagay sayo, Nice. Ang ganda mo today" sabi ni Lyra ng makapasok sila ng kotse.

"Today lang" sabi ni vince saka tumawa ng malakas.

"Epal mo no?" gusto ko siyang sabunutan ngayon. Nagpipigil lang ako.

"Wow! May driver na si Bigtime." sabi ni ynna at tumingin kay manong.

"Dati ako ang driver niyan, hindi ko lang alam bakit hanggang ngayon ay wala akong sweldo" singit naman ni vince. Epal talaga kahit kailan.

"LQ uli kayo?" tanong ni sha

"Kailan ba nagbati ang dalawang yan? Laging nag-aaway parang mag-asawang hindi nagkakaanak" sabi naman ni lyra. Ahys, ang iingay nila.

"Ang daldal niyo. Naiingayan sa inyo si manong"  sabi ko at tumingin kay manong. Nag peace sign lang si ynna at nanahimik na. Hindi na rin nagsalita ang tatlo hanggang sa makarating kami sa simbahan.

"You may now kiss the Bride" sabi ng pari at nagsigawan naman ang mga tao ng matapos halikan ni Tito Robert si Mama.

"Ang gwapo naman pala ng asawa ng mama mo, sis" bulong ni Lyra.

"Ano? Type mo na? Hindi ko alam ay nagkakagusto ka na rin sa matanda" sabi ko sa kaniya. Sinamaan naman niya ako ng tingin at hindi na nagsalita.

"Sino yung maid of honor?" tanong ni sha

"Anak ni Tito Robert" sagot ko.

"Akalain mo, sa kasal pa ng mama mo doon mo pa makikita si Zeus? Gwapo talaga no" sambit ni Lyra

"Iniisip ko nga kung kaano-ano niya si Tito Robert" sabi ko. Imposibleng anak niya iyon. Hindi naman sila magkapreho ng apilido. Ays.

"Hi Girls" napatingin kaming apat sa nagsalita.

"Hi Zeus. Long Time no see. Kumusta?" agad na sabi ni Ynna.

"I am okay. Hi Eunice. Hindi ko alam mama mo pala ang mapapangasawa ni Tito Robert." sabi nito.

"Ako rin e." sabi ko na lang.

"Kaano ano mo ba si Tito Robert?" tanong ni sha.

"Tito ko siya. Kapatid ni mama si Tito. Sa kaniya ako ngayon nakatira. Si Mommy and Daddy kase ay patay na. Wala naman akong ibang mapupuntahan dahil siya lang ang kapatid ni mama." kwento niya. Agad namang nagpasorry si sha sa narinig niya. Hindi namin alam na wala na pala siyang magulang.

"Iyan lang ang kakainin mo?" tanong ni vince ng matapos akong kumuha ng pagkain. Tumango ako at dumeretso sa upuan ko katabi ni Sha. Kumuha naman ng isa pang upuan si Vince at tumabi sa akin.

"Kaya ang payat payat mo e. nabubusog ka diyan?" tanong niya uli. Tumango uli ako at nagsimula ng kumain.

"Mauna na kayo sa kotse. Pinapatawag lang ako ni mama" sabi ko kina sha ng matapos ang seremonya.

"Samahan na kita" prisinta ni Vince. Agad naman akong tumanggi at sinabing samahan niya nalang sina Sha. Tumango nalang ito at naglakad na ako papasok ng hotel.

"Kailan ka uuwi ng bahay anak?" tanong ni mama sa akin. Nandito rin pala si Liah at Zeus.

"Hindi ko alam ma. Marami akong trabaho at okay naman ako sa bahay ni papa" sagot ko. Tinext ko na rin si Vince sandali nalang at aalis na ako rito.

"hindi ka nlulungkot roon anak?" tanong ni tito Robert

"Hindi tito. Ma, kailangan ko ng umalis, naghihintay na sina Ynna sa akin" paalam ko.

"Hatid na kita" sabi naman ni zeus. Tatanggi pa sana ako kaso nagsalita si mama.

"Magpahatid ka na at medyo madilim na." tumango nalang ako at naglakad na papalabas.

"Ah, Eunice, about pala sa nangyari. I am really sorry, hindi ko naman sinasadya na masaktan ka" sabi ni zeus.

"Okay lang. I understand."

"Sana bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon" gulat akong napatingin sa kaniya.

"Huh?!"

"Can I court you? Again?" tanong niya mas lalo kong ikinagulat.

"Hindi" bigla namang sumulpot si Vince sa tabi ko. "Hindi siya pwedeng ligawan." dagdag pa nito.

"At sino ka naman para sabihin yan?' bakas sa tono ng pananalita ni Zeus ang galit. Hindi ko alam ang sasambihin ko. Hindi rin nagsalita si Vince kaya naman hinila na niya ako paalis roon.

"Kaya pala ang tagal. Nagliligawan pa kayo" sambit niya saka pumasok ng kotse.

"Sinong nagliligawan?" usisa naman ni ynna. Narinig niya pala ang sinabi ni vince. Umupo ako sa tabi ni sha at nagsimula ng magmaneho si manong.

"Si Zeus at Eunice" sagot ni vince. "Cain I court you, again?" panggagaya niya.

"Ay we? Akala ko ba may kailangan lang siya sayo kaya ka niligawan non?" tanong ni sha

"Imposible naman yon sha, edi sana kung kailangan talaga siya ode hanggang ngayon ay nangungulit pa rin siya" komento naman ni Lyra. May tama naman ang sinabi niya.

"Kamag-anak nya si Tito Robert. Sa tingin mo walang kinalaman yon?" sabi ni Vince napatingin kaming lahat sa kaniya. Si manong naman ay walang pakialam. "Iba ang kutob ko sa asawa ng mama mo." dagdag pa niya.

"Basta ang narinig kong sabi niya sa babaeng kasama niya noon ay 'I need her'. Anong kailangan niya sa akin?" sabi ko. At nag-iisip ng dahilan bakit kailangan ako ng lalaking iyon.

"Pera?" tanong ni sha.

"Nah. Wala pa akong pera noon pero dumidikit na siya. I think may mas malalim pang dahilan." sabi ko.

"Baka nag-ooverthink lang kayo. Baka mali lang ang iniisip niyo. Hay, idlip muna ako. Inaantok ako." isinandal na ni Lyra ang ulo niya sa balikat ni Vince.

Medyo na hurt ako.

"Bat namumula ka? Selos ka?" bulong ni sha sa akin. Agad naman akong umiling at nagkunwaring inaantok at isinandal ang ulo ko sa balikat niya.

Hide and Seek (COMPLETED)Where stories live. Discover now