Kabanata 26

13 0 0
                                    

"Walang chance?* tanong ni ynna. Nandito kami ngayon sa resto nila. Sinundo nga ako lyra para hindi na ako makatanggi. Kinwento ko na rin sa kanila ang nangyare kahapon sa mall.

"Hindi ko alam. Pero mabait naman si Niko. Kaso wala talaga akong gusto sa kaniya" sagot ko naman. Dumating na rin ang pagkain namin. Filipino foods ang nasa resto nila dahil may gamay raw nila ang mga filipino foods.

"Eh syempre si papa vince ang bet mo. Kaloka ka" stress na sabi ni lyra.

"Hindi naman natin mapipigilan si Eunice kung si Vince nga ang gusto" pagtatanggol ni Sha sa akin.

"Very true sis pero kahit mga 1% lang wala talagang chance si papa niko?" tanong uli ni ynna sabay kain.

"Siguro mga 20%? Hindi ko alam. Kahit saang bandan ko tignan ay si Vince talaga." Malungkot na sa sabi ko

Namimiss ko na si Vince. Vince na makulit. Madaldal. Maalaga kahit minsan ay sumbatero.

"Meron naman siguro pero mas matimbang pa rin---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng makita sa harapan ko si vince. Dali dali namang umalis ang tatlo kaya naiwan kami ni Vince rito. Umupo siya tapat ko at tinignan ako ng deretso.

"Bakit ka nandito?" tanong ko habang nakatingin sa juice ko.

"Mag-usap tayo please" mahinaang sabi nito. Hindi ko siya pinansin. Tumayo ako at lumabas ng resto. Ang akala ko ay hindi siya sumunod pero hindi. Sinundan niya ako hanggang makarating kami sa kotse ni lyra.

"Kausapin mo naman ako." pagmamakaawa niya.

"Para ano? Ipamukha sa akin na mahal na mahal niyo ang isat-isa? Ano bang gusto mong marinig ha? Congrats? Masaya ako para sa inyo? Ganoon ba ha? Kung iyan ang hinihintay mong sasabihin ko, Edi Congratulations! Masaya ako para sa inyo! Sa sobrang saya ko magpapaparty ako!" sigaw ko sa kaniya.

"Sorry kase hindi ko sinabi sayo" malumanay niyang sabi.

"Sorry mo mukha mo!" aalis na sana ko pero niyakap niya ako galing likuran. Narinig ko pa ang hikbi niya. Umiiyak siya?

"I missed you so much. Sobrang lungkot ko nang mawala ka sa akin. Patawad kase hindi ko sinabi sayo. Hindi ko sinabi sayo ang totoo" sabi nito at hindi pa rin bumibitaw. "Tinakot ako ni Tito Robert na gagalawin ka niya. Na papatayin ka niya kapag hindi ako bumalik sa anak niya. Sa sobrang takot ko na baka saktan ka niya ay sinunod ko nalang. Walang alam si liah roon. Hindi niya alam na kaya ko siya binalikan ay dahil natatakot ako sa pwedeng gawin ni tito sayo"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. All this time, mali ang iniisip ko? Ginawa niya iyon para hindi ako mapahamak.

"Kahapon ko lang sinabi kay liah ang totoo. Noong kauwi namin galing sa mall. Umiyak siya sa harapan ko dahil nakikita raw niya na ikaw na ang mahal ko at hindi siya. Nagtapat ako dahil hindi ko na kaya pang magsinungaling sa kaniya. At mas nasasaktan ako para sa atin" pagpapatuloy niya. Bumitaw siya sa pagkakayap sa akin pero nanatili akong nakatalikod.

"I'm sorry. Hindi ko alam iyon" lang ang nasabi ko sa lahat ng sinabi ni vince. Hindi pa rin maprocess sa utak ang lahat ng sinabi niya.

Wala talagang puso si tito robert. Pati si vince ay dinadamay niya. Mas masahol pa siya sa demonyo.

"It's okay. Wala kang kasalanan. Ako ang may kasalanan ng lahat dahil hindi ko sinabi sayo ang totoo. Pero masaya ako para sa inyo ni niko" agad naman akong humarap sa kaniya.

"No! Hindi kami!" agad na sabi ko. "Ginawa niya lang iyon para makatakas ako sa tingin ni liah." pagpapaliwanag ko. Tumango lang ito at umalis na.

Naiwan naman akong tulala habang pinagmamasdan siyang naglalakad palayo sa akin.

"Eunice!" nabalik lang ako sa reyalidad ng may tumawag sa akin. Agad na tumakbo sina sha papunta sa akin.

"Anong nangyare?" alalang tanong nila. Hindi ako umimik.

"shit! Please dont cry. Ano bang nangyare? Anong ginawa niya sayo? Sinaktan ka ba niya? Physically, emotionally?" tarantang sabi ni sha. Niyakap ko nalang sila dahil hindi ko rin alam ang gagawin ko.

"Drink this" abot ni lyra sa akin ng tubig. Pumasok kami sa office ng dalawa at doon ako nagkwento. Hindi rin sila makapaniwala sa lahat ng nangyare. Kahit ako ay hindi makapaniwala na ginawa pa iyon ni tito robert.

"Ang sama sama talaga ng ugali ng robert na iyon!" inis na sabi ni ynna. "Pero kawawa si liah no? Bukod sa nasaktan na siya kay vince eh ganoon pa ugali ng tatay niya. Walang kasing sama" dagdag pa niya.

"Kasalanan ng tatay niya kung bakit siya nasasaktan ngayon sabi" naman ni sha.

"Tahan na sis. At least sayo pa rin si vince. Akala ko talaga ay wala ng pakialam sayo si vince." pinunasan ni lyra ang luha ko.

Lagi silang ganito sa tuwing may problema ako. Kahit naman ako ay kapag may problema ang isa sa amin ay resbak agad kami.

"Malalagpasan mo rin lahat ng iyan. Always pray lang. Kasama mo si God sa lahat" wika ni sha.

"Thankyou. Sobrang happy ko kase kayo ang kaibigan ko." maluha luha kong sabi.

"Sinabi naman namin diba? Walang maiiwan! Sama sama tayo sa laban!" masiglang sabi ni ynna.

"True sis. Kaya tama na ang drama! Ang importante naman ngayon ay nakakulong na si tito robert wala ng mananakit sayo" wika ni sha.

Katapos ng usapan na iyon ay naggroup hug kami at sabay sabay na tumawa.

Hide and Seek (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon