Kabanata 7

17 3 0
                                    

"Sira ka ba ha? Ano na namang katangahan yang inisip mo?" Sigaw ko kay Vince ng marinig na naman ang shift na gusto niya.

Nandito kami ngayon sa National Book Store at naghahanap ng libro na kakailangan ko para sa pagtuturo ko.

"Feeling ko mag-eenjoy ako sa pagiging guro, biruin mo, kwento kwento lang. Hanep pala kurso mo Eunice!" Parang tanga talaga to!

Anong hanep rito? Nakakabaliw nga e! Bakit ba kase ito ang kinuha ko?

"Eto oh! Panigurado ituturo mo ito sa mga magiging estudyante mo!" Iniabot niya sa akin ang isang Wattpad Book. Seryoso? Ibinato ko sa kaniya ang libro at iniwan siya roon.

Ahh! Bakit ko ba siya sinama! Walang naitutulong ang kumag na yon!

Sa paglilibot ko ay napadpad ako sa mga ballpen.

My addiction.

Imbes na libro tuloy ang atupagin ko ay ito ang ginawa ko. Mahilig ako sa mga ballpen. Lalo na pangcalligraphy.

Naghanap pa ako ng ibat ibang kulay ng pen at bilhin iyon.

Sa paglinga linga ko ay may nabangga pa akong tao.

Lalaki siya.

Noong una ay akala ko si Vince kaso nagkamali ako. Muntik ko pang sigawan at murahin aa sobrang sakit ng pagkakabangga ko.

"Sorry. Hindi ko sinasadya, miss" yumuko pa ito. At tumingin uli sa mga colored pen na gusto ko ring bilhin. Kaso 'wag na. Nahiya na ako.

"Ayus lang. Kasalanan ko naman. Hehe" umalis nalang ako roon at hinanap si vince. Linga linga pa ako sa bawat sulok nitong nbs pero ni anino ay hindi ko makita.

Anak ng tupa! Naasan yung lalakeng yon!

Napatingin ako sa bandang left side ko ng marinig ko ang boses niya.

"Number please" nakakalokang sabi niya. Bakas sa boses niya na inaakit niya ito.

Nakong malandi ka. Humanda ka sakin.

"Babe" tawag ko rito. Parehas na nanlaki ang mata nila.

"Sinungaling! May girlfriend ka na pala pero nilalandi mo pa rin ako!" Umirap ito at tinulak si vince sabay walk out. Pigil na pigil ako sa tawa ko.

Iyung mukha ni vince ay nakakatawa dahil sa pagkapahiya.

"Panira ka talaga Eunice! Chance ko na iyon e! Bibigay na e, umepal ka lang. Aysh!" Ginulo niya ang buhok niya sa sobrang pagka-inis.

Natatawa pa rin ako. Kaya ko ginawa iyon dahil naaawa ako sa babae. Alam ko naman na goghost niya rin yon kapag nagsawa siya.

"Naawa lang ako sa babae no! Alam ko naman na trip trip mo lang yon!" Inirapan ko rin siya. Wala syang puso! Pinaglalaruan niya ang mga babae!

"Sus, akala mo di ko nakita yung kanina? Tumalikod lang ako sagli tapos ka harap ko may iba ka ng kasama?" Parang bata naman to. "Oh ano? Kinikilig ka nga e. Porke gwapo? Sus. Mas gwapo ako roon no!"

"Daldal mo. Ke lalaking tao makatak! Bagay nga sayo mag teacher! Ays, Vince! Tara na nga. Nagugutom ako!" Hinatak ko na siya palabas.

Wala man lang ako nabili ni isa! Sa susunod di ko na sasama to! Wala lang ako sasakyan e!

Sa paglalakad namin ay tumunog ang cellphone ko. Nagtext si mama.

Mama:
Tapos na finals niyo, kailan ka uuwi? Kung hindi ka busy ngayon, dito ka na kumain

"Patingin!" Inagaw ni vince ang cellphone ko at binasa ang text ni mama. Chismoso.

"Tara! Makakatipid ako neto!---

"Ayaw ko"

"Bakit ba? Mama mo yon e! Tara na. Dami mong arte! Dimo ba namiss yung bahay niyo? Balita ko ay napaayos na yon ni tita ha?"

"Oo. Sa tulong ng mga boyfriends niya" nakakainis naman. Naiisip ko palang na may ipapakilala na naman siyang bagong nobyo ay nababadtrip na ako.

Wala naman akong nagawa kundi pumayag nalang na roon kami kumain. Hindi naman papatalo si vince lalo na kung gusto niya talaga.

Tahimik lang kami sa loob ng kotse hanggang sa makarating kami sa bahay.

Gate palang ay ang dami na ng nagbago. May nakalagay roon na Maria Elicia sa mismong gate. Maliit lang pero readable.

Pagpasok namin ay may garden roon at nakatanim ang mga paboritong mga bulaklak ni mama. Mas gumanda rin ang labas ng bahay kumpara sa dati.

Pagpasok namin ay sinalubong kami ng isang katulong. Dati wala naman ganito.

Kinuha niya ang bag na dala ko. Pinaupo niya kami sa malambot na sofa. Inilibot ko pa ang paningin ko sa buong bahay. Maganda na siya ngayon.

May malaking frame sa right side na mukha ni mama. Sa left side naman ay may mga naka frame na pictures. Meron rin pala ako don. Hinanap ng mata ko kung meron si papa roon, kaso wala.

Natigil ako sa paglilibot ng dumating si mama. May dala siyang pagkain at bago ito lumapit sa akin ay iniabot niya ito sa katulong.

"Eunice anak! Namiss kita! Masyado ka kaseng busy kaya hindi tayo nagkikita. Kumusta ka na? Oh, kasama mo pala si Vince! Hi Vince!"

"Hi tita! Nakakapanibago rito!" Umirap nalang sa sobrang inis. Sus. Alam ko naman kung bakit biglang naging maganda ang buhay namin.

"Halina kayo, kumain na tayo. Marami akong nilutong pagkain!" Inayos na ng katulong ang lamesa at umupo na roon.

Maganda na rin ang kusina. Natupad ang pangarap ni mama na makumpleto ang gamit kusina niya.

"Iyan lang ang kinakain mo? Kaya ang payat payat mo" reklamo ni mama ng makita ang pagkain ko.

"Ay opo tita! Pinapagalitan ko rin yan dahil hindi na ata kumakain!" Singit naman ni vince.

Ode sigi magkampihan kayo. Hindi nalang ako sumagot.

Ng matapos kaming kumain ay umakyat ako para pumuntang kwarto. Gusto kong magpahinga.

Hindi nagbago ang pwesto ng mga kwarto at alam ko kung saan ang akin. Bubuksan ko na sana iyon ngunit bigla itong bumukas at may babaeng lumabas. Sa tingin ko ay kaedadaran ko lang ito.

Tinignan niya ako mula pababa hanggang pataas na nakataas ang kilay.

"Sino ka?" Tanong niya. Wow. Ako dapat ang magtatanong nito diba? Bahay namin to.

"Ako dapat ang magtatanong niyan, sino ka?" Tanong ko at ginantihan ng tingin. Kung makatingin itong babaeng ito ay para akong papatayin.

"Ah Eunice, siya si Liah, anak ng bago kong nobyo" nagulat ako ng marinig ko ang boses ni mama sa likuran ko. Napatingin ako roon at nandoon rin lala si Vince. Napansin ko rin ang gulat ni Vince ng makita ang mukha ni Liah. Kilala niya?

"Kwarto ko to diba?" Turo ko sa kwarto at tinignan si mama

"Dyan kase muna sila titira, kaya pinagamit ko muna ang kwarto mo kase wala namang gumagamit. Meron pa namang isang kwarto roon. Doon muna kayo ni vince. May dalawang kama--"
Hindi ko na pinatapos si mama magsalita at umalis na roon. Nasa likuran ko na pala si vince. Ng makapasok roon ay nakaayos na ang lahat.

"See? Kaya ayaw ko pumunta rito e!" Hindi nako nakapagpigil dahil sa sobrang inis. Napahiya ako don! Sa harap mismo pa ng babaeng impakta na yon!

"I'm sorry, hindi ko alam." Yumuko si vince dahil sa hiya.

"Okay lang. Kay mama ako naiinis at sa Liah na iyon! Nakakainis si mama, balak pa atang maging anak iyon! At teka nga, kaninan napansin ko ang gulat sa mukha mo ng nakita mo si Liah, kilala mo?" Napakamot siya sa ulo ng itinanong ko iyon.

"Nakalandian ko"

"Iyon? Yung impaktang walang modong yon? Talaga vince? Iyon talaga?" Ayss. Nakakainis.

"Matulog ka nga muna! Pati ako ay naiinis na rin! Matulog kang babae ka!" Itinulak niya ako sa kama at binato ng unan.

Matutulog na lang nga ako.

Hide and Seek (COMPLETED)Where stories live. Discover now