Kabanata 5

16 3 0
                                    

"Tahan na kase! Parang timang naman to! Kanina pa ka umiiyak oh! Tignan mo mukha mo, ang pangit pangit mo na! Yang mata mugtong mugto na kakaiyak" kanina pa pinupunasan ni Vince ang mga luha ko.

Hindi ko pa nasisimulan ang kwento ko ay umiyak na ko.

Para akong tanga rito.

Nandito kami sa likod ng building. Sa ilalim ng puno. Kung saan kami nagsimula ni Zeus.

"Tahan na kase. Ano ba kaseng nangyare?" Tanong niya at sinimulan uli ang pagpunas ng mga luha ko

Huminga ako ng malalim at nagsimula ng magkwento.

"Pangtrip lang ako. Hindi sineseryoso"

"Hindi totoo yan okay? Hindi siya deserving. Hindi siya nababagay sayo okay?" Pinunasan niya uli ang pisngi ko "Pangseryosohan ka. Hindi trip trip lang. Nandito ako. Seryosong nagmamahal sayo"

Mas lalo akong naiyak sa sinabi niya. Namiss ko to. Kapag may nang-aaway sa akin dati, siya ang super hero ko.

Na kahit minsan na kaming nagkalayo, bumalik pa rin siya sa akin.

"Tahan na. Hayaan mo yung gagong yon. Hindi siya karapat dapat sayo. Maraming nagmamahal sayo ng seryoso, okay? Tahan na." Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.

Mahal na mahal ko talaga ang gagong to.

"Midterms na bukas, nagreview kana?" Tanong niya habang inaayos ang kaniyang damit na medyo gusot.

"Yeah, isang major subject nalang"

"Anong oras matatapos? Sunduin na kita. Gala tayo para naman mag-enjoy ka at makalimutan mo ang gagong yon" 

Sobrang swerte ko talaga sa lalaking ito.

Bakit kaya walang girlfriend to?

"3:00 tapos na."

"Okay."

Hinatid na niya ako pauwi para makapag review ako ng matagal at maisaulo ang lahat ng mga importante.

"Pass your papers. Finish or not finish" agad na nagmadali ng sabihin iyon ng aming prof. Sigurado naman ako sa mga sagot ko dahil kinabisado ko ang mga keywords na sinabi ng prof namin.

Halos tumakbo na ako palabas ng gate para lang makalabas agad.

Paglabas ko palang ng gate ay natanaw ko na agad si Vince.

Ang gwapo ng gago.

Nakashort lang siya na black at white tshirt.

Ang simple pero lakas ng dating. Ang linis niya tignan.

"Ops. May naiinlove" nakalapit na pala ako sakaniya na hindi ko man namalayan dahil sa kakapuri ko sa kagwapuhan niya.

"Ops. May mayabang" inirapan ko nalang siya at pumasok sa kotse niya.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko ng matapos kong ilagay ang seat belt ko.

"Secret"

"Di pa kaya sabihin ay"

"Samal naman to. Akala mo naman di malalaman"

"Makasamal ka ha!"

"Makasamal ka ha!" Panggagaya niya

"Epal" Hindi na siya sumagot non. Nanatili nalang siyang nakatingin sa daan.

Nanahimik na rin ako dahil wala naman kaming matinong pag-uusap ng loko na 'to.

Tumingin nalang ako sa labas habang nagbabyahe kami.

"Hoy panget! Gising! Tulo laway ka pa ha!" Pinagsasampal ako ni vince kaya nagising ako.

Sinamaan ko siya ng tingin ng malaman na wala namang tumutulong laway.

Imbento.

"Makasampal ka! Ikaw sampalin ko!" Lumabas na kami ng sasakyan at namangha nalang sa paligid.

"Ganda naman dito! Paano mo nalaman to? Ahhh! Dito ka nakikipagdate ano? Ilang babae na nadala mo dito? Walang istorbo kung dito kayo magdedate no?"

"Kung magdedate man kami, hindi dito. Sa mamahaling restaurant. Syempre espesyal siya sakin kaya hindi ko siya dadalhin dito"

"Ah ganon? Hindi ako espesyal ganon? Bahala ka nga dyan!" Naglakad na ako at sinalubong ako ng malaking gate na may nakaukit na Cong Jose Dam.

Agad akong pumunta sa taas upang tignan ang umaagos na tubig.

Ang lakas ng hangin rito. Lakas maka good vibes.

Ang dami ring isda na tumatalon talon.

"Dahan dahan baka mahulog ka riyan"

"Wag mo ko kausapin"

May nakita akong hagdan pababa sa mismong tubig. Tumakbo ako papunta roon.

Gusto kong pagmasdan ng malapitan ang mga isdang nagtatalon.

"Hoy! Saan ka-- anak ng patola!"

Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa ibaba. May mga bata rin palang naliligo rito.

Malinaw ang tubig pero may iilan lang na lumulutang na plastik.

Malawak rin ito kaya marami ring nagbibilad ng palay.

May mini stage roon at sa tingin ko ay nagkakaroon ng kasiyahan dito.

Sa harap nito ay matatanaw mo ang bundok. Ang gandang pagmasdan.

"Gumagabi na. Kailangan na nating umuwi"

"Sandali nalang--- wow! Ang ganda! Mas maganda pala rito kapag gabi! Ang daming ilaw!"

Nagsindihan na ang mga ilaw sa bawat poste ng dam at mas lalong kuminang ang tubig dito. Yung kaninang mini stage ay lumiwanag rin dahil sa mga ilaw na nakapalibot dito.

"Bumalik tayo rito ha!" Pakiusap ko kay vince ng makasakay kami ng kotse

"Sigeee! Basta ba, ikaw bahala sa gas ko! Ang layo layo nito ha! Ilang oras rin ang byahe natin! Kaya dapat lang na ikaw ang magbayad ng gas ko---"

"Ang dami mong sinasabi! Wag nalang! Gagastos pa ako"

"Arte arte mo! Edi wag!"

"Hindi talaga!"

"Para kang bata hahahah"

Hindi ko siya pinansin. Bahala siya dyan. Dinala dala ako rito tapos ngayon, magrereklamo na ang layo layo at sayang ang gas?

Kung ayaw niya edi wag!

Bago pa kami makalayo ay pinagmasdan ko ang buong lugar.

Ang ganda rito. Kung may sasakyan lang ako ay pupunta ako rito lagi.

Kaso wala.

"Kailan mo balak bumalik, babae ha?"

"Sus. Di mo rin pala ako matiis e!"

"Tss. Naawa lang ako sa itsura mo. Tignan mo oh? Kung makatingin ka at makasimangot para kang inagawan ng candy! Teka, kailan uwi mo sa inyo? Sabay tayo ha! Libre ride."

"Ay wag na vince! Baka singilin mo pa ako sa gas! Saka ayoko, baka may ipapakilala na naman si mama ng bago niyang boyfriend. Nakakasawa"

Hindi na lang ako sinagot at nagsimula na siyang magmaneho pauwi.

Hide and Seek (COMPLETED)Where stories live. Discover now