Kabanata 15

16 0 0
                                    

"Need help, Ms. Ramos?" bungad ni Niko ng makapasok siya ng opisina ko. Namomoblema kase sa mga papeles na narito sa harapan ko at kailangan kong basahin isa isa at pirmahan.

"Eunice nalang. Masyadong pormal ang Ms. Ramos" sagot ko pero hindi tumingin sa kaniya.

A"bout pala sa Farm,"

"Oh Shit! Please wala na bang idadagdag ang 6 months?" tumingin ako sa kaniya. Parang gusto kong magmakaawa sa kaniya ngayon para dagdagan ang palugid. Hindi ko kakayanin ang 6 months lang dahil marami rin akong trabaho.

"Yeah, iyon nga ang sasabihin ko. Nakiusap ako kay dad na gawin na niyang 1 year. Pumayag siya"

"Thankyou!" salamat naman at napagbigyan ako. Hindi ko yata kakayanin iyung 6 na buwan lang.

"Anyway, update ko lang ang farm, mabuti naman ang lagay nito. Nangako kase ako sa papa mo na hindi ko iyon papabayan. Mahal ng papa mo ang farm niya." sabi nito. Pinaupo ko na rin siya since kanina pa pala siya nakatayo hindi ko man lang napansin dahil napakarami kong trabaho.

"Yeah. Matagal ng pangarap ni papa ang magkaroon ng farm. Mabuti nalang ay natupad niya ang pangarap niya bago siya nawala" sabi ko.

"Here, bumili ako ng coffee and donuts. Baka hindi ka pa kumakain ng breakfast. Its already 9:00 am na." iniabot niya sa akin ang dala niyang pagkain. Kinuha ko naman iyon at nagpasalamat.

"So Education ang natapos mo? Pero bakit ayaw mong magturo?" tanong niya at muling kinagat ang donut.

"Hindi ko lang feel. Ikaw ba?" tanong ko saka uminom ng kape.

"Accountancy. Wala akong maisip na course." Kaya iyan nalang wow ha. Ganoon lang? Nagpatuloy pa ang kwentuhan namin sa kung ano ano.

Bigla namang nag pop-up ang phone ko at nagtext si mama.

Mama:

Natanggap mo na ang invitation?

Kabasa ko palang ay pumasok na ang sekretarya ko para ibigay ang invitation na sinasabi ni mama.

Robert & Maria Alice

Maid of Honor

Liah Nicole Alanis

Best Man

Zeus Lim

Maid of honor huh? Pero mas nagulat ako sa Best Man.

Zeus? Anong koneksyon ni Tito Robert kay Zeus?

"Sinong Ikakasal?" tnong ni Niko. Ibinigay ko naman sa kaniya ang hawak kong invitation.

"Mama ko" simpleng sagot ko.

"Bakit hindi ikaw ang Maid of Honor?" tanong niya. Hindi ko rin alam e.

"Hindi ko alam. Saka okay na yon. Wala rin akong balak mag attend." tumayo ako at pumuntang sofa para roon umupo. Nakita ko namang tumayo rin si niko at umupo sa kabilang sofa.

"Bakit? Hindi kayo okay ng mama mo?" ayokong ikwento sa kaniya ang lahat. Tinatamad akong magkwento.

"oo." sagot ko lang.

"By the way, ayaw mong baguhin ang opisina mo?" tanong niya at inikot ang paningin sa buo kong opisina.

"Hindi na. Tutal si papa naman ang may ari nito at saka feel ko kase narito lang siya." black and white ang kulay ng opisina at maraming display na trophy galing sa mga parangal na nakuha niya.

"Ikaw ito?" turo niya ng makita ang isang frame roon. Noong bata ako kasama ko si papa. Mayroon pala neto, hindi ko man lang napansin.

"Oo. Cute kono?" biro ko. Tumawa naman siya.

Ang cute niya.

Nawawala ang mata kapag tumatawa. Masayahing singkit.

"Oo nalang. Super close kayo?" tanong niya uli. Tumango lang ako.

Magsasalita pa sana siya pero biglang nagring ang phone niya.

"I need to go. Baka may emergency sa office" tumango ako at nagpasalamat.

Pagbukas ng pintuan ay nakita kong naroon rin si Vince kasama si Miggy. Nag excuse naman si Niko at umalis.

"Sino yon?" tanong ni vince habang papalapit sa akin.

"Siya yong kinukwento ko. Yung sa Farm" sabi ko.

"Ahh. Iyung sinabihan mo ng gwapo, cute, matangkad, maputi at kung ano ano pang papuri" sambit niya.

"Oo"sagot ko.

"Kinilig ka naman? Masaya ka naman ah? Ahh iyon naman pala may pa coffee at donuts." sabi pa niya ng mapansin ang dala ni Niko sa mesa ko.

"Oh anong masama roon?" tanong ko saka pumuntang mesa para itapon ang mga kalat.

"Selos siya" sabi naman ni Miggy. Nakita pang siniko siya ni Vince sa tagiliran. "Selos siya" ulit pa ni Miggy.

"Sira ulo" tugon naman ni Vince. "Anong ginawa niya rito?" tanong niya.

"Guess what? Hindi na 6 months, ginawa na nilang 1 year para mapaghandaan ko pa lalo kung paano ko mababayaran ang Farm!" excited kong sabi.

"Good." tipid niyang sabi. Hindi man lang niya ako tinitignan at nakatuon lang sa magazines ang pansin niya. "Sexy oh. Tignan mo Migs" ipinakita ni Vince kay Miggy ang hawak niyang magazine. Tumango lang si Miggy sa ipinakita ni Vince.

"Wala kayong trabaho?" tanong ko sa kanila. Magkasama kase sila sa trabaho. Parehong Engineer.

"Eto pa, tignan mo ang kinis diba?" inilapit uli ni Vince ang hawak kay Miggy. Hindi man lang sinagot ang tanong ko. Katapos tignan ni Miggy ang magazine at humarap sa akin. Sasagot na sana siya pero may ipinakita uli si Vince.

Nambubwisit ata tong lalaking to.

"Hindi kayo busy today?" tanong ko uli. Sa halip na sagutin ako ay naghanap na naman sila ng sexy-ing babae sa magazines. Sa inis ko ay inagaw ko ang magazines sa kanila. Gulat namang tumingin sa akin.

"Hindi niyo ako sasagutin ha? Ano, nag-eenjoy kayo sa mga sexy na to? Lalo ka na!" turo ko kay vince at tumayo papuntang mesa ko.

"Oh, anong masama roon? Lalaki kami. Ikaw, bakit hindi mo titigan iyong Niko mo?" ganti ni Vince

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Anong problema ng ito?

"Oh ano? Ikaw rin naman ah. Mukhang enjoy na kasama ang niko na iyon. Dinalhan ka lang ng isang basong kape at iilang pirasong donut nainlove kana. Bilhan kita ng isang shop ng Donut at Coffee diyan e." kapatos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya. Natatawang sumunod naman si Miggy.

Napano yon?

Hide and Seek (COMPLETED)Where stories live. Discover now