Kabanata 20

10 1 0
                                    

"Necklace?" tanong ko kay vince ng makita ang regalong ibibigay niya kay Liah. Bukas na kase ang birthday ng babaeng iyon.

"Oo. Ikaw ba anong regalo mo?" tanong niya. Actually ay wala pa akong naiisip.

"Wala" Sagot ko.

"Walang kwentang kapatid." sabi nito at naunang lumabas ng jewerly shop.

"She's not my sister" pagtataray ko. Ayoko kayang maging kapatid ang malditang iyon.

"Edi step-sister"

"Eh bakit galit ka? Ahh alam ko na. Sa kaniya ka ba inlove?" hindi niya ako sinagot. Patuloy lang siya sa paglalakad.

"Engineer Martin!" sigaw ng isang lalaki. Medyo matangkad siya sa akin at sa tingin ko ay kaedaran lang namin siya ni Vince.

"Engineer Santos" sabi naman ni Vince.

"Kumusta? Balita ko ay gumuho raw ang building na ginagawa niyo sa cavite" bakas sa boses ng lalaki na ito ang pang-aasar.

"Yeah. Pero naayos na namin agad iyon. Ikaw, nalaman ko ay tinanggihan ka ng isa mong kliyente. Hindi ka ata nagustahan." ganti ni Vince "Anyway, nagmamadali kami. Bye, Engineer Santos." hinila na ako ni Vince matapos niyang sabihin iyon.

"Maraming may ayaw sa kaniya. Mayabang kase" sabi ni vince. Inaaya ko siya sa dress section. Ito nalang ireregalo ko tutal mahilig naman iyon sa ganitong damit.

Agad kong napansin ang kulay violet na dress. Off shoulder ito at above the knee. Simple lang siya. Plain lang pero ang gandang tignan. Kinuha ko iyon. Kumuha na rin ako ng gift wrapper.

"Bigtime ka na talaga. Hindi ka na tumitingin ng tag price" pang-aasar niya. Hindi ko nalang siya pinansin at pumunta na sa cashier para bayaran na.

"3050.00 pesos po." sabi ng cashier. Nag abot ako ng 4000 at katapos niya akong bigyan ng sukli ay umalis na roon.

"Pakibalot na rin ang akin" sabi ni Vince ng makitang binabalot ko na ang dress na ireregalo ko. Kinuha ko ang necklace na hawak niya. May box na rin naman iyon kaya hindi ako mahihirapan pang magbalot.

"Anong ilalagay ko? From ex-boyfriend mong panget?" pang-aasar ko matapos kong balutin ang regalo niya.

"Hindi. From ex-boyfriend mong engineer" tumawa siya katapos niyang sabihin iyon.

"Buti naman nakarating kayo. Bagay sayo ang suot mo" sabi ni mama katapos kong magmano. Nagmano rin kami kay tito. Nagsuot ako ng light pink cocktail dress with high heels silver. Si vince naman ay kulay gray tuxedo. Para siyang ikakasal sa suot niya. Siya lang ang kasama ko dahil busy raw ang tatlong babae.

Dito lang sa bahay gaganapin ang birthday party niya. Simple lang ang party. Gold ang theme.

"Ano to? 50th Birthday?" natatawang bulong ko kay Vince.

"Behave." sabi nito. Ano ako? Bata. Sus malakas talaga ang kutob ko sa lalaking ito. Kay liah inlove.

"Mr. Vince Martin. Pinapatawag po kayo ni Miss Liah" may lumapit sa aming babae at inaya na si Vince. Babaeng iyon. May pa escort escort pang nalalaman.

"Wait lang ha. Babalik agad ako" sabi ni Vince at hinalikan ako sa noo.

"Ladies and Gentleman, Miss Liah Nicole Alanis."  nagsitayuan ang mga bisita at napalakpakan ng lumabas si Liah kasama si Vince. Nakahawak ito sa braso ni Vince at todo ngiti. Medyo masakit makitang ganoon sila. Umupo na rin ang mga bisita ng makarating sa gitna ang dalawa.

Narinig ko pang nagpathankyou si liah sa mga bisita pero ang iba niyang sinasabi ay hindi ko na pinakinggan. Nakita ko ang isang waiter na may dala dalang wine. Tinawag ko ito at naghingi ng isa. Kaso nabitin ako at naghingi uli. Hanggang sa hindi ko na mabilang kung ilang baso na ba ang naiinom ko.

Napatingin ako kung nasaan si vince at liah. Magkahawak ang kamay nila habang kausap nila ang mga bisita. Nasasaktan ako sa nakikita ko. Hindi ko alam kung bakit. Todo ngiti si liah sa harap ng mga tao.

Napatingin ako sa kamay nilang makahawak at ilang sandali lang ay binitawan iyon ni vince. Akala ko ay hanggang doon nalang kaso nakita kong hinawakan niya ang bewang ni liah.

Naglakad pa sila papunta sa kabilad table para puntahan ang mga batchmates nila. Oo nga pala, same school at same department sila noon. Naririnig ko rin ang tukso ng mga kasama niya.

Nakita ko pang pinanghila ng upuan ni vince si liah. At inilagay ni vince ang kamay sa balikat ni liah para mapalapit sa dalaga.

Ang sakit nilang makita.

"You're drunk" napatingin ako sa nagsalita.

"I am not. Leave me alone please. I don't need you" sabi ko kay zeus kaso sa halip na umalis ito ay umupo ito sa tabi ko.

"Hindi kita pwedeng iwan rito. Lasing ka na." sabi pa nito.

"Uuwi na ako" tumayo ako at naglakad palabas ng bahay.

"Hindi mo kayang magdrive. Ihahatid kita" nasa labas na kami at malapit na ako sa kotse.

*Kaya ko okay?" sabi ko pero hinawakan niya ang kamay ko para pigilan ako. "Pwede ba! Bitawan mo ako!" inis kong inalis ang pagkakahawak niya sa akin kaso makulit siya at hinawakan uli ako.

"Don't touch me!" sigaw ko.

"Lasing ka eunice. Hindi ka pwedeng magmaneho at baka mapano ka" ang kulit!

"I said I am not! Bakit ba ang kulit mo ha? Kaya ko okay? Kaya kong mag-isa!" sigaw ko sa kaniya at pilit ako hinahawakan. "I said don't touch me!" muli kong sigaw pero parang wala siyang naririnig.

"Ayaw niyang pahawak. Anong mahirap intindihin doon?" napatingin kami ni zeus sa nagsalita. Anong ginagawa niya rito?

"Lasing siya. Ihahatid ko siya pauwi" sabi naman ni Zeus. Lumapit pa lalo si Vince sa amin. Nasa bulsa ng pants niya ang dalawa niyang kamay. Kalmado lang siya. Pero seryoso ang tingin.

"Ako ang kasama niyang pumunta. Ako ang kasamang uuwi. Naiintindihan mo?" deretsong sabi ni vince

"Concern lang ako. Mag-isa kase siya kanina" sabi na zeus

"Nandito na ako. Makakaalis kana" walang nagawa si zeus kundi umalis nalang. Nang makalayo si zeus ay ako naman ang tinignan ng deretso. Lumapit ito sa akin.

"Pumasok ka na sa loob" sabi nito pero ako sumunod. "Ano? hindi ka papasok?" tanong nito ng makita akong hindi kumukilos at hindi sinusunod ang utos niya.

"Lasing ka na. Umuwi na tayo" hinawakan niya ako at agad ko namang inalis iyon.

"Huwag mo akong hahawakan" sabi ko at naglakad papasok ng kotse. Sa likuran ako pumunta at humiga roon. Inaantok na ako dahil naparami ang inom ko ng wine.

"Bakit ka naglasing?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Nakatingin lang ako sa itaas. "Kinakausap kita" ulit niya. Tumabi siya sa akin. Ang akala ko ay magmamaneho na siya pauwi kaso tinabihan niya ako.

"Tsk. Bumalik ka na sa loob. Baka hinahanap ka na ng Liah mo" sabi ko at pumikit hanggang sa makatulog na ako.

Hide and Seek (COMPLETED)Where stories live. Discover now