Kabanata 16

10 0 0
                                    

"Super Gwapo? May picture ka ba?" tanong ni ynna habang hawak hawak ang isang burger. Nandito sila ngayon sa office ko at nagdala ng maraming pagkain. Hindi na nila raw ako nakikita at nakakasama kaya sila nalang ang pumunta rito.

"Niko Rivera. Search mo nalang sa fb" sabi ko at kumuha ng fries.

Kinuha ni ynna ang phone niya at nagsearch.

"Ay shet. Gwapo nga. Laglag panty sis" sabi nito at hindi maalis ang tingin sa screen ng phone niya.

"Patingin ako" sabi naman ni lyra. "Ay oo. Kaya naman pala ganoon ang reaksyon ni papa vince." sabi pa nito at ibinalik kay ynna ang phone.

"Sa tingin mo nagselos kaya inaway ako?" tanong ko sa kanila. Simula kase non ay hindi na ako kinakausap ni vince. 3 araw na pero hindi man lang niya ako tinetext. Tinatawagan ko pero hindi naman sinasagot.

"Hindi ka tinetext?" tanong sha.

"Nagtext siya minsan."

Anong sabi?

" 'Kausapin mo ang Niko mo'. Iyon ang sabi niya. Nakakaloka naman siya." naiinis na ako ha. King toyoin ay sobra.

"Selos nga sis. Anyway, kailan ang kasal ng mama mo?" tanong ni lyra.

Napatingin naman ako sa kalendaryo. Martes ngayon at sa Linggo ang kasal.

"Sa linggo na. Sa sobrang excited ni mama ay pinadala na niya ang susuotin ko." sabi ko at tumayo para magligpit ng pinagkainan. Tinulungan naman ako ni sha. Yung dalawa ay walang pakinabang. Kain lang ng kain.

"Ano bang oras? Sunduin mo nalang kami. Tutal bago naman kotse mo. Bigtime ka na sis!" sabi naman ni lyra.

"Kay papa iyon." pagtatama ko.

"Ay tanga. Ano magkokotse sa langit ang papa mo? Bobo neto" sabi naman niya. Kapag ito talaga nagbara hindi mawawala ang tanga saka bobo.

"Ikaw bobo." bawi ko.

Katapos naming magligpit ay nagpaalam na sila. Marami rin raw silang trabahong dapat asikasuhin.

Katapos ko silang ihatid sa pintuan ay humarap na naman ako sa mga sangkatutak na papeles.

"Nagpapahinga ka pa ba huh?" napatingin naman ako sa kaniya. Inilapag niya sa harapan ko ang napakaraming pagkain. As in marami.

"Ano yan ha?" tanong ko at iniisip kung paano ko uubusin lahat ng ito.

"Pagkain eunice. Pagkain yan. Kinakain yan. Hindi mo alam? Hindi mo nakikita? Nabulag ka na ata sa pagmamahal mo sa Niko na yon" tinignan ko naman siya ng masama.

"Alam kong pagkain yan okay? What I mean is mauubos ko ba lahat ng iyan? Ano, papatabain mo ba ako ha?"

"Oo! Ano, puro kape at donut ka nalang lage?" eto na naman po kame.

"Anong kasalanan ng kape at donut sayo ha?" parang naging allergic siya sa kape at donut.

"Hindi masarap" sabi niya at umupo sa sofa. Tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"Napapano ka?" tanong ko ng makatabi ko siya

"Wala" sagot niya. Kinuha niya uli ang magazine sa table ko. Bago pa niya mabuksan iyon ay hinablot ko na.

"Ayan ka na naman e. hindi mo na naman ako papansinin. Mga sexy at makikinis na naman ang titignan mo" sabi ko sakaniya at tumayo para umalis sa tabi niya.

"Ikaw naman ang may kasalanan e. pinagpapalit mo ko sa niko na yon"

"Anong pinagsasabi mo? Anong palit palit? Nababaliw ka na vince"

"Baliw sayo"

"Ano?"

"Wala. Bingi mo"

"Bahala ka nga dyan. Gulo mong kausap." dumeretso na ako sa mesa ko at nagsimulang magtrabaho uli.

Mapatapos kong gawin ang lahat ng ginagawa ko ay sumandal muna ako dahil sumakit ang likuran ko. Ilang oras na rin at hindi pa rin umaalis si Vince. Wala ba siyang trabaho?

"Hindi ka ba busy? Wala kang trabaho ngayon?" tanong ko sa kaniya. Naglalaro lang siya sa cellphone niya at hindi man lang niya ako tinignan.

"Sa tingin mo kung meron ay nandito ako?" sagot niya at hindi pa rin ako tinitignan.

"Bakit ba ang sungit sungit mo sa akin ngayon?" lumapit ako sa kaniya pra kuhanin ang cellphone niya pero agad naman niya itong inilayo. Alerto ang gago.

"Huwag ka ngang magulo. Baka mamatay ako" umayos siya ng upo at nagsimula na naman siyang maglaro.

Pambihira. Pumunta lang ata rito para maglaro.

Sa sobrang badtrip ko sa kaniya ay nanahimik nalang ako. Kahit naman dumada ako rito ay hindi niya ako papansinin.

"Yes. Panalo." rinig kong sabi niya at nakita ko pang ibinaba niya ang cellphone at sumandal.

"Tapos ka na sa trabaho mo?" tanong niya. Tumango lang ako at nagkunwaring busy sa cellphone. Kanina iniignore mo lang. Bahala ka ngayon.

"Sa tingin mo ba ay mababayaran mo ng buo iyon sa loob lang ng isang taon?" tanong niya uli. Nagkibit balikat lang ako. Ayoko siyang makausap dahil naiinis pa rin ako sa kaniya. Dahil lang kay Niko ay hindi na niya ako pinapansin.

"Wala naman bang problema sa Mall mo?" tanong niya uli. Tumango ako at nagbrowse sa facebook.

"Tahimik mo ngayon?" lumapit siya sa akin at agad naman akong lumayo. Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina. Akala mo ha. Manigas ka diyan.

"May problema ba tayo?" tanong niya uli. Umiling lang ako at tumingin uli sa cellphone.

"Panay iling at tango ka naman. Galit ka e." umiling uli ako.

"Galit ka. Alam ko kapag galit ka, hindi ka magsasalita at mananahimik nalang." hindi ako tumingin sa kaniya. Naiinis ako sa kaniya.

"Ano nga kase? Parang tanga naman ako neto" reklamo niya. Hindi ko pa rin siya tinitignan. Nakatingin lang ako sa cellphone at nagkukunwaring busy. Nagulat ako ng hablutin niya ang cellphone ko at itapon iyon sa sofa. Sinamaan ko siya ng tingin. Paano kapag nasira iyon? Ays!

"Siguro naman ay ako na ang titignan mo ngayon. Anong problema natin?" deretso ang tingin niya sa akin at naghihintay nag isasagot ko.

Umiling ako at aakmang aalis ng yakapin niya ako.

"Please. Tell me, ayaw kong ganito tayo. Ayoko ng ganito" hinarap ko siya.

"Ikaw ang nagsimula" sabi ko.

"Alam ko. Sorry, baby" sambit nito saka ako hinalikan sa noo at niyakap ako ng mahigpit.

Hide and Seek (COMPLETED)Where stories live. Discover now