Kabanata 2

19 3 0
                                    

"Saan ka galing?"

Nakita kong nakaupo si Lyra sa sofa habang nanonood. Magkasama kase kami sa isang appartment. Katabi ng amin ay yung kina Ynna at Sharenn naman.

"School malamang" nilapag ko ang mga gamit ko sa center table at pumasok sa kwarto para magpalit ng damit.

"School with?" Taas kilay nitong tanong pagkabalik ko sa sala.

"With self. 'Wag mo nga akong tignan ng ganiyan! Para namang may ginawa akong kasalanan e!" Umupo ako sa tabi niya at kumuha ng popcorn na kinakain niya.

"Weh?"

"Oo nga!"

"Nakita ka ni Sharenn. Kasama mo si Zeus. Nagdate kayo sa canteen"

"Ay bobo! Anong date don? Kumain lang kami. Date agad? Nakita niya ako sa likod ng COE Building kaya nagkakilala kami. Teka nga, bakit kilala mo si Zeus?"

"Ay tanga! Ke tagal tagal mong nag aaral ngayon mo lang nakilala si Zeus?"

"Eh sira ka pala e. Anong magagawa mo ngayon lang nagkita ang landas namin!"

"Puro kase libro inaatupag mo! Puro reports!"

"Bobo ka te? Educ po kase kinuha ko diba?"

"Gwapo no?" Biglang nag-iba naman timpla nito. Kanina naiinis ngayon naman parang kinikilig.

"Oo." Sagot ko naman. Gwapo naman kase e.

"Malandi ka" aba naman ako pa inakusahan. E siya itong kinikilig.

"Bobo ka. Bahala ka nga dyan" Kinuha ko nalang ang mga gamit ko at pumuntang kwarto para pagpatuloy ang naudlot kong pag-aaral kanina.

"Edi move on ka na kay Daddy Vince?" Tanong ni Sharenn sa akin habang naglalakad kaming apat ngayon papuntang canteen para kumain.

Si Ynna at Lyra ay HRM Student.
Si Sharenn naman ay Biology Student.
At ako magiging Guro sa hinaharap.

"Gaga. Hindi naman naging kami no!" Luminga linga ako sa buong canteen at baka makita ko uli si Zeus.

"Kahit na! Simula pagkabata niyo magkaibigan na kayo. Syempre mahal mo 'yung tao. Paano kung magkita kayo? Anong gagawin mo?" Tanong ni Ynna pag kaupo namin.

Umalis si Sharenn at Lyra para bumili ng pagkain kaya naiwan kami ni Ynna dito.

"Sasapakin ko siguro. Apat na taon niya akong tinaguan ah!"

"Aysus baka naman hindi yan ang gagawin mo?"

Pagbalik ng dalawa ay naaninag ko si Zeus sa di kalayuan ng table namin. May dalawa siyang kasamang lalaki.

Ang gagwapo naman ng mga kasama niya.

"Gawa tayong vlog. Ang title, Finding Vince" sabi ni Ynna tumawa naman ang tatlo

"Mga bobo" tumingin uli ako sa table nina Zeus. Nakita niya ako at kumaway ita.

Kumaway rin ako pabalik.

"Oy sinong--ay si Zeus. Ang gwapo. Eunice, siya nalang jowain mo haha"

Minsan tanga rin tong Lyra na to.

"Ikaw gumawa. Ikaw nakaisip"

"Kalimutan mo na si Vince. Nandyan naman si Zeus oh. Feeling ko crush ka niya. Snob naman yan sa mga babae e. Pero sa'yo hindi" kilig kilig na sabi ni lyra. Parang tanga naman.

"Mukhang hindi naman. Masyadong gwapo. Ayoko. Tas mukhang mayaman pa. Pass"

"E ano naman ngayon---"

"Hi!" Nagulat nalang kami nasa tabi na pala namin si Zeus. Abot tenga ang ngiti.

"Hello Zeus. Ah Eunice, alis na kami ni Ynna. Baka malate kami" sabi ni Lyra at hinatak paalis si Ynna. Nako humanda kayo.

"Sha, dito ka muna" tinitignan ko na siya ng masam kaso wala pa ren.

"May make-up class kami ngayon sa major, Nice. Bye" nag madali rin itong tumayo.

Naku naman.

Biglang nag pop-up yung phone ko. Nagtext si lyra.

Lyra:
Galingan mong malandi ka

Mygad!

"You okay?" Nagulat ako ng biglang nagsalita si Zeus. Oo nga pala nandito to.

Alam kong gawa gawa lang ng tatlo yung mga excuses nila.

"Yeah. Nasaan na mga kasama mo kanina?" Tumingin ako sa table nila at nakita kong may kasama ng babae yung dalawa niyang kaibigan.

"Kasama nila yung mga girls nila. Op ako e. Kaya pinuntahan kita" umupo siya sa harapan ko.

"Ah okay. Kumusta?" Naiilang ako sa tingin niya.

"Okay naman ako. Ikaw?"

"Medyo busy kase patapos na ang semester. Tas next school year, graduating na."

"Oo nga e. Kami rin. Ang daming pinapagawa. Sunud sunud ang deadline. Minsan nga sabay sabay yung apat na subject."

"Kaya mo yan."

"Anyway, free ka bukas?" Napatingin ako sa phone ko, Saturday bukas. At wala akong gagawin kase tinapos ko na lahat ng reports ko.

"Yes." Ngumiti ako sa kaniya.

"May class ka pa ba niyan? Hatid na kita sa classroom mo."

"Oo. 'Wag na. Haha"

"Please?" Nag puppy eyes pa. Ang cute naman.

"Okay. Tara na" tinulungan niya akong magbitbit ng  gamit ko.

Habang naglalakad kami napapatingin sa amin ang ibang istudyante, ang gwapo kase ng kasama ko e.

"Dito nalang ako" sabi ko ng nasa harap na kami ng classroom.

"Sigi. Alis nako"

"Ingat. Salamat, Zeus" hinintay ko muna siyang makalayo ng konti bago pumasok.

Pagpasok ko ay sinalubong naman ako ng mga kaklase kong tumitili.

Niyugyug pa nila ako hawak ang makabilang balikat ko.

"OMG! EUNICE! NILILIGAWAN KA BA NI ZEUS?" Sigaw ng kaklase kong si Anna

"Magkaibigan lang kami" pumunta na ako sa umupan ko pero dinumog na naman nila ako.

"Weh? Swerte mo girl! Sana ako rin!"

"Sana ihatid niya rin ako!

"Ang gwapo niya"

"Ang bait pa"

Umiiling nalang ako habang nakikinig sa mga sinasabi nila.

Dumating na ang prof namin at nagsimula ng magdiscuss ito.

Hide and Seek (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن