Kabanata 18

10 1 0
                                    

"Hindi ka ata natulog? Laki ng eyebags mo" sabi ni Niko ng makapasok siya ng office ko. Nandito siya para iinform ako about sa nangyayare sa farm.

"Natulog pero inaantok" sinarado ko ang laptop ko saka ako yumuko roon. Narinig ko pang tumawa ito.

"Ayaw mong makita ang farm?" tanong niya. Hindi ako sumagot. Gusto ko lang matulog buong araw. Hindi kase ako nakatulog ng maayos kagabi at hindi ko aalam kung bakit.

"Okay. Just take a nap. Mukhang pagod na pagod ka" narinig ko nalang ang pagbukas sara ng pintuan.

"Kailan mo gustong pumunta ng farm?" Tanong ni Niko katapos kong ligpitin ang pinagkaininan naman. Kanina palang lumabas siya ay para bumili ng makakain namin. Binili niya rin ako ng kape para mawala ang antok ko.

"Hindi ko pa alam. Marami pa akong dapat asikasuhin rito. Tetext nalang kita kapag free na ako" sabi ko ng makabalik ako sa upuan ko katapos kong itapon sa trash can ang kalat.

"Ops. Hindi mo alam ang number ko" natatawang sabi niya. Wrong eunice. Baka akala niya ay sinabi mo lang iyon para ibigay niya ang cellphone number niya.

"Yeah. I forgot" nahihiyang sabi ko. Engot mo, self.

"Here. Para masabihan mo ako kung kailan mo balak pumuntang farm" iniabot niya sa akin ang calling card niya. Agad ko naman inilagay sa bag ko ang card.

"Anyway, may update na ba ang mga pulis tungkol sa papa mo?" tanong nito. Ilang linggo na rin kase pero wala pa rin akong naririnig na balita tungkol sa nangyare kay papa.

"Wala pa nga e. Naghihintay rin ako pero wala pa rin silang sinasabi sa akin" itinago ko rin ang mga litratong ibinigay nila sa akin. Lagi ko iyon tinitignan baka sakaling maalala ko kung sino nga ba ang lalaking iyon.

Sa oras na malaman ko kung sino ang nasa likod ng trahedyong iyon ay masisiguro kong mabubulok siya sa kulungan.

Ilang linggo na ang nakalipas ng mapag-usapan namin ni niko iyon at ilang linggo na rin akong busy sa trabaho. Parang hindi nababawasan ang trabahong iniwan ni papa. Lalo na ngayon ay kailangan ko talagang mag double time para agad kong mabawi ang Farm.

"Ma'am, nandyan po ang mama niyo" sabi ng sekretarya ko ng makapasok ito. Sinabi kong papasukin niya si mama at agad naman itong sumunod.

"Anong ginagawa niyo rito ma?" tanong ko sa kaniya ng makaupo kami sa sofa ng office ko. Medyo naging okay na rin kami ni mama, sabi nga ni vince ay wala na rin naman akong magagawa at nangayri na.

Siguro naman ay last na niya ito. Kasal na sila ay wala na siyang magagawa.

"Binibisita ka. Hindi ka kase sumasagot sa mga tawag at text ko. Kinausap ko pa si Vince kung kailan ang free time mo kaso sinabi niyang masyado kang busy para sa farm ng papa mo." sabi nito. Inutusan ko rin ang secretary ko na bumili ng makakain para kay mama.

"Yeah. Busy rin si Vince kaya hindi na kami nagkikita. Dati rati naman ay pinupuntahan niya ako rito kaso marami rin siyang trabaho."

"Masyadong malaki ang utang ng papa mo, anak. Sa tingin mo ay mababayaran mo iyon?" tanong ni mama.

"Yes ma. Doble kayod naman ako para makuha ko agad ang farm ni papa" sagot ko. Gustong gusto kong mabawi ang farm ni papa dahil kung hindi ko magagawa iyon ay mawawala lahat ng pinaghirapan ni papa roon.

"Hindi naman ata uso sayo ang pahinga. Magkakasakit ka niyan. Bakit ba hindi mo nalang pabayaan yon? Masyado ka ng maraming trabaho. Sa mall mo lang ay napakarami mong trabaho" medyo nainis ako kay mama. Madali lang sakaniyang sabihin iyon kase hindi siya ang nahihirapan.

"Ma, ayoko. Kahit anong anong mangyare ay babawiin ko ang farm" sabi ko sakaniya.

Naputol ang usapan namin ni mama ng dumating si Tito Robert at kasabay ng pagpasok ng sekretarya kong may dalang pagkain.

Ipinalagay ko sa mesa ang pagkain at ipinaupo ko si tito.

"Nangungulit ang mama mo na ihatid ko siya rito dahil hindi ka na raw niya nakikita at nakakausap" sabi ni tito.

"Marami po akong trabaho ngayon kaya wala akong masyadong free time" sabi ko. Iniabot ko naman sa kanila ang pagkain.

"Wala ka bang balak lumipat sa bahay natin?" Natin?! No way. Hindi ako titira kasama nila. Kahit na medyo okay na ako sa relasyon nila ay may part sa akin na ayaw ko. Hindi ko alam.

"Mas malapit po kase ang bahay ni papa dito sa opisina." dahilan ko nalang. Though, mas malapit naman talaga ang bahay ni papa rito.

"Mauuna na kami, may aasikasuhin pa kase kami. Malapit na pala ang birthday ni Liah, sa Sabado sana makarating ka. Sa bahay iyon gaganapin" sabi ni mama. Katapos ko silang ihatid ay umupo muna ako sa sofa ko.

Pupunta ako o hindi?

Baka kung hindi ay iisipin ng Liah na iyon ay bitter ako.

Nasa kalaginaan ako ng pag-iisip ng muling kumatok ang sekretarya ko.

"Ma'am may mga pulis po" agad akong napatayo katapos kong narinig iyon. Agad kong sinabi na papasukin niya ang mga ito. Bigla naman akong kinabahan.

"May update na po ba?" agad kong tanong

May iniabot silang cellphone sa akin. May konting basag ito pero gumagana pa.

"Natagpuan po namin ang cellphone na iyan sa kotse ni Mr. Ramos. Ngunit may passcode po ito kaya hindi makita kung ano ang laman niyan. Malakas ang kutob namin na nariyan ang posibleng ibidensya sa nangyare" paliwanag ng pulis.

Anong password mo, papa?

Ahh! Isa na naman iisipin ito.

Katapos nilang ibigay iyon sa akin ay umalis na sila.

Agad naman akong nag-isip ng password. 4digits ang kailangan either birthday niya? Birthday ni mama? Birthday ko? Anniversary nila? Anniverasary ng Farm? Ng Mall?

Ahhhhh! Paano ko mabubuksan ito?

Sumasakit ang ulo ko.

Papa naman e.

"Kanino mo ninakaw yan?"

"Ay palaka--Vince ano ba! Bigla bigla ka nalang susulpot dyan! Saka hindi ko ninakaw to. Kay papa ito. Nakita nila sa kotse niya." sabi ko. Umupo ito sa tabi ko at kinuha ang cellphone.

"May passcode. Hindi ko alam. Paano ko mabubuksan yan? Malakas ang hinala ko nandyan ang ebidensyang magagamit natin" sabi ko at nag-isip ng pwedeng passcode ni papa.

"Birthday niya." tinry namin pero ayaw. Pati birthday ko, anniversary ng farm, mall pati ang kina mama kaso hindi.

Nagsumunod kaming nagtry ay ayaw na.

"Maghintay muna tayo ng 60 seconds bago magtry uli" sabi ni vince. "What about birthday ninyong dalawa ng papa mo?" tanong nito.

"2622. kapag ayaw, 2226 sabi ko" at 5 seconds nalang ay pwede na ulit magtry.

Una naming sinubukan ang 2622 pero ayaw. Kinakabahan ako sa susunod naming try at baka mali ito. Wala na akong iba pang naiisip.

"Gotcha!" nagulat ako kay vince at napatingin sa cellphone.

"Nabuksan natin!" sabi ko at napayakap nalang ako kay vince sa sobrang saya.

Hide and Seek (COMPLETED)Where stories live. Discover now