Kabanata 3

14 3 0
                                    

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ni Zeus habang tumitingin sa mga fastfood saka resto.

"Fastfood nalang. Masyadong mahal sa resto"

"Okay" pumasok na kami sa isang fast food. Siya na ang nag order at sinabi ko ang sa akin.

"Iyan lang ang kakainin mo?" Tanong niya bago uminom ng coke.

"Oo. Haha"

" Kaya hindi ka tumataba e. Tinitipid mo ang sarili mo. Kapag sinagot mo na 'ko. At naging tayo hindi ko hahayaan na konti lang kakainin mo"

Huh?

Tinignan ko ito. Tama ba narinig ko?

"Anong sabi mo?"

"Sabi ko, nanliligaw ako sa'yo" omg! Totoo to? May Zeus na nanliligaw sa akin?

Hinawakan ko ang noo niya.

"Wala ka namang lagnat ah? Anyare sa'yo?" Sinamaan niya ako ng tingin.

"Seryoso ako, Eunice. Pero kung hindi ka pa handa. Okay lang. Maghihintay naman ako e." Tumango nalang ako.

Pero si Vince, kahit tinaguan niya ako, may part pa rin sa akin na gusto ko siyang mahanap.

"Totoo? Well, kahit naman hindi ka pumayag ay liligawan pa rin kita!" Masayang sabi niya. Ang cute niya talaga

Naglakad lakad pa kami para hindi masyadong boring. Nag-aya siyang bumili muna ng ice cream.

"Dalawa. Chocolate" inabot niya 'yung bayad sa babae na todo kilig at pa cute kay Zeus. Gwapo kase.

"Here" abot niya ng ice cream sa akin.

"Thankyou"

"May gusto kang puntahan?"

"Wala. Uwi na tayo. 5pm na rin"

"Okay po!" Pabalik na kami ng parking lot ng hawakan niya ang kamay ko. Nagulat siya sa reaksyon ko.

"Oops. Sorry haha. Masanay kana"

Sumakay na kami sa kotse niya. Itinuro ko ang appartment na tinutuluyan namin ni Lyra.

"Gusto mo pang pumasok?" Tanong ng naalis ko na ang seatbelt ko.

"Next time. Sige na, pumasok kana"

"Okay. Thankyou!" Sabi ko at bumaba na. Pumasok na akong appartment.

Pagkasara ko palang ng pinto ay may anim ng mata ang nakatingin sakin.

"Kumusta ang date?"

"Anong ginawa niyo?"

"Saang hotel?"

"Mga bobo naman!" Singhal ko. Akala mo naman may ginawang mali. E kumain lang naman at namasyal.

"Sus. Anong pinag-usapan niyo?" Kaibigan ko sila kaya sasabihin ko lahat.

"Nanliligaw na siya" sumakit ang tenga ko sa tili ng tatlo.

"Huwag mo ng patagalin, Eunice! Sagutin mo na!" Sigaw ni lyra at kinikilig pa.

"Ayoko nga!" Ano siya sinuswerte? Dadaan muna siya sa butas ng karayom

"Ay gaga ka! Kapag iyon nauntog at natauhan, ikaw ang kawawa!" Sabi ni Sharenn.

"Ang relasyon ang pinapatagal. Hindi ang panliligaw. Bahala ka"

"Ay basta! Ayoko muna! Gusto ko munang maranasan na nililigawan" sabi ko at pumuntang kusina para uminom muna.

Hindi naman ako nananaginip diba?
Si Zeus lang naman ang nanliligaw sa akin.
Isang sikat sa school.
Magaling mag basketball
At Gwapo.

Nakita kong pumasok si Ynna sa kusina.

Hide and Seek (COMPLETED)Where stories live. Discover now