Kabanata 11

14 0 0
                                    

"Anong oras ka umuwi?" tanong ni vince na ikinagulat ko. Wala siyang alam kung ano pinagsasabi niya kagabi?

"Wala kang naaalala?" tanong ko. Nasa kusina kami ngayon at nagluluto siya ng almusal.

"Ang alam ko kase naglasing ako kase birthday ko tapos nagising nalang ako na sa sala pala ako natulog--- ahh! wala kang kwenta! Hindi mo man ako binabati ha!" natawa nalang ako sa kaniya. Para siyang bata.

"Binati kita. Ako nga ang kauna-unang bumati sa'yo" sabi ko.

"Talaga? Sige. Kain na" wala man lang Salamat?

Katapos naming kumain ay nag movie marathon kami sa kwarto niya. Ang sabi ko sa kaniya ay magmamall nalang kami kaso ayaw niya. Tinatamad raw soyang umalis at maglakad.

"wala namang nakakaiyak roon ha? Arte mo" reklamo niya. Pero siya naman ang nagpunas ng mga luha ko.

"Hindi raw. Nakakaiyak kaya. Tignan mo oh, naghiwalay sila" sambit ko.

"sige na, sige na. Ang panget mo." aangal pa sana ako sa sinabi niya kaso tinakpan niya ng bibig ko para hindi ako maapagsalita. Inis kong inalis ang kamay niya sa bibig ko at itinuon nalang sa screen ang paningin ko.

"wala ka man lang regalo sa akin? Birthday ng pinakagwapo mong best friends oh." sambit niya habang nagliligpit ng mga balat ng chichirya na nakakalat sa sahig.

"wala" tipid kong sagot.

"Wala kang utang na loob. Kinupkop kita ng ilang buwan. Pinakain ng masasarap na pgkain. Binihisan kita ng mga magagarbong damit. Tapos wala kang regalo?" drama niya.

"Sumbatero"

"Joke lang. Masaya nga ako na nandito ka e. at least may kasama ako rito. May kasama akong mamamatay kung masusunog man ito" humalakhak siya katapos niyang sabihin iyon.

Baliw.

"aalis ka?" tanong ko sa kaniya ng mapansin siya. Kalalabas lang niya sa kwarto at bihis na bihis.

"aalis tayo. Maligo ka na. Dalian mo"

"Bakit kase hindi mo man lang agad na sinabi sa akin na may balak ka palang lumabas" reklamo ko. Mamadaliin ako porke ayos na siya.

"Aalis ako dapat mag-iinuman kami ng mga tropa ko kaso biglang nagtext si mama, pinapapunta ako" paliwanag niya.

"ikaw lang pala ang pinapapunta. Huwag nalang ako sasama."

"Birthday ko. Pagbigyan mo nako"

"Oo na. Eto na magbibihis na. Panget mo." tumayo na ako at dumeretsong c.r para maligo.

Sagli lang akong naligo at baka magbunganga na naman iyon. Una kong nakita ang white dress ko kaya iyon nalang ang susuotin ko. Tinatamad akong mamili pa at baka matagalan pa ako. Kinuha ko naman ang white flats ko. Ayokong magtakong. Hindi ko lang feel. Naglagay rin ako ng light make-up lang. Sigurado akong sa bahay lang kami.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako.

"biglaan ata ang pagpunta?" tanong ko sa kaniya ng makasakay na kami ng kotse niya.

Sana all may kotse.

"nagpaluto raw si mama kase nga birthday ko. Sinabi na niya iyan kaso tinanggihan ko. Ayokong maghanda pa sila. Kaso alam mo naman, makulit si mama." sabi niya habang nakatingin sa daan.

Isang oras rin ang tinagal ng byahe namin bago makarating sa bahay nila. Mansyon pala. Anak mayaman rin ito.

Sinalubong kami ng napakaling gate nila. May nakaukit sa itaas nito na Martin.

Kabababa pa lamang namin ng kotse ay sinalubong na kami ng mga kyulong nila.

Agad lumapit sa akin ang isang maid at sinabing naroon na raw sa kusina ang mga magulang ni vince.

Agad kaming dumeretso sa kusina para magmano.

"Happy Birthday, Son!" salubong ng kaniyang ina ng makita niya kami. Bumeso rin sa akin ang mama niya.

"Thankyou, Mom" sosyal, mom. Ako mama lang hehe.

"Hello po tita Catherine" bati ko.

"Kayo na ba ni vince?" tanong niya. Agad naman akong umiling kay tita. Tumawa nalang siya.

"Ang hina naman, Vince! By the way, happy birthday" biglang sabi ni Tito Vicente. Bumeso rin ako sa kaniya.

"anyway, kain na tayo. Pinaluto ko lahat ng paborito mong pagkain." sabi ni tita. Pinaghila naman ako ng upuan ni vince bago ito umupo sa tabi ko.

"I heard Education ang natapos mo, Nice" sabi ni tita habang nilalagyan niya ng kare-kare ang plato ko.

"Yes tita. Pero sa ngayon ay wala pa po akong planong magturo." sabi ko. Nagpasalamat rin ako katapos niyang maglagyan ng pagkain ang plato ko.

"why? Sayang naman" bakas sa boses ni tita ang panghihinayang.

"Iyon nga ang sinasabi ko sakaniya mom. Bakit hindi na lang niya mahalin ang propesyon niya." singit naman ni Vince

"kung iyon naman ang gusto niya, why not? Huwag mong pilitin ang sarili mo sa isang bagay na sa tingin mo ay hindi ka masaya at hindi mo mahal" sabi ni tito. Tama naman ang sinabi ni tito. Baka sa ngayon ay ayaw ko sa propesyon ko, who knows, sabi nga ni Vince, umiikot ang mundo.

Katapos ng usapan na iyon at dumeretso kami sa living room para makapag bonding pa kami lalo. Eto ang gusto ko rito, close silang magpapamilya. Mabait pareho ang magulang ni vince. Wala silang aling ipinakita sa akin simula bata ako.

Si mama saka tita ay magkababata rin. Sabay silang lumaki, magkasama sila sa kahit anong problema.

"I heard napagawa na ni Alice ang bahay niyo? Mabuti nalang at napaayos niya iyon. Malaki rin ang nitutulong ng resto ng mama mo." sabi ni mama. Kaya lang naman nakapagtapos si mama ay dahil kay papa. Itinaguyod ni papa ang pag-aaral ni mama. Pagkatapos kaseng manganak ni mama sa akin ay nagpumilit siyang mag-aral. Pinagbigyan ni papa si mama. Ang kaso, nagloko si mama.

"yes po tita. Mukhang maganda na rin ang buhay niya. Sa ngayon po ay wala po akong balita sa kaniya." sagot ko.

"Bakit? Hindi ka ba roon nakatira?" tanong ni tita.

"umalis po ako doon matapos kong malaman na magpapakasal siya sa bago niyang nobyo"

"Hay nako. Oh, saan ka naninirahan ngayon?" tinignan ko si vince. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa mga magulang niya na sa condo niya ako tumutuloy.

"Sa condo mom" sagot ni vince. Gulat na tinignan ni tita at tito si vince.

"You mean, magkasama kayo sa iisang condo? Wala bang namamagitan sa inyo?" tanong ni tito. Tumango si vince at nakita ko naman ang nakakasilaw na ngiti ni tita. Alam ko ang nasa utak ni tita.

Dati pa man ay inilalapit na ni tita sa akin si vince. Nagpaplano pa nga sila na kami ang maging mag-asawa. Sila na raw bahala sa lahat ng gastos, bahay, lupa, kasal kahit pa binyag.

Natatawa nalang ako sa tuwing naaalala lahat ng iyon.

"Kailan ba kayo magpapakasal? Gusto ko ng magka apo!" excited na sabi ni tita.

"Hindi ko po siya boyfriend, tita" natatawa kong sabi. Tinignan ko rin si vince at nagpipigil rin ito ng tawa.

"bakit kase hindi mo ligawan? Matagal na rin naman kayong magkasama. Imposibleng wala kayong nararamdaman sa isat-isa" mapilit talaga si tita.

"Soon. Magiging Martin rin siya" sambit ni vince.

Hide and Seek (COMPLETED)Where stories live. Discover now