Kabanata 12

13 0 0
                                    

"Bakit mo naman sinabi yon? Baka umasa sila tita niyan" sabi ko kay vince ng makarating kami sa pintuan ng magiging kwarto ko. Gusto pa nga ni tita ay magkasama kami sa iisang kwarto at baka raw may mabuo. Napapailing nalang ako sa mga sinasabi ni tita tungkol sa amin.

"Hindi tayo titigilan ni mom. Alam mo yan" natatawang sabi niya "Saka kunyari ka pa. Gusto mo lang rin naman maikasal sa akin" tukso niya

"ha-ha. Funny ka" tumalikod na ako at pumuntang higaan. Inaantok na ako wala ako sa mood makipaglokohan sa gagong iyon.

"Eunice, gising na" napamulat ako ng marinig ko ang boses ni tita.

"Tita, good morning po" tumango lang si tita "Tara na sa ibaba" katapos niyang sabihin iyon ay lumabas na siya ng kwarto.

Naghilamos na ako at nagtootbrush bago lumabas.

Nadatnan kong nasa kusina silang lahat. Hindi man lang ako nilingon ni vince para batiin ng good morning. Wala ata sa mood.

"kain na anak." sabi ni tita at binigyan akong pagkain.

Bakit parang ang tamlay nila? Nakapanibago kase hindi masaydong madaldal si tita. At parang ang lungkot nilang tatlo.

Nag-excuse muna ako para puntahan ang mga maids at tanungin kung anong mayroon at bakit ang tamlay nila.

"Ate!" tawag ko sa isang maid

"yes po maam?"

"May problema ba dito? Bakit parang ang lungkot ng mga tao rito?" hindi ako chismosa, concern lang.

"Kanina po kase maam may tumawag po kay sir vince medyo hindi ko po narinig lahat pero pagkakaintindi ko may namatay raw po. Tapos po doon na umiyak si tita. Kanina pa rin po hindi umiimik si tito saka si vince" katapos niyang sabihin iyon ay nagthank you ako at bumalik kina tita.

Sinong namatay?

"Eunice, may sasabihin lang kami" sambit ni tito. Hindi ako matignan ng deretso ni tita. Ano bang nangyayare sa pamilyang ito? Kahapon lang ay ang saya saya namin.

Totoo nga ang sabi nila, may kapalit na lungkot ang saya.

"Ang papa mo, wala na" sambit ni tito. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Para akong pinagsasaksak ng napakaraming kutsilyo. Naninikip ang dibdib at hindi ako makahinga ng maayos sa narinig ko.

"Prank ba ito? Tito please, hindi nakakatuwa" pilit akong tumawa kahit na tuloy tuloy na umaagos ang mga luha ko. Agad akong tinabihan ni tita para yakapin. Nakayuko lang si vince animoy nag-iisip kung anong gagawin.

Umiiyak rin si tita at yakap yakap ako. Pilit niya akong pinapakalma pero hindi ko magawa.

Ang papa ko.

"Gabi non ng mangyare ang trahedya. Nawalan ng preno ang kotseng sinasakyan ng papa mo. Wala pang malinaw na ibidensya na bakit nawalan ng preno ang kotse. Hinahanap rin namin ang cctv footage sa mismong trahedya ngunit sa mga oras na iyon ay nasira ang cctv camera" paliwanag ni tito Manuel.

Matapos niyang malaman na nandito ako ay agad siyang pumunta rito para sabihin sa akin. Si tito Manuel ang matalik na kaibigan ni papa.

Napansin ko rin na may dala siyang tatlong brown envelop. Napansin niya ata na panay titig ako sa mga envelop na iyon kaya naman kinuha niya iyon at iniabot sa akin.

Nice Mall

Nice Farm

Nice Mansion

"tito ano po ito?" tanong ko at ini-isa isa kong tinignan ang mga papel. Lahat iyon ay nakapangalan sa akin.

"Mga ari-arian ng papa mo. Ang Nice Mall na iyan ay nakatayo sa Manila. Lahat ginawa ng papa mo para maitayo ang mall na iyan. Sayo nakapangalan ang mall na iyan. Ang Nice Farm ay narito Pampanga. Katapos niyang maitaguyod ang mall ay pinagsikapan niyang maitaguyod ang pangarap niyang farm. Kahit na pangarap niya iyon ay sa iyo pa rin naka pangalan. Nice Mansion naman ang nagawa niya matapos maging successfull ang dalawang negosyo." paliwanag ni tito. Naluha ako sa mga narinig ko. Lahat ng tagumpay na nais niya narating niya. Sobrang proud ako kay papa.

"Sa bawat galaw ng papa mo ay ikaw ang iniisip niya. Bago niya nagawa lahat ng iyan ay maraming pagsubok ang hinarap niya pero hindi siya sumuko dahil may anak siyang naghihintay sa pagbabalik niya"

Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni tito Manuel.

Pagkatapos niyang sabihin lahat ng iyon lalong lalo na sa mga ari-arian na iniwan ni papa sa akin ay umalis rin agad siya. Sa ngayon ay inaasikaso na ang bangkay ni papa. Hindi ako pumuntang hospital dahil hindi ko pa kayang makita na ganoon si papa.

Napatingin nalang ako sa singsing na suot ko na bigay ni papa. Sa sandaling nakasama ko siya ay malaking pasasalamat ko na iyon at hinanap niya ako.

Simula ng umalis rito si tito Manuel ay nagkulong nalang ako sa kwarto. Hindi muna kami pinaalis ni Tita Catherine. Gusto niya raw na bantayan muna ako hanggang sa maging okay ang lahat.

"Anong ginagawa mo rito?" sambit ko kay mama ng makita ko siyang papasok ng bahay nina tita.

"Umuwi na tayo anak. Umuwi ka na sa akin" pagmamakaawa niya

"Ayoko. Saka diba may bago ka ng pamilya? Kinalimutan mo ako! Kinalimutan mo kami ni papa. At ngayon, wala na siya! Ano, masaya ka na!? ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito e! kung hindi mo iniwan si papa edi sana kasama ko pa siya!"

"Anak walang may gusto sa nangyare umiiyak na sabi ni mama. Aksidente ang nangyare" dagdag pa niya.

"Hindi yon aksidente! Sinandya nilang tanggalan ng preno ang sinasakyan niya! Kapag nalaman ko kung sino ang gumawa non, nasisiguro kong mabubulok siya sa kulungan!" sigaw ko saka tumakbo papuntang kwarto.

Ang sakit. Sobra. Ipinagkait sa akin ang magkaroon ng buo at masayang pamilya. Ang sakit kase ko man lang nakasama ng matagal ang papa ko. Kasalanan ito ni mama e, sana hindi niya iniwan si papa! Siya ang may kasalanan ng lahat kung bakit nagkaleche leche ang buhay ko!

"Nice" lumapit sa akin si Vince na may dala dalang pagkain. Hindi nga pala ako nakakain ng maayos kanina. Ata wala akong gana.

"Hindi ako gutom"

"Kailangan mong kumain. Nasa bahay na ng mama mo ang labi ng papa mo. Kailangan mo ng lakas para bukas ay pupunta na tayo roon." iniisip ko palang ang itsura ni papa na nakahiga sa kabaong ay hindi ko na kaya. Ang sakit sakit.

Agad na lumapit si vince sa akin katapos niyang ilapag ang pagkain sa mesa ng makita niyang umiiyak na naman ako.

"ang sakit sakit" hagulgol ko. Yumakap si vince sa akin.

"alam ko. Magiging okay rin ang lahat"

Hindi ko pa kayang makita si papa humarap siya sa akin at pinunasan ang luha ko.

"Dont worry, Im here baby" sambit niya at hinalikan ako sa noo.

Hide and Seek (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon