CHAPTER 56

9.3K 210 8
                                    

***CHAPTER 56***

 

Naalimpungatan ako at nagising sa isang kwarto na ang tanging ilaw lang ay nanggagaling sa  lampshade sa gilid. Nilibot ko ang mata ko at napagtanto ko na nasa kwarto pa rin ako dito sa resthouse ni Claire.

Nauuhaw ako kaya napagdesisyunan ko na tumayo pero bago pa man ako makaalis sa kama ay napansin ko na agad si Charles James na mahimbing na natutulog sa gilid. Habang nakaupo siya sa bed side ay nakapatong ang ulo niya sa kama at nakahawak sa kamay ko ng mahigpit.

I smiled. Bakit kahit sa pagtulog ang gwapo pa rin niya? I run my fingers in his soft hair. I stared at his calm face. Ang haba ng pilikmata niya at ang pula talaga ng labi niya.

Hahawakan ko na sana ang pisngi niya ng bigla siyang dumilat.

 

 

“mmm.. okay ka na ba?,” tanong niya sa akin habang mapupungay pa ang mga mata niya.

 

 

“Oo, ang galing mo atang mag-alaga noh,” I smiled at him. Ow, how handsome this guy is! Gusto kong pisilin ang mapula niyang pisngi..feeling ko malambot yon eh!

He smiled warmly at tumayo.

 

 

“Are you hungry? Gusto mo bang ipagluto kita?,” tanong niya sa akin.

Umiling ako, “No..hindi na..3 am pa lang ..you should rest..,” sagot ko na ikinakunot-noo niya.

“You’re the one who should catch some rest, baka mabinat ka eh..I can prepare a meal if you wanted..,” sagot niya habang nakakulong ang mukha ko sa dalawang palad niya na nakalapat sa magkabila kong pisngi.

Umiling ulit ako. “No, I’m fine ..you should rest, thank you for taking good care of me..”

 

 

“mmm..okay..,” tapos humiga na siya sa kama na hinihigaan ko.

“Teka, ba’t nandito ka pa rin?,” nakataas-kilay kong tanong habang pinagmamasdan ko siyang nagpulupot ng kumot.

 

 

“You said a while ago that I should rest..so I’m doing what you have just suggested..” he yawned then he closed his eyes.

 

“I know sinabi kong magpahinga ka pero hindi ko sinabi na dito mismo..ang laki kaya ng resthouse na ito at maraming kwarto..hala sige! Punta ka dun sa kwarto mo!,”

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon