CHAPTER 43

9.7K 225 3
                                    

**********[ CHAPTER 43]*********

Mspatrickstar’s note: masyado palang mahaba ang chapter 43 na una kong pinost kaya nagkakaroon ng technical problems kapag sa mobile ka magbabasa, so hinati-hati ko po ito kaya nagkaroon ng PART 2 at yung huling part ay naging CHAPTER 44..

Kaya po naurong yung chapters.. na-correct ko na po ito.

Salamat po sa pang-unawa! Enjoy!

*********************************

 

Bianca’s POV

 

“Welcome back Bianca!!,” isang masigabong pagbati mula kay Claire ng makita niya akong lumabas sa arrival area ng NAIA 1 . Tapos na ang isang linggo kong bakasyon sa probinsiya. Tapos na rin kasi ang aming semestral break kaya balik na naman sa pag-aaral.

“Claire!!,” niyakap ko rin siya ng mahigpit. Na-miss ko rin siya kahit papaano.

 

“oh, nasan si Jelo?,” tanong naman ni Claire at lumingon lingon pa sa likod ko.

 

“Of course naiwan sa probinsiya kasama nila Mama..hindi ko siya pwedeng dalhin dito sa Manila kasi walang mag-aalaga sa kanya at busy na tayo masyado..,” sagot ko

“hay nako..miss ko na ang batang iyon eh!, manong jerry, paki lagay na po sa kotse itong mga bagahe ni Bianca..,” sabi naman niya at agad na lumapit sa amin si Maonong Jerry at kinuha na ang mga bagahe ko..

Naglakad naman kami palabas ng NAIA 1 at sumakay na rin sa kotse niyang nag-aantay sa labas

 

“Bakit mo naman naisipang sunduin pa ako eh pwede naman akong mag-taxi Claire..,”sabi ko naman sa kanya ng maka-upo na kami sa loob ng kotse.

 

“Well, ayaw mo nun, may isang Diyosa ng kagandahan na susundo sa iyo?,”sagot naman niya at nag flip pa ng buhok niyang medyo kulot sa dulo.

“Sus, ang sabihin mo..tinatakbuhan mo si Tristan kaya ako ang ginamit mong excuse…,” sabi ko naman sa kanya ng nakataas ang kilay

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Where stories live. Discover now