CHAPTER 26

10.8K 261 43
                                    

**************[CHAPTER 26]************

"You don't really need someone to complete you. You only need someone to accept you completely."

****************************************

Bianca' POV

"Are you ready?," tanong ni Paul sa akin. Nilingon ko naman siya at nginitian.



"Uhm, medyo kinakabahan ako eh..," sagot ko na lang.



Bakit ako kinakabahan? Dahil lang naman sa ideya ni Paul na ipakilala na ako sa parents niya formally. Yeah, you heard it right, kahit hindi ko pa siya ulit sinasagot bilang boyfriend ko, ayan at nagpumilit siyang ipakilala na ako sa parents niya para daw mas maging legal na ang lahat sa amin.







Sweet and flattering indeed.



"You're beautiful and I 'm sure, my mom will like you," sagot naman niya at ngumiti sa akin . yung ngiting punong-puno ng kasiyahan.



"Hope so," tapos ay bumaba na si Paul sa kanyang sasakyan at umikot sa kabilang gilid para pagbuksan ako.



"Let's go, Princess," tapos ay inilahad naman niya ang kamay niya.







I was a bit hesitant nung tinawag niya akong 'Princess', wala lang, parang may naalala akong nagsasabi lagi niyan.





Umiling-iling naman ako para mawala ang kung ano mang iniisip ko.



"you alright?," nag-aalala namang tanong sa akin ni Paul habang titig na titig sa akin.





"Yep, I'm okay, let's go," tapos nilagay ko na yung kamay ko sa kamay niya. This is a gentleman's gesture naman diba? Yung tipong ine-escortan ang babae sa paglalakad.





Hindi naman maalis ni Paul ang pagkaka-tingin sa akin. Parang na-glue na yung mata niya sa akin. Medyo nahihiya tuloy ako.





"You're beautiful, I'm falling harder," narinig ko pang bulong niya kaya automatic namang namula ang pisngi ko. Seriously, kanina ko pa rin siya tinititigan..sobrang gwapo kaya niya.. parang hindi nga kami bagay eh..







At dahil special dinner itong pupuntahan namin, syempre nangialam na naman si Claire.. akala pa nga niya si Charles James ang kasama ko? What's with her ? Seriously, masyado niyang pinagsisiksikan sa utak niya na may something 'fishy' sa amin ni Charles james. Ayy nako Claire.



At dahil siya daw ang aking bestfriend, nag-effort siyang ayusan ako.





As in EFFORT.





Dahil nagpatawag pa siya ng make-up artist at dress designer para maayusan ako. Oh diba! Parang kasal lang ang peg ni Claire..hayaan na..rich kid si bestfriend eh.

Naka-suot ako ng tube dress na kulay blue at kinulot naman sa dulo yung buhok ko at nilagyan rin ako ng light make-up. Plano ko pa naman sanang mag-cardigan pero ang bruhang si Claire ay over makatutol at sa huli ay wala rin akong nagawa kundi mag-tube dress lang at walang cardigan na suot.



Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें