CHAPTER 47

8.8K 218 1
                                    

************[CHAPTER 47]**************

Bianca’s POV

Buong gabi akong umiyak. Masakit na malaman na isa lang akong laruan kay Charles James. All this years akala ko pwede ko pang maibalik yung dating relasyon namin. Tatlong taon ko siyang inantay. Tatlong taon akong umasa na masasabi ko na sa kanya na mahalaga siya sa akin.

Pero bakit hindi na siya ang dating Charles James?

Ibang iba na siya. Wala na siyang pakialam sa akin. PURO sarili na lang niya ang iniisip niya.

“Bianca…may problema ba?,” nabigla naman ako dahil sa pagkaway ni Angel sa harap ko.

“Ahh, wala naman..,” ngumiti lang ako sa kaniya at sinimulan ko na ulit ang pagkain.

Kahit sobrang naiinis at nasaasktan ako.. pinilit ko pa ring pumasok. Kailangan dahil hindi pwedeng masira o maapektuhan ang pag-aaral ko ng dahil sa issues namin ni Charles James..

 

“hey girls!,” dumating naman si Lyn na may dalang tray at nakiupo na rin sa table namin.

 

“Hello Lyn..,” bati naman ni Angel sa kanya.

 

 

“Alam nyo ba na may kumakalat na balita about kay president..,” bigla naman akong napatigil ng sinabi ito ni Lyn.

“What? Anong balita?,” curious namang tanong ni Angel kay Lyn..

Shocks! Mukhang alam ko na ito!! I’m dead!

 

 

 

“omg! May girlfriend na daw si President C.J. L!!,” nanlalaki ang mga mata ni Lyn na parang hindi niya malaman kung matutuwa ba siya o magagalit sa balitang kumakalat..

“WHAT?! Sino daw??!,” gulat na gulat ding tanong ni Angel.

Ang MOODY Kong Fiancee! (completed)Where stories live. Discover now